My Hamster Prince
My Hamster Prince
Pasilip:
Natigilan si Mira.Napa-isip sa sinabi ni Emman.
"Ano raw?....kulam??...hamster?...at talagang hamster? Hindi man lang daga?...ang sosyal naman,hah," naguguluhan si Mira sa mga pinagbibintang sa kanya.
"Sorry ha...p-pero hindi ko masakyan ang trip mo.Lasing ka pa 'ata o....alam niyo sinasayang niyo ang oras at pera ko sa pagpunta dito!... ang layo kaya nito sayang ang mapasahe ko...," parang bulkang sumabog si Mira sa inis.Hindi siya makapaniwala na bumiyahe siya ng malayo para lang paratangan ng kung anu-ano.
Natulala ang dalawang lalake sa pagtaas ng boses ni Mira.Pareho itong nabigla sa lakas ng loob nito.
"....minsan talaga hindi mo mahahalata kung sino ang may saltik sa normal," inis na inis na dagdag ni Mira sa antipatikong lalaking nasa harapan niya.Sa sobrang inis nito basta na lang niya tinalikuran si Emman para umalis ng opisina nito.
"...hindi ko na matagalan ang lalakeng may saltik na 'to...," dagdag pa nito na walang paalam na naglakas paalis.
" Where are going?...you better stop now.!!!...,"sigaw na pigil ni Emman kay Mira na hindi siya pinakikinggan.
" Alfred stop here," sabay utos ni Emman sa secretary.
Naguguluhan si Alfred sa takbo ng pangyayari pero nakasanayan na niyang sumunod kay Emman kaya pinigilan niya si Mira ng maayus.
" Miss Santiago, pakiusap huwag muna kayong umalis....,".
Kahit na naiinis si Mira hindi niya kayang mandamay ng ibang tao.Mabait sa kanya si Alfred na maayus na nakiusap pero kailangan niyang tanggihan ito.
" Sorry po talaga Sir, pero sa tingin ko ang laki ng problema ng boss niyo.Mabuti pa siya na lang ang intindihin niyo...ipa-check niyo na po," pagtitimping sagot ni Mira.
Walang nagawa si Alfred ng hindi niya napakiusapan si Mira pero bago pa man makaabot sa may pintuan ito napigilan na siya ni Emman, nang hinawakan siya sa braso nito.
" Bitiwan mo nga ako," sinubukan ni Mira'ng kumawala sa pagkakahawak ni Emman sa kanya pero hindi ito pumayag.
" Hin-," hindi na naituloy ni Emman ang sasabihin ng may kakaibang nararamdamang siya.
"Ha-ha....hachooo!!!...," at hindi na nga niya napigilan ang pagbahing at mismo sa harapan ni Mira.Naglaho si Emman.Kasabay ng pagbahing nito parang bulang naglaho si Emman.
Nanlaki ang mga mata ni Mira sa pagkagulat.
" A-a-a-anong na-nangyari...na-na-wala siya bigla...na-nakita niyo di ba???....," gulat na gulat na reaksyon ni Mira.Parang magic na disappearing act ang nasaksihan niya at hindi na alam ni Mira kung ano na nga ba ang nangyayari.
" Hindi siya nawala....," lumapit si Alfred sa naiwang damit ni Emman at kinuha ang hamster na nakatago sa ilalim ng damit.
"....ito siya...," dugtong ni Alfred na pinakita ang hamster.
" Naging hamster siya?...hamster???....anong nangyayari dito???...sandali lang....pinagtitripan niyo ba ako...hindi totoo 'to....kalokohan lang....gawa-gawa niyo lang...," hindi makapaniwalang reaksyon ni Mira na napa-sapo sa noo.
" Alam niyo mabuti pa aalis na ako...," naguguluhang saad ni Mira.
Ngunit habang litung-lito at hindi makapaniwala sa mga pangyayari mas lalo nawindang si Mira sa mga sumunod na masasaksihan niya.
Mula sa kamay ni Alfred ay tumalon ang hamster.At biglang magbagong anyo ito ulit.
".....naging tao...siya 'yung hamster...hindi 'to totoo.....hindi...hindi..panaginip...tama nananaginip lang ako...i-imposible l-lahat ng 'to.," pailing-iling sambit ni Mira na tila nawawala na sa katinuan.
Bumalik si Emman sa pagiging tao nito ngunit wala ng samplot kaya hindi na kinaya pa ni Mira ang mga nakakalokang pangyayari at tuluyan na itong hinimatay. Mabilis namang nasalo ni Alfred ito bago pa tuluyang bumagsak sa sahig.
š¹š¹š¹š¹š¹š¹
Disclaimer
Ang kwentong ay hango lamang sa makulit na pag-iisip ng inyong lingkod na writer.Ang anumang mahahawig sa sinong man buhay ang mga pangalan ay nagkataon po laman.At ang mga pangyayari, at bunga lamang ng imahinasyon na pinagtagpi-tagpi upang makabuo na isang makulit na kwentong ito kaya kung sakali mang mahahawig ang mga pangyayari, well sa tingin ko imposible, ganoon pa man nagkataon po laman.
Paunawa at Paalala:
Paunawa po sana sa mga typos at mga wrong grammar na inyong mababasa, alam ko pong masakit sa mata pero pagpasensyahan niyo na sana po.Paalala rin po na ang kwentong ito ay nais lamang maghatid na nakakatwang kwento....good vibes lang po....salamat....hoping to keep reading....and vote na rin and comment....malaking bagay po 'yun biglang aspirant writer.....šāāļøšāāļøšāāļø.
GERONA J.R.