Prologo
'Happy'
🐶
Seven years ago.....
Habang masaya at nalilibang ang ibang mga orphan sa party'ng nagaganap pumuslit naman si Mirabella sa bodega ng bahay -ampunan para tingnan ang tutang napulot nito.
" Hi!, Happy...gutom ka na, noh...," ani Mirabella sa tuta'ng tuwang-tuwa na makita siya, panay kawag ng buntot nito at amoy sa kamay ni Mirabella.
Hinaplos-haplos ni Mirabella ang mala-gintong kulay ng balahibo nito.
" Alam mong may dala ako sa'yo, noh...," anito.May kinuha ito sa bulsa.
Nakabalot sa papel ang dalawang pirasong hotdog na talagang pinuslit ni Mirabella para sa tuta.
" Ito...parang naki-party ka na rin...," nakatinging pinakain nito ang tuta'ng pinangalanan niya 'Happy'.
Batid ni Mirabella na bawal ang anumang alagang hayop sa bahay-ampunan, kahit na naki-usap siya noon sa mga Madre na gusto niyang itong kupkupin ngunit hindi siya pinayagan.Kaya sa halip na dalhin sa isang dog shelter at itinago na lang ni Mirabella ang tuta.
Isang party ang nagaganap sa isang bahay-ampunan, sponsor ng isang mabait at galanteng donor ang munting salu-salo sa ampunan para sa bata roon.Kasama ang pamilya ng sponsor, walang kaartihang nakisali sa party ang nag-iisang anak nilang lalake na edad labing-limang.
Habang tuwang-tuwa at enjoy na enjoy ang mga bata sa party kausap naman ng mag-asawa na siyang sponsor ang ilang Madre na siyang nagpapatakbo ng orphanage.
"Maraming-maraming Salamat sa'yo, Dianna, hinding-hindi ka talaga nakakalimot," sambit ni Sister Esme, o Esmeralda.
" Oo, naman po.Nanggaling rin po ako dito kaya imposibleng hindi po ako babalik rito....," ani Dianna.
" Pasensya na po kayo mga Sister kung ngayon lang po kami nakabisita dito, medyo busy po sa mga trabaho namin," sabat naman ng asawa ni Dianna na si George.
" Naku, kayo talagang mag-asawa.E, kahit na wala kayo rito patuloy pa rin ang pagbibigay niyo ng donasyon, buwan-buwan....," sagot ni Sister Ricca.
Parehong napangiti ang mag-asawa.
" Syempre naman.Di ba pangako ko po sa inyo Sister noon na basta umayos ang buhay ko, hinding-hindi ko pababayaan ang orphanage na'to.Saka maliit na bagay lang po para sa pag-aalaga niyo sa'kin noon,at sa iba pang mga bata....," sagot ni Dianna.
" Isa pa, Sister dito rin nagsimula ang love story ni Dianna kaya bahagi na talaga ng buhay namin itong lugar na 'to," dagdag ni George.
Napangiti naman ang tatlong Madre.Dahil maging sila ay saksi sa pagsisimula ng lahat.Dating volunteer si George noon sa orphanage at ng makilala nito si Dianna palagi na ito roon hanggang doon na nga nagsimula ang lahat.
" Kayong dalawa talaga....walang pinagbago," ani Sister Ana.
🐶🐶🐶
"Happy...Happy....Happy....," tatlong beses na binanggit ni Mirabella ang pangalan ng tuta at kapag ginagawa niya ito at tatlong beses na umiikot-ikot ang tuta pagkatapos nito ay lalapit ito at Mirabella para makipag-shake hands.
" Aw!..Aw!..Aw!...," tatlong beses na tahol ni Happy.
Isang espesyal na tricks ni Happy.
" Good boy!...," ani Mira sabay haplos sa balahibo nito.
Hindi sigurado si Mirabella kung anong uri ng aso si Happy.Pero kung titingnan ito ay tila, aspin na may halong breed ito, dahil mukha itong golden retriever o labrador.
"Aha!...,"
Napalingon si Mirabella at napatahol naman si Happy ng makita si Freda.
" Sinasabi ko na nga ba.Meron kang tinatago rito, at talagang nagtatgo ka pa ng askal rito, hah....," malditang ani Freda.
Si Freda ay isa sa mga orphan sa bahay-ampunan.Marami ang may ayaw rito dahil may ugali ito.Inggitera,minsan pala-gawa ng kwento at may pagka-sinungaling rin ito.
" Freda...please huwag mo ng isumbong kay Sister Esme oh.Ihahanap ko na lang siya ng ibang matitirahan o ibang kukupkop sa kanya...," pakiusap pa rin ni Mirabella kahit na malaki ang posibilidad na hindi pumayag si Freda.
" Ayoko ko nga....bawal ang hayop rito.Tiyak akong mapaparusahan ka sa ginawa mo.Ang bait-baitang si Mirabella mapaparusahan....," nakangising ani Freda.
Malaki ang inggit ni Freda kay Mirabella kaya kung may pagkakataon para mapahamak ito gagawin niya, ganoon niya ka ayaw si Mira.
"Aw!..Aw..!Aw..!," tinahulan ni Happy si Freda, tila ba pinagtatanggol nito si Mirabella rito.
" Aba!...tingnan mo,ay rabies 'ata ang asong 'yan....mangangakat pa....," ani Freda na natakot naman sa pagtahol ni Happy sa kanya.
" Talagang isumbong kita kay Sister," ani Freda na madaling umalis.
" Freda...," ani Mirabella.
Binuhat ni Mirabella si Happy.
" Sorry Happy kailangan muna kitang ilipat ng ibang lugar....," ani Mirabella na balak muling itakas si Happy.
Walang na iba pang magagawa si Mirabella kung hindi itakas si Happy.Papunta na sanang gate si Mira habang kalong-kalong si Happy ng biglang tumalon palayo ito.
" Happy....ano ba?!...kailangan na kitang itakas kita rito...," sambit ni Mirabella.
Sinundan ni Mirabella ang aso na nawala na sa paningin niya.
" Happy....Happy....," mahinang sambit ni Mirabella habang hinahanap si Happy.
Narinig niyang ang kahol nito kaya sinundan at nakita nga nito si Happy.
Pinapakain ito ng isang binatilyo.
"Happy," sambit ni Mirabella ng makita ang tuta nito.
" Ikaw pala ang amo niya.Mukhang paborito niya ang hotdog...,"
" Ah...oo,kunin ko na siya...Happy," sagot ni Mirabella.
Lumapit naman si Happy sa kanya matapos maubos ang hotdog.
" Mirabella!," parehong napalingon ito at ang binatilyong kausap niya.
Kasama ni Freda at si Sister Rita, isa sa masungit at istriktong Madre ng orphanage.
"Kita niyo na Sister Rita....'yan ang asong tinatago niyo sa bodega," kaagad na sumbong ni Freda.
" Mirabella, sa opisina....," utos ni sister Rita rito.
Batid na ni Mirabella ang mangyayari kay Happy kapag sumunod siya sa Madre.Alam niyang dapat ay sumunod sa utos ng mga ito pero ayaw niyang basta na lang ibigay sa isang dog pound si Happy.
Hindi kaagad sumunod si Mirabella.Hindi niya kayang isuko si Happy.Napatingin si Mirabella sa binatilyo at isang bahala-na-si-batman na ideya ang naisip niya.
" Mahilig ka ba sa aso?," kaagad na tanong ni Mira rito.
Nagtaka ang binatilyo sa tanong ni Mirabella.
" Mirabella, sa opisina," utos muli ni sister Rita.
Batid ni Mirabella na hindi maganda ang mangyayari sa kanya at mapaparusahan siya sa ginawa niya at sa gagawin niya pero ayus lang sa kanya basta masiguradong ayus lang si Happy.
Hindi na hinintay ni Mirabella na sumagot pa ang binatilyo at binigay si Happy sa kanya.
" Please...ampunin mo si Happy, ayaw kong mapunta siya sa dog pound....pakiusap....," seryosong ang mukha ni Mirabella, at kitang-kita ng binata sa mga mata ni Mirabella na gusto nitong isalba ang aso niya.
" Sige," nakangiting kinuha ng binatilyo si Happy.
" Mirabella, anong ginagawa mo?.Alam mong mangyayari sa'yo sa ginagawa mo," babala ni Sister Rita.
" Sorry, po Sister Rita," sagot ni Mirabella.
" Grabeh, ang lakas ng loob mong suwayin si Sister Rita," panggagatong pa ni Freda.
" Pasensya ka na, Hijo.Ako ng bahala sa aso na 'yan...," ani Sister Rita.
" Mirabella, kunin ko ang aso,huwag mong abalahin ang bisita natin," utos ni Sister Rita na binababawi si Happy.
" Pero Sister Rita," ayaw sumunod ni Mirabella.
" Ayus lang po Sister...gusto ko rin po si Happy...ako na pong bahala sa kanya," sagot ng binatilyo.
Tila naka-hinga ng maluwag si Mirabella sa naging sagot nito.
" Salamat talaga....," halos pabulong na sambit ni Mirabella habang nakaharap sa binatilyo.
" Hijo, hindi mo kailangan madamay sa kalokohan ni Mirabella kaya hindi mo kailangan kupkupin an aspin na 'yan...hayaan mong sa dog pound na lang 'yan," kumbinsi ni Sister Rita.
" Ayus lang po.Gusto ko rin magkaroon ng aso kaya ayus lang, sa'kin na si Happy," nakangiting sagot nito.At tila sumang-ayon si Happy ng kumahol ito.
Hindi na kumontra pa ang Madre sa gusto ng anak ng sponsor nila.
" Akala mo, nakaligtas ka na?...parurusahan ka pa rin ni Sister Rita, at makakarating 'to kay Sister Esme," inis na sambit ni Freda.
After Ten years......
🐹🐹🐹🐹🐹🐹
GERONA J.R.
🙂↕️🙂↕️🙂↕️