Chapter 5
Valerio
"How's school Dion?"
Tanong ni Konsehal sa kanyang anak, Nasa hapagkainan kami at nag-aagahan. Isang beses sa isang linggo kung mangyari ito at kahit ayaw kong sumabay sa kanila ay hindi pupwede. Strikto si Konsehal, ayaw niyang sinusuway ang kanyang mga utos. Nakatira man kami sa iisang bahay ngunit madalang lamang kaming magkita kaya't kapag sinabi niyang sabay-sabay na kakain ay sumusunod na lang din ako.
"Fine Dad. Nothing new."
Tipid na sagot ni Dion. Nakita kong sinulyapan niya ako ng tingin at nang magtama ang mga mata namin ay kaagad akong umiwas sa kanya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya kahit na ilang beses na siyang palihim na pumapasok sa kwarto ko ay ang nakaraan ang hindi ko agad makalimutan.
Wala akong magawa sa ngayon dahil sa kalagayan ni Mama at hindi ako makapagsumbong sa kahayupang ginagawa sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit patuloy pa itong ginagawa ni Dion, hindi ba sumasagi sa isip niya na paano kung magsumbong ako?
"Nakausap ko ang Doctor ng iyong Mama, Cena."
Mabilis akong nag-angat ng tingin kay Konsehal at hindi ko maialis ang tuwa sa akin, Kapag si Mama ang usapan ay nagiging alisto ako sa kung ano man ang kanyang sasabihin. Ibinaba ni Konsehal ang mga kubyertos at uminom ng tubig. Diretso siyang tumingin sa mga mata ko at kinabahan ako sa klase ng tingin na iyon.
"The Doctor said that Celebes' body was okay at maganda ang pagtanggap ng katawan niya sa gamot."
Then that's good! Atleast walang negatibo sa kalagayan ni Mama. Kung patuloy na maganda ang reaksyon ng katawan ni Mama ay hindi rin magtatagal at magigising na siya-
"But..
Napatingin akong muli kay Konsehal ng magsalita siya.
"Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang suportahan ang pagpapagamot sa kanya."
Parang bomba na sumabog iyon sa harapan ko. Napaawang ang labi ko at naibaba ko ang mga kubyertos. Kaya kong tiisin lahat, kung ako ang kabayaran para ituloy ang pagpapagamot kay Mama ay handa ako.. Wag lang si Mama.
"K-Konsehal.."
"I just want to be honest with you Cena. Isang taon nang walang malay si Celebes at hindi ko alam kung nagsasayang na lang ba ako ng pera o hinihintay na magkaroon pa ng himala para lang magising na siya."
Tumayo si Konsehal kaya't napatayo din ako. Hindi ko mahanap ang tamang salita na kailangan sabihin sa kanya.
"Mauuna na ako, may meeting pa ako sa city hall."
Nawala siya sa harapan ko na wala akong nasabi kahit isang salita. Kahit sana nagmakaawa nalang ulit ako pero kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.
"Wag kang mag-alala Cena kukumbinsihin ko si Dad."
Napatingin ako kay Dion nang magsalita siya. Napalunok ako sa klase ng tingin niya lalo na nang pasadahan niya ang akin katawan. Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"This time ako ang gagawa ng paraan."
Iniwan ko siya at lumabas na. Narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ako huminto para lingunin siya. Sa oras na makahanap ako ng paraan ay aalis ako sa bahay na ito at pagbabayarin ko sila sa kahayupang ginawa nila sa akin.
"Celestina hija saan ka pupunta?"
Napahinto ako ng makita ang isang peste sa buhay ko. Ang tito ni Dion, ang kapatid ni Konsehal.
"Mayor Duran."
Pagbati ko. Isa siyang mayor sa kalapit na city ng lugar namin. Halos lahat ng kamag-anak ay nasa linya ng pulitika. Balita ko ay tatakbo na ding mayor si Konsehal sa susunod.
Nang mas lumapit sa akin ang matanda ay napaatras ako.
"Oh, huwag kang mag-alala wala naman akong gagawing masama sa 'yo."
Napalunok ako sa sinabi niya, sinundan pa ng tawa na masakit sa tenga.
"Sumabay ka na sa akin kung papasok ka sa skwela, Nauna na pa lang nakaalis si Antonio may sasabihin sana akong mahalaga sa kanya."
Kahit na maglakad ay pipiliin ko wag lang masabay sa matandang ito. Halata mo sa mukha na may hindi siya magandang gagawin.
"Kamusta ka na ba hija? Pasensya ka na at busy hindi kita madalas na nadadalaw."
Gustong-gusto ko siyang sampalin ngayon sa harap ko pero wala akong lakas ng loob na gawin 'yon. Alam kong walang mangyayari kung ngayon ko ipaglalaban ang sarili ko.
"Baka po ma-late na ako sa pagpasok mauuna na po ako."
Pagpaalam ko at yumuko ako sa harapan niya. Nagulat ako ng tabanan ako ng matanda sa balikat at pinisil iyon agad akong napaatras at napataban sa balikat ko.
"Okay, Mag-iingat ka ha?"
Tumango ako at agad na dumiretso sa gate. Naglakad ako palabas ng village at hindi ko mapigilan na hindi maiyak. Takot na takot na ako pero wala akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko. Takot ako na baka kapag nagsumbong ako ay si Mama ang maging kapalit ng lahat. Hindi ko kayang isakripisyo si Mama, kaya ko pang tiisin hanggang sa magising siya.
Ano ba kasi ang magagawa ng 19 years old? Tiyak na magsumbong man ako ay hindi ako paniniwalaan dahil sa malakas sila sa lahat. Makapangyarihan ang kanilang pamilya at kayang-kaya nilang bayaran ang batas.
Pinunasan ko ang luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Tiis pa Cena. Konting tiis pa.Nang makarating ako sa school ay wala pa si Ashley, Ang bilis ng panahon, isang linggo na lang ay gagraduate na kami. Wala nang halos ipinapagawa sa school at tapos na din kami sa immersion napatingin ako sa screen ng cellphone ko at march 26 na ngayon..
Mama? Mag bebirthday ba ako ng hindi ka kasama? Lord sana po magising na si Mama, Kahit sana iyon na lang ang birthday gift niyo sa akin..
"Cena may meeting ang mga classroom officers mamayang 2 pm sa auditorium hindi ko agad nasabi sa 'yo dahil hindi kita nakita kahapon."
Napatingin ako sa kaklase ko, hindi ko napansin na nakalapit na siya sa akin. Sya ang Vice president ng classroom at ako naman ang president.
"A-Ah sige salamat."
May inilabas pa siya na paper bag at iniabot iyon sa akin.
"Ano 'to?"
Tiningnan ko ang loob at nagulat ako na puro chocolates ang laman non. Tiningnan ko si Alfred na kakamot kamot sa kanyang ulo.
"Para.. sayo. Napansin ko kasi nung nakaraan na mahilig ka sa chocolates kaya.. binilhan kita."
Isasauli ko na sana nang umatras siya at bumalik sa harapan kung saan siya naka upo. Kaming dalawa pa lang kasi dito sa classroom. Tiningnan ko ulit ang loob ng paper bag at halos puno iyon ng iba't-ibang brand ng chocolate.
"Reward mo na din yan dahil sa pagiging responsible mo as Classroom President."
"P-Pero trabaho ko naman iyon hindi ka na sana nag-abala pa-
"Boo! Ano yan?"
Nagulat ako at naibagsak ang paper bag dahil sa panggugulat ni Ashley. Siya na ang pumulot ng paper bag at ibinalik iyon sa akin.
"San galing?"
May ngiti niyang tanong nang tingnan ko si Alfred ay bigla siyang nag-iwas ng tingin at nakuha ko naman na mukhang ayaw niyang malaman ng iba na siya ang nagbigay.
"Hindi ko alam.. nakita ko lang sa table ko."
Sabi ko nalang kay Ashley. Nagulat pa ako ng tumilli siya at umusog papalapit sa akin.
"Napaka dami mong admirer Cena! Penge ako ng ferrero ha?"
Sa lahat ng nanghingi itong si Ashley ang meron na agad sa kamay. Napatawa na lang ako sa akto niya at ibinigay ang isa pang box ng ferrero sa kanya. Hindi lang naman ito ang unang beses na nakatanggap ako ng regalo mula sa isang tao. Minsan ay nakikita ko nalang sa locker ko o sa ilalim ng table ko na mayroong chocolate o libro na gusto ko. Dahil sa kunsintidor si Ashley ay hindi na ako nag-aabala pa na malaman kung kanino nanggagaling ang mga iyon alam na niya kasi na isasauli ko.
Pero si Dion ay hindi natutuwa sa mga natatanggap ko, nang malaman niya na may nagbibigay sa akin ay itinatapon niya sa basurahan at nagkasagutan pa nga sila ni Ashley isang beses nang itapon niya iyong teddy bear na natanggap ko. Wala naman din kasing naglalakas loob na magabot sa akin ngayon lang ang unang beses na direkta sa aking ibinigay.
"Wag lang sanang umepal yung over protective mong step brother." Sabi ni Ashley habang kumakain ng chocolate. Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Hindi kami sabay na pumasok ni Dion at hindi rin naging maganda ang paghihiwalay namin kanina.
"Huh?"
"Si Kuya Theo... yun ah?"
Napatingin ako sa tinitingnan ni Ashley, sa tabing bintana kasi siya nakaupo at ako naman ay katabi niya lang. May tinatanaw siya sa ibaba.
Tumayo ako nang tumayo din si Ashley.
"Sino yung babaeng kasama niya?"
Nang matanaw ko nga si Theo ay napansin ko ang magandang babae na kasama niyang naglalakad, Matangkad maputi at napakaliit ng mukha bagay ang maiksing buhok. Habang naglalakad ay nag-uusap ang dalawa at mukhang close na close dahil magkadikit pa.
Kahit na medyo malayo ay tanaw na tanaw sa pwesto namin ang dalawa. Hindi ko pa nakikitang ngumiti ng ganoon si Theo kahit isang linggo ko na siyang nakilala.
Siguro espesyal iyong kasama niya..
espesyal?
"Hindi ko pa nakikita ang babaeng 'yon ah? Kaibigan kaya nila Kuya?"
Ang ganda ng kasama niya at mukhang modelo dahil sa height. Bagay silang tingnan na magkasama. Pero bakit hindi iba yung nararamdaman ko?
"Si Kris yan."
Nagulat kami ni Ash nang may biglang magsalita sa likod namin.
"Nakakagulat ka naman Tali!"
Kaklase namin si Tali, siya ang Secretary dito sa classroom.
"Modelo nga yang si Kris, Ayoko sa ugali nyan btch yan eh. Matagal na yang may gusto kay Altheo. Ngayon niyo lang ba siya nakita?"
Ang atensyon ko ay na kay Theo at sa babaeng kasama niya. Kris pala? Napakagat ako sa aking labi nang makita ko siyang nakangiti habang kausap iyong babae. Mukhang ang saya ng pinag-uusapan nila. Nang huminto sa paglalakad ay hinawakan ni Theo sa ulo ang babae at hinalikan naman siya ng huli sa pisngi.
"Hala!"
"Feelingera yan eh. I'm sure hindi naman siya gusto ni Altheo."
Napataban ako sa dibdib ko ng biglang nanikip iyon sandali. Napayuko ako at nang ibalik ko ang tingin sa ibaba ay wala na iyong Kris na kasama ni Theo, si Theo na lang ang andon at..Shit.
"Huli tayong nakatingin! Magkunwari kayong hindi nakatingin!"
Narinig kong sabi ni Tali, ngunit huli na dahil nagtama na ang mga mata namin ni Theo, hindi ko mabasa ang ekspresyon na ibinibigay ng mukha niya. Ang kamay ko ay nasa dibdib ko padin at ramdam ko na dumoble ang t***k ng puso ko. Nang marealise kong matagal na kaming magkatitigan ay bigla nalang akong napaupo dahil sa nararamdaman ko.
"C-Cena? Masyado atang obvious yung ginawa mo? tinitigan mo pa!"
"Ano ka ba Tali chill ka lang, kilala kami ni Kuya Theo saka.. nagulat lang siguro itong si Cena sa nakita niya."
Napasabunot ako sa buhok ko sa narinig ko kay Ashley. Nakakahiya. Ngayon ko lang narealise na nahuli kami ni Theo na tinitingnan sila ng babaeng kasama niya at mas nakakahiya nakipagtitigan pa ako sa kanya.
"Ano Cena? Hindi ka na ba makatayo? Nanghina na ba ang tuhod mo sa nakita mo?" Bumalik ako sa upuan ko ng tahimik at sinamaan ng tingin si Ashley tawa lang siya ng tawa sa ginawa ko habang si Tali ay iiling-iling na bumalik sa upuan niya.
"Hindi naman masakit.."
Patuloy na pang-aasar sa akin ni Ashley.Nang matapos ang klase ay naghanda na ako para sa meeting sa auditorium.
"Mauna na ako don sa audi, Cena."
Sabi ni Alfred.
"Ah, Oh Sige susunod na din ako."
"Sabay na ako Alfred!"
Sabi naman ni Tali, Ako naman ay hinihintay ko si Ashley dahil bumili pa ito ng meryenda sa canteen. Sasama daw kasi siya at wala din naman daw siyang gagawin.
Nang dumating na si Ashley ay nakita ko siyang nakasimangot.
"Anong.. nangyari? Bumili ka lang hindi na maipinta yang mukha mo."
Inabot sa akin ni Ashley yung isang tubig na hawak niya at kinuha ang bag niya.
"May asungot lang na nakasalubong. Halika na baka malate ka sa meeting."
Napatingin ako sa wrist watch ko at 1:55 pm na 5 minutes nalang bago mag alas dos. Kinuha ko na din ang gamit ko at lumabas na kami ng classroom. Dala dala naman ni Ashley iyong paper bag na puro chocolate sabi ko sa kanya ay iwan na lang namin sa locker.
"Ano kaba, edi habang nakikinig tayo ay kainin natin ito doon. Kaya nga tubig lang ang binili ko sa canteen kasi may chocolates na hehe."
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Papaliko na kami nang bigla nalang akong mabunggo mapapaupo na sana ako ng mahawakan ako sa bewang ng nakabangga ko.
"Sorry Miss, I didn't saw you."
"Kuya Nnyx?"
Lumayo agad ako sa lalakeng nakabungguan ko at inayos ang sarili ko. Pinulot ng lalake iyong bottled water ko at inabot sa akin.
"Sorry Miss hindi ako nakatingin nasaktan ka ba?"
Umiling lang ako sa lalake, mataas siya at may itsura kulay gray ang buhok niya at mukha siyang foreigner.
"A-Ayos lang po ako."
"Hoy Kuya Nnyx! Anong ginagawa mo dito ha?"
Tiningnan ng lalake si Ashley at ginulo ang buhok nito. Magkakilala sila?'
"Hey Brat. Napadaan lang ako dito paalis na din kasama ko kanina sila Arthur at Theo."
Bumilis ang kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ni Theo.
"Miss sure kang okay ka lang? Hindi ka ba nahilo? Medyo malakas iyong pagkakabangga natin."
Sunod-sunod akong umiling sa kanya.
"H-Hindi po talaga a-ayos lang po."
"Kuya Nnyx alam ko yang ganyang tingin mo ha! taken na 'tong kaibigan ko back off ka na!"
Nagulat ako sa sinabi ni Ashley kaya nilakihan ko siya ng mata. Ngumuso lang siya sa akin at pabirong sinuntok sa tiyan iyong lalake.
"Sige na alis na kami kasi may meeting pa itong si Cena.."
"Cena huh?"
