NAKISAMA ang panahon sa kasalang iyon na muntik nang hindi matuloy. Sa paglubog ng araw ay kasabay ng magandang simula nina Lalaine at Marvin. Napakaganda ng buong resort na punung-puno ng mga white and peach roses at orchids. Malakas ang hangin mula sa dalampasigan na lalong nagpa-romantic sa lugar. Katatapos lang ng maiksing programa at nagsisimula na ang sayawan. Meg looked so stunning with her crimson gown. Naka-french twist ang buhok niya kaya litaw ang makinis at maputi niyang likod. Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya si Nick na matamang nakatingin sa kanya. At bigla, kumulo na naman ang dugo niya. Ilang sandali pa ay nakita niya itong kausap si Marvin, at pagkatapos ay ang kanyang ina. Hindi rin nagtagal ay marami nang tao ang nakapalibot rito at dinig niya mula sa kanyang

