Chapter I_Titig

1549 Words
Weekends ngayon kaya medyo busy ako sa pagbabantay ng aming maliit na tindahan. Ganito ang pinagkakaabalahan ko kapag weekends at walang pasok din. Nasa gulayan siguro si lola remi at mama. Habang nakaupo ako sa lumang wooden chair at ginagawa ang aking assignment ay may biglang kumatok sa harap ko. Napakunot ang noo ko nang makita ko kung sino 'yon. Malapad ang mga ngiti nito habang mahigpit na nakatirintas pataas ang lagpas palikat na natural na buhok nito. Nakakainggit ang buhok nito na straight kahit hindi nipasalon kesa sa akin na medyo may pagkakulot. Pero maganda rin naman ang natural kong curl hair. Marami din ang naiinggit dito e. Ano na naman kaya ang sadya ng isang ito? Hindi naman kasi halatang bibili e. Pero syempri tatanungin kk pa rin. "May bibilhin ka?" Sumimangot ito saka nagpaikot ng mga mata. Sumandal ako sa kinauupuan ko habang nakataas ang isang kilay na hinarap ito. Kung makaasta kaming dalawa sa isat isa parang hindi kami bestfriend no? Ganito lang kasi ang way of pakikitungo namin sa isat isa. "Bibili agad? Di ba pweding binibisita ang maganda at seksi kong bestfriend?" Lalong nalukot ang mukha ko sa tinuran niya. Alam na alam kung paano ako inisin. Huminga na lang ako ng malalim mamaya ko na lang ito sasabunutan. "Binibisita? Eh bakit di ka pumasok kung ganon?" At hayun mabilis na itong umikot para makapasok agad. Bakit parang ang sigla naman ng isang 'to. Napasulyap ito sa paper works na nasa harapan ko at sumimangot muli. Ano naman ang kasalanan sa kanya ng mga paper at kung makaakto ito ay mukhang inaano ito ng mga papers. "Si nanay at lola?" Tanong habang inaabot ang isang bigkis ng saging at walang paalam na kinain yon. "Nasa gulayan." Sagot ko habang nasa mga papel na naman ang mga mata ko. Hindi ko na pinansin ang ginawa nito tutal ganyan naman talaga ang walang hiyang si Aya. Napaangat ang tingin ko rito sa sumunod niyang tanong. "Magtatagal sila doon?" Tinaasan ko ito ng kilay pero sinimangutan lang nya. "Eh kasi naman... "Kasi naman?" Panggagaya ko sa sabi niya kahit di natingin rito. "Kasi naman yayain sana kita sa may drials." Ang lugar na sinabi nito ay isang lugar kung saan may nagaganap na basketball kadahapon. Puro lalaki ang karamihan na nanunuod doon na nanggagaling pa sa patag at ibang karatig bario, kaya ayoko. Ano naman ang gagawin niya ron? "Nagbabantay ako ng tindahan. Hindi ako pwedi. Tsaka maraming tao doon." Ngumuso ito. Bakit di na lang assignments nito ang gawin niya. Tsk. Nagagaya na ito sa mga kadalagahan sa lugar namin. Sabagay lahat naman ng mga dalaga dito puro nag aasawa agad. Ayaw ko ng ganon. Bakit di na lang pag aaral ang atupagin nila? Bakit kasi may tradisyon pa sa lugar namin na ganito? Kung hindi naman pag aasawa ay agad naman engage. Kaloka! Napalingon kami nang bumukas ang pinto. Pumasok si mama na pawisan. "Oh. Nandito pala si Ayana. Ano yan gumagawa kayo ng assignments?" Si nanay habang nagpupunas ng pawis. "Nay Karen pwedi po maaya lumabas si Karisma? E malapit na po itong mabulok dito sa loob ng bahay niyo e." Natawa naman si mama sa joke ni Aya pero hindi ako. Anong nabubulok? Ako nabubulok? E kesa naman sa gaya niya na nagiging uling na! Tirik na tirik ang araw lumalabas ng bahay. Hindi naman siya mukhang uling ganting biro ko lang sa kanya yon na minsan ay kinapipikon niya. Maputi kasi ako kahit maarawan. Instead na umitim kasi ang balat ko ay namumula lang habang si Aya? Talagang nangingitim. Hindi naman sa sobrang itim. Para lang syang nagpatan. Black beauty kasi Tumingin sa akin si nanay. Oh wag nyang sabihin na pumayag sya? Inunahan ko na ito hanggat hindi pa bumubuka ang mga bibig. "Ma. May sasagutan akong assignments." "Madali lang ang assignments natin Karisma. Teka! Saan ka na ba at tutulungan na kita." Hindi na ako nakapalag dahil mabilis niyang kinuha ang mga papel. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan itong sagutan ang mga papel. Palibhasa kasi ang lapad ng noo kaya matalino si Aya. Matalino naman ako pero mas, lang ito ng konte. May padrama drama pa ito kay mama na dapat maenjoy ko daw ang kabataan ko habang hindi pa ako ganap na dalaga. Siya kasi hindi pa nagtutwo months ng magkaroon ito ng buwanang dalaw sa edad na labing lima. After three months ay birthday na niya. Habang ako naman ay kakalabing apat lang nung last November seven. Higit isang taon ang pagitan namin. Ilang minuto lang kami sa pagsagot at natapos na kami agad. Yong kanya pala kasi ay kagabi na niya tinapos. Akala ko ako lang itong masipag sumagot ng mga assignments in advance pero mas advanced pala ang bruha.. "Ano bang meron at tila excited ka?" "Basta!" Masaya nyang sagot na lalong nagpakunot ng noo ko. "Nay Karen go gora na po kami. Hali kana dali.!" What? Hindi pa nga nakakasagot si mama. Pero mabilis na niya akong hinila palabas ng maliit naming bahay. Nalingunan ko lang si mama na kumakaway sa aming pag alis. "Bakit ba nagmamadali ka? Wag kasing lakad takbo." Inis na singhal ko rito. Heto na ako oh. Sumama na ako kahit ayaw ko pero bakit kelangan pa niya akong kaladkarin? Kesho masyado akong mabagal maglakad. Baka raw nagsisimula na ang laro. Bakit pupusta sya? Minsan kasi sa pagkakarinig ko ay may nagaganap na pustahan roon kapag may taga ibang karatig bario na makikilaro. Natatanaw na namin ang maraming mga tao na karamihan talaga ay mga lalaki mapabinata man o matanda. Gusto kong wag ng tumuloy pero hindi ko magawa dahil mahigpit na nakayapos sa kaliwa kong braso ang dalawang kamay ni Aya. "Wag kang KJ Karisma. Ililibre kita ng halo- halo kila ate Belinda. Nasabi kasi nila na may makikipaglaro ngayon kaya magtitinda sila ng halo- halo at barbecue. " "Ano yon suhol?" Hindi na ito sumagot. Pagkalapit ay agad namin natanaw ang nagtitinda na si ate Belinda na kasama ang mga kaibigan nito. Nasa gilid at medyo likod ng scorer ang pwesto nila. Mas matatanda sila sa amin ng ilang taon kaya puro na sila mga college students. Napatingin ako sa basketball court ng malakas na maghiyawan ang mga manunuod na karamihan ay mga nagtitiling mga dalaga. "Go number twenty four!" Hinanap ng tingin ko ang numerong twenty four at napagalaman kong hindi ito tagarito dahil mukha itong mestizo. Malalaki naman at matatangkad ang mga kalaro nito pero iba e. Iba ang hubog ng katawan nito. Parang sa mga sundalo. Mga sundalo sa Hollywood movies. "Three points number twenty seven!" Muntik pa akong mapamura sa gulat ng magsalita ang announcer ng score. Bumalik ang tingin ko sa Court at nanlalaki ang mga mata ko nang pagharap ko ay may nakatingin sa aking mukhang maginoo pero medyo bastos. "Karishma nakatingin sayo! Tangina! Nakatingin sayo! Ikaw na talaga ang maganda at seksi kahit hindi pa dalaga." Siniko ko nga si Aya. Ang daldal. Nakakahiya. Hindi ko magawang ibalik muli ang titig sa court sa pakiramdaman na may nakatingin pa rin sa akin. "Gareth dude. Salo!" Tinapon ni mr. Twenty seven ang bola sa taong tinawag nitong Gareth. Taong kani kanina lang ay nakatitig sa akin. Masyado itong handa na kahit hindi nakatingin ay nasalo agad ang bola. Pumasada ang mga mata ko sa malaki niyang mga braso, mabalahibo. Lalong nadepina ang mamuscle nitong braso sa pagsalo ng pulo. Sobrang laki at tangkad nito. Grabe. So, Gareth ang pangalan niya.. "Gwapo rin yong twenty seven." Bulong ni Aya sa akin na may kasama pang impit na tili. Lalo tuloy akong napasimangot. Ang landi ni Aya. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya promise.. Sinasabihan ko ito na wag nang sumali sa kakatili dahil nakakahiya pero sadyang makapal ang mukha ng isang ito at may patalon talon pa habang isinisigaw na rin yong number twenty seven na Jersey. "Akin yong twenty seven hah. Sayo yong twenty four. Total halatang tinamaan sayo. See. See. Nakatitig na naman sayo.," Automatikong nalipat ang tingin ko sa Court at tama nga si Aya. Pasulyap sulyap ito sa pwesto namin habang nagdi dribble. Mariin kong sininghalan si Aya. Ano ba ang pinagsasabi niya? "Hah basta! Akin yong twenty seven hah. Sayo yong twenty four. Period." Pinitik ko nga ang sentido. Aba't overboard na ang talande na ito a. Biruin mo at nagawa pang akinin ang mga taong hindi niya kilala. Tsaka ang bata niya para sa.. never mind. Napaikot ang mga mata ko ng saglit na magtama ang aming mga mata. Halata ang pagkundlit ng ngisi nito lalo na ng paipasok ang bola sa ring. Shooter pa. ang yabang! Niyaya ko si Aya na ilibre niya ako tutal sabi niya ito naman talaga ang dahilan kaya niya ako hinila hila dito. Pero ang lokaret kong kaibigan. Parang damong nag ugat sa kinatatayuan. Hindi ko mabunot bunot. Nakikisabay pa sa kakatili. Naman oh. Nakakainis. Nakakahiya! "Twenty seven ang hot mo po!" Oh my! Si Aya ba yon? Pero ang nakakagulat ay ang paglingon din ni mr. Twenty seven at binigyan ng kindat ang nagtitili kong kaibigan. Akala ko ay tuluyan na talagang malalaglag ang panga ko. Darn! Isa pang bolero na mukhang playboy. Grrr.. Basta. Ayaw ko! Ayaw ko sa maginoo na mukhang bastos!..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD