Valerio
Hindi ako halos nakatulog kagabi dahil iniisip ko si mama. ang tagal na niyang hindi nagigising at nag-aalala na ako sa kaniya ng sobra. Alam ko rin na anumang oras ay maaari na diyang bitawan ni konsehal dahil madalas ko itong marinig na nagrereklamo sa laki ng binabayaran sa hospital.
Ngunit wala akong magagawa kapag nangyari iyon. Kailangan kong tanggapin ang desisyon ni konsehal kahit na napakasakitnpara sa akin na bitawan si mama. siya lang ang mayroon ako at hindi ko kayang mawala siya.
Sa sobrang hirap ng mga pinagdadaanan ko ngayon siya ang mas higit na kailangan ko ngunit wala akong magawa kung hindi ang maghintay na muli siyang magising.
"Ma, miss na miss na kita. Gumising ka na please."
Wala rin akong lakas ng loob para humingi ng tulong kina Ashley. Sobra na ang tulong na naibigay ng pamilya niya noon sa akin. Nakakahiya kung hihingi pa rin ako ng tulong sa kanila ngayon.
Ayoko na ring mapagbuhatan ng kamay ni konsehal at mapag-initan ni Dion. kagabi lang ay mainit ang ulo nila sa hindi ko malaman na dahilan. hindi ako nakatulog kaagad kagabi dahil tiyak na masasaktan na naman ako ni Dion.
"Cena, okay ka lang?" tanong ni Ashley sa akin.
Last subject namin ngayong tanghali. Dahil half day lang ay may oras ako para makapag-aral sa library ngayon.
"Ayos lang medyo inaantok."
Hindi na ako nakatulog pa nang maligo ako. Natakot din akong baka bumalik si Dion kaya kahit gabi ay naging abala ako sa pag aadvance reading para sa mga subjects. Hanggang umaga ay ganoon lang ang ginawa ko. Iba ang takot ko kay Dion.
"Sigurado ka? Mukhang kulang ka nga sa tulog ang lalim ng itim sa mga mata mo eh."
Tumango ako sa kanya at inayos nadin ang mga gamit ko.
"Tara sa library?" tanong ko kay Ashley.
"Nako, kailangan kong pumunta sa guidance eh. Sunod na lang ako doon." sabi naman niya sa akjn
Tumango ako kay Ashley. Sabay kaming lumabas ng room at naghiwalay din ng makarating na ako sa library.
Pinili ko ang pinakadulong upuan. maluwang ang library ng school namin. Dito ako sa pinaka main pumunta. Ito ang library ng lahat ng estudyante sa paaralang ito. Pero bawat department ay mayroon din.
"Walang tao..." sabi ko nang makita na walang katao-tao.
Siguro dahil madalang puntahan itong library kaya halos walang tao. May sabi-sabi kasing may multo daw dito at haunted daw itong main library kasi lumang building na kaya madalas sa kanya-kanyang library department na sila pumupunta. Pero ako mas gusto ko dito kasi malaki at mas maraming libro.
Nang makaupo na ako ay dumukdok ako kaagad. Hindi ko na talaga mapigilan ang antok ko kaya hinayaan ko na ang sarili kong kainin ng antok.
Hindi ko alam kung ilang minuto pa lang akong nakapikit nang maramdaman kong parang may naupo sa harapan ko. Naalala ko naman ang kwento ng mga estudyante na may multo raw dito. Hindi kaagad ako dumilat kaya sinubukan ko ulit na matulog pero hindi na ako makatulog dahil sa presensya sa harapan ko. unti-unti kong idinilat ang mga mata ko mula sa pagkakadukdok at iniangat ang paningin ko.
"Continue sleeping." He said while looking at the book on his hand.
Napaawang ang labi ko ng makita nanaman siya. Eto nanaman ang t***k ng puso ko. Sobrang bilis. Theo.
"H-Hindi po... hindi naman... h-hindi naman po ako... n-natutulog."
Damn Cena utal-utal ka ba talaga? Baka isipan niya na may sira ka sa utak! His eyes looked at me. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng dumako ang tingin niya sa akin. His cold stares.. his emotionless eyes... damn it.
"How's your ankle?"
He go back from reading again. Napabuntong hininga ako dahil doon. Hindi ko kayang tagalan ang mga tingin niya sa akin para akong hinihilo ng tingin niya.
"S-Salamat nga po pala kahapon, maayos naman na po. Pasensya na din kung hindi ako kaagad nakapagpasalamat bigla kasing nag-ayang umuwi si Dion."
May klase pa sana ako kahapon pero si Dion ay pinilit na akong umuwi kasama niya papra ipahinga daw ang paa ko. Ayoko man ay wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Gusto pa sana ni Ashley na samahan ako pero sinabi ko na okay langat kaya ko na.
"Dion, huh?"
Napatingin ako sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ni Dion.
"Does all step brother act that way Celestina?"
Hearing my name from him is different. Nagtama ang paningin naming dalawa dahil nakatingin na pala siya sa akin. Wala akong maisagot sa tanong niya hindi dahil sa tungkol iyon kay Dion kung hindi dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"K-Kahit nung bata ay ganoon na talaga si-
"Fck reason."
Nanlaki ang mata ko sa narinig mula sa kanya niya. Did he just cursed? Why the fck his curse sound so sexy? Sht ka Cena!
"G-Galit ka po?"
Inirapan niya ako at ibinalik ang tingin sa librong binabasa. I can't read him! Galit ba siya? Hindi ko malaman sa anong parte ng usapan namin siya nagalit. He looked irritated now!
"The..o.."
Bulong ko pero nagulat ako ng ilapag niya ang librong binabasa at ngayon ay may full access na ako sa mukha niya.
His jet black hair, thick eyebrows, rosy lips, dark eyes at ang pilik mata niya na mahahaba, his jaw and his nose damn all perfect.
"Thank you."
He suddenly said and there's an amusing smile on his face. The F? masyado ko bang ipinahalata ang pagtingin ko sa bawat parte ng mukha niya? Nakakahiya! Mas lalong kumabog ang dibdib ko lalo na at kaming dalawa lamang ang nasa dulong ito ng library.
"B-Bakit ka po nagte-thank you, Kuya?"
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko. Mukhang hindi niya nagustuhan ang itinawag ko sa kanya dahil sa pagsasalubong ng kilay niya.
"I am not your brother for you to call me 'Kuya' "
Inirapan nanaman niya ako! Mahilig ba talaga siyang mang irap? Napangiti ako sa itsura niya dahil mukhang naiinis na talaga siya.
"Isn't Dion your step brother? why not call him Kuya?"
Nawala ang ngiti sa mga labi ko and I remember what happened last night. Dion almost touched me down to my private part. I closed my eyes for a seconds and then opened it again.
"Celestina."
Napatayo ako bigla, napangiwi ako ng mapwersa ko ang paa ko. Not infront of him. I can't act like this infront of him.
Unti-unti akong ngumiti sa kanya at muling naupo.
"H-Hindi po kami tunay na magkadugo ni Dion, Siya din ang nagsabi na Dion nalang ang itawag ko sa kany-
"Then call me Theo not kuya."
Napalunok ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung bakit parang iba ang dating ng mga salitang iyon sa akin. I can't call his name right now. Hindi ko alam.. pero kilig ata ang tawag dito?
"Pero mas matanda ka po sa akin."
I tried his patience. Tingnan ko kung maiinis muli siya. Nagugustuhan ko kasi ang pagkunot ng noo niya at ang pagsasalubong ng makakapal niyang kilay. It amused me. Damn Cena.. Hold yourself. You can't fall for this guy.
"I thought age doesn't matter?"
Fck. I didn't saw that coming. Namula ako sa sinabi niya. But I was talking about love that time because of Ashley and that Alexiel! and we are talking about a different thing now!
Baliw ka na talaga Cena.
"Celestina.."
Ito na naman siya! Sht. Why does my name sound so beautiful kapag siya ang nagbabanggit?
"J-Just call me Cena masyadong mahaba ang Celestina."
"I like Celestina."
Napaawang ang mgaa labi ko sa sinabi niya.
No! He likes calling you Celestina instead of Cena not you personally!
"O-Oh sige kung ano po ang g-gusto mo."
Sa klase ng itsura niya ngayon ay talagang naiinis na siya. He bit his lower lip and I was amazed by how he does it. Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng mga labing iyon?What the? Mahalikan?
"Oh fck cut that po. I'm not too old."
Napatawa ako sa sinabi niya. So iyon pala ang isa pang ikinarereklamo niya.
"Okay, Theo."
His face became dark after I said that. Napakunot ang noo ko dahil sa pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. galit nanaman ba siya?
"Repeat it."
Is he asking me to say his name?
"Say it."
I bit my lower lip and obey him.
"Theo..."
I saw him smiled at mas lalo akong namangha sa kanya ng mga oras na ito sa sandaling pagngiti nyang iyon.He stood and patted my head.
"I'm going. See you again next time." sabi niya sa akin.
Wala na si Theo sa paningin ko pero hindi parin ako matinag sa kinauupuan ko. Napahawak ako sa ulo ko kung saan dumampi ang kamay niya. s**t ka Cena sabi mo wag mahuhulog pero tingnan mo ang sarili mo ngayon!
"Cena masakit ba ulo mo?" tanong sa akin ni Ashley.
Naibaba ko ang kamay ko ng magsalita si Ashley. Sa sobrang lutang ko ay hindi ko naramdaman na nakabalik na pala siya at ngayon ay nakaupo na sa upuan kung saan naupo si Theo kanina.
"Ashley.. Kilala mo ba yung lalakeng tumulong sa akin kahapon?"
Napangiti si Ash sa akin at iniharap sa akin ang cellphone niya. Nagulat naman ako ng Picture ni Theo ang bumungad sa akin.
"He's one of the hottest bachelor in town Cena.. Kaibigan pala siya ni Kuya Art, He rarely go with them kaya hindi ko siya kilala. Madalas ay nag-aaral o di kaya'y abala sa family business. Graduate na siya Radtech course pero nag-aaral lang ulit dahil ang gusto talaga ay mag Doctor."
Kung ganoon ay sigurado akong maraming babae na magaganda at sexy ang nagkakagusto sa kanya. Tiyak na mga pang miss universe o mga kilalang babae ang mga iyon. Kumpara sa akin na.. na walang maipagmamalaki.
"25 years old pa lang naman siya Cena so not bad. Age doesnt matter nga diba? We are the same! Wag ka nakikinig kay Kuya Art ha? Kung kanino tumitibok ang puso doon ka dapat!"
Sa tingin ko'y paghanga lang itong nararamdaman ko ngayon. At hindi na lalalim pa. Ayokong maghangad ng espesyal sa isang taong alam kong hindi ko kayang abutin.
"Kung sana nga ganoon lang Ash. Pero hindi ako karapat-dapat sa kanya. O kahit ang magkagusto ay palagay ko'y hindi rin dapat. Sigurado mawawala din itong nararamdaman ko. Tiyak na infatuation lang ito."
Napanguso si Ashley sa sinabi ko. Totoo naman. Tiyak kahit na sinong lalake kapag kinausap ni Dion tungkol sa akin lalayuan ako palagi akong tinatakot ni Dion tungkol doon. na ipagkakalat daw niyang isa akong walang kwentang babae. Just by thinking about Theo the disgust on his face hindi ko kaya. Tingin ko'y masyadong masakit lalo na kung ipagpapatuloy kop itong nararamdaman ko. Ngayon habang maaga pa ay dapat tuldukan ko na ito.
"Wag mo naman tanggalan ng karapatan ang sarili mo na magkagusto Cena. Sa totoo lang? gustong-gusto ko na nga ipakulong ang mga hayop na yon. Wala silang karapatan na saktan ka dahil lang gusto nila."
Naiintindihan ko siya pero hindi sa ngayon dahil hindi ko kayang suportahan ang pagpapagamot kay Mama.
"Ano ka ba! Cheer up okay? tara na nga lang...walang mangyayari dito sa atin kung sasamahan mo lang ako dito."
Sinamaan ako ni Ashley ng tingin at binatukan. Napatawa naman ako sa ginawa niya. Ganito siya palagi kapag inilalayo ko ang usapan namin. Kilalang-kilala na niya talaga ako.
Pero ang magkagusto sa akin si Theo? sa mundo ng panaginip siguro maaari pa pero sa totoong mundo na ginagalawan namin ay malabo na.
Mahirap siyang abutin. Sa estado pa lang ng buhay namin ay napakahirap na. Ang magkagusto pa kaya ang tulad niya sa akin?