Chapter 2

1974 Words
“MAGANDANG gabi po!” Nang may makita siyang tao na sumilip sa may bintana ay lumapit pa siya nang kaunti sa hagdan. Bukas ang ate ng bahay, may nakaparadang lumang asul na kotse sa garahe. Kinuha niya ang maliit na piraso ng papel sa bulsa at tiningnan ang address na nakasulat doon. At nang muli siyang tumingala ay wala na roon ang tao sa bintana. Aalis na sana siya nang makita niya ang mabilis na pagbaba sa hagdan ng isang babae, palapit sa kanya. Maganda ang pagkakangiti nito. Sa pagtakbo nito pababa ay sumasabay sa paggalaw ang mahaba nitong buhok. Simple lang ang suot nitong puting T-shirt at maiksi ang suot niton itim na shorts. Ah, iyon na ang pinakamagandang babae na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiti nang nasa harap na niya ito, at tila galak na galak sa pagkakita sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ng dalaga sa kanya, nakangiti pa rin. At sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ay hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya iyon o hindi. “Ah kasi...” Napahawak siya sa suot na baseball cap. “Kasi-“ At bigla ang ginawa nitong pagyakap. Wala siyang anumang sinabi at nagpatuloy lang ito sa pagyakap sa kanya. Niyakap lang rin niya ito hanggang sa nalaglag na sa sahig ang dala niyang itim na knapsack. “Ano’ng ginagawa mo rito?” muling tanong ni Meg. “Talagang iso-sorpresa mo ako, ano?” Ngumiti lang siya dahil hindi niya alam ang sasabihin. Napakaganda ng dalaga sa harap niya ngayon at nasa mga balikat pa rin niya ang mga braso nito kaya hindi niya kayang makapag-isip ng tamang isasagot doon. “Thanks for coming, honey.” ~~ “NAY, si Neil po,” nakangiting sabi ni Meg. Nasa harap sila ng mesa kung saan nakahain ang isang bandehadong kanin, isang bowl ng pininyahang manok, at tatlong malalaking piniritong tilapia. “Akala ko, hindi siya makakarating?” nakangiting tanong ni Aling Marietta. “Surprise raw po, ‘Nay,” sagot niya. Nagmano ang binata sa matanda nang walang sinasabi. At nakakuha iyon ng magandang ngiti mula sa huli. “Sige na, samahan mo siya sa kuwarto, pinalinis ko na iyon kay Joan kanina, bago rin ang bed sheet at mga punda. Pati ang kumot. Tulungan mo siyang mag-ayos ng gamit nang makapaghapunan na tayo.” Hawak pa rin ni Meg ang kamay ng kasintahan hanggang sa makaakyat sila sa hagdan at makapasok sa kuwartong tinutukoy ng ina. Malaki iyon para sa isang tao at malaki ang kama para sa isang tao. Malaki rin ang bintana nito, katulad ng lahat ng mga bintana sa buong bahay. Dahan-dahang inilapag ng binata ang knapsack sa napakaganda at napakalinis na kama. “Are you okay? Napagod ka ba sa biyahe?” tanong niya. Nakatanaw lang ang kasintahan sa labas ng bintana. Nilapitan niya ito pero bahagya itong lumayo sa kanya. Alanganing tango ang itinugon nito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila wala ito sa sarili at parang may malalim na iniisip. Parang may kakaiba rito ngayon. Neil is the formal type and she has never seen him in T-shirts and jeans. And now, with his baseball cap, light blue shirt and faded jeans, he looked so casual, so handsome and sexy. At narito ito ngayon sa halip na sa Singapore, para sa kanya. “I really appreciate this, honey. I love you,” pabulong niyang sabi at kinuha ang dalawa nitong kamay at inilagay iyon sa kanyang baywang. Nakita niyang nagulat ito sa ginawa niya. At hinalikan niya ito sa labi. She immediately felt his hands come up her shoulders and felt his deep breathing. And when she was about to kiss him more, he suddenly ended it. “Ah…m-may sasabihin sana ako.” Huminga ito ng malalim, muling tumingin sa kanya. Agad na kinabahan si Meg. Hinintay lang niya na muli itong magsalita pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya at sa paraan ng pagtitig nito ay hindi niya maiwasang isipin na maaring may mas malalim na dahilan ang biglaaang pagdating ng kasintahan doon ngayon. “Bad news? Tungkol ba sa trabaho?” tanong niya. Baka kailangan na itong muling umalis patungong Singapore. Pero umiling ito. “May problema ba tungkol sa ’tin?” muli niyang tanong. “Hindi -” “So, what is it?” Muli lang umiling ang kasintahan. “Oh well, ako, may sasabihin. Thank you for doing this.” Bahagya siyang napangiti at medyo nakahinga ng maluwag. Niyakap niya ang binata at hinalikan sa pisngi. Ramdam ni Meg na sa simula ay tila nabigla ito sa ginawa niyang iyon pero hindi rin iyon nagtagal dahil tinugunan rin nito ang mahigpit niyang yakap. At nang halikan niya ito sa labi ay malugod nito iyong tinanggap. Hindi alam ni Meg kung gaano sila katagal nanatiling ganoon, kissing and holding each other tight. Five minutes? Ten? She couldn’t remember, and it didn’t really matter. All she knew was that there was something different about Neil that night, that certain moment. And it actually made her love him more. *** SI Aling Marietta pa mismo ang naglagay ng kanin sa plato niya. Nakatingin ito kay Meg, nakangiti at paminsan-minsang tinitingnan siya. Kahit hindi sabihin ay halatang gustung-gusto nito ang nakikita. “Kumain ka nang marami, ha. Huwag kang mahihiya,” anyaya ng ina ni Meg. Si Meg ang nag-abot ng ulam at naglagay sa plato niya. Alanganing tumango ang binata at alanganin ring ngumiti. Hindi na sana siya kakain dahil naman talaga siya sanay kumain sa gabi pero nang makita niya ang masasarap na pagkain na nakahain sa mesa at isama pa ang magandang pagsalubong ng mga tao roon, bigla siyang nakaramdam ng gutom na kanina pang tanghali niya nararamdaman. “Hay, mabuti naman at nakarating ka ngayon. Ang sabi kasi nitong si Meg, may biglaan ka raw na conference ba ang tawag do’n, kaya hindi ka makakabisita.” “’Nay, surprise nga po,” sagot ni Meg. “Hindi na siya tumuloy sa conference para makilala kayo.” Muling ngumiti si Aling Marietta at nagsimula nang kumain. “Mabuti naman. Mabuti na lang at maganda kang lalaki at kung hindi, talagang magagalit ako sa’yo