Yumuko ako sa lalake bilang paggalang at nagulat ako ng hinawakan ako nito sa ulo.
"Pasensya na ulit Doll."
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangiti na ito sa akin.
"Bye na Kuya Nnyx isususmbong kita kay Kuya Arthur!"
Hinila na ako ni Ashley kaya wala na din akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Lahat ba ng kilalang lalake ni Ashley na kabarkada ni Kuya Arthur lahat may itsura? Para kasing mga artista ang mga kaibigan ni Kuya Arthur.
"Babaero yun Cena! Lagot siya kay Kuya Theo!"
Hindi ko na pinansin si Ashley nang makarating kami sa Audi ay 2:08 na at nagpapasalamat naman ako na hindi pa nagsisimula. Nang makita namin si Tali ay tumabi kami sa kanya sa upuan napansin ko naman na wala si Alfred.
"Nasaan si Alfred?"
Tanong ko kay Tali.
"Nagpaalam na magsi CR medyo matagal na nga at wala pa eh. Naunahan niyo pa."
Nakakapagtaka naman kanina pa sila nakaalis.
Nang magsimula ang meeting ay napapatingin ako sa pinto dahil wala pa din si Alfred, nag attendance nadin at halos kalahating oras na ang nakakalipas pero wala pa din ito.
"Nasaan na yung Vice president natin?"
"Patapos na itong meeting. Siya lang ang wala dito."
Natapos nga ang meeting na hindi nakarating si Alfred. Nakakapagtaka naman siya pa ang nagpaalala sa akin sa meeting pero siya pala yung hindi aattend? Nagpaalam na sa amin si Tali na mauuna nang umuwi kami naman ni Ashley ay hihinto muna sa library.
"Cena gusto mo magtry mag bar?"
Nagulat ako sa tanong ni Ashley. Parehas kaming bawal pa sa bar dahil 17 palang kami.
"Sa Bar ni Kuya Perci, don't worry nakapunta na ako don once nagpaalam naman ako kay Kuya Arthur. Pinsan namin may ari."
"Baka hindi ako payagan ni Konsehal.. alam mo naman na mahigpit sa bahay."
Napanguso siya sa sinabi ko. Hindi kasi ako basta-basta nakakalabas sa mansion lalo na kapag gabi. Hindi rin pinapahintulutan ni Konsehal, alam daw ng mga tao na konektado ako sa kanya kaya kung ano man ang gagawin ko ay makakaapekto sa kanya.
"Grade 12 daw, oo nasa south binubugbog daw ng mga college eh."
"Walang sinasanto yung grupo nila Dion."
Napalingon kami ni Ashley sa grupo ng kalalakihan na nakasalubong namin. Nagkatinginan kami at mukhang naintindihan ni Ashley ang nasa isip ko. Dali-dali kaming naglakad papuntang south.
"Maryosep Cena ano nanaman ba ang iniisip niyang magaling mong step brother?"
Lakad takbo ang ginawa namin ang bilis ng kabog ng dibdib ko, kinakabahan ako sa kung ano man ang ginawa ni Dion this time . Nang marating namin ang south sa lumang building ay nakita namin ang dalawang lalake na mukang nagbabantay pa.
"Hoy!"
Sigaw sa amin ng isang lalakeng nagbabantay. Hindi ako huminto at ire-diretso akong pumunta sa likod natutop ko ang aking bibig sa nakita ko. May ginugulpi nanaman siya!
Nagulat ako nang makita na kinuha ni Dion ang upuang kahoy sa gilid niya at nakaamba na itong ipapalo sa nakatalikod na lalake. Ni hindi na makatayo ng diretso ang lalake!
"Ang lakas ng loob mo ha!" I heard Dion said napatakbo ako sa kinaroroonan nang lalake at itinulak ito.
"Cena!"
Rinig kong sigaw ni Ashley pero huli na dahil tinamaan na ako ng silya sa likod. Napapikit ako sa matinding sakit.
"C-Cena! Cena! Dion! What did you do?!"
Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa ang mukha ni Ashley na umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko.