NAPAILING na lang si Nick nang tuluyan nang makapasok ng kuwarto si Meg. Bumalik siya sa veranda at naupong muli sa tabi ni Nanay ng dalaga. “Okay na?” tanong nito, nakangiti at nang tumango siya ay mas lumawak ang ngiti nito. “Naku, pagpasensiyahan mo na ‘yang anak ko na ‘yan. Alam mo na naman siguro ang ugali n’yang bata na ‘yan, daig pa ang bagyo sa bilis magpalit ng desisyon.” Tumango na lang siya’ng muli dahil hindi naman niya alam ang tungkol doon at wala siyang alam na kahit ano tungkol kay Meg, maliban na lang sa masarap itong humalik. Napangiti siya nang wala sa sarili. Ilang sandali pa ay iniwan na rin siya roon ni Aling Marietta para magtungo sa flower shop na matagal na nitong pinagkakaabalaha. Ito rin ang magdadala ng mga bulaklak sa rest house para sa kasal nina Lalaine a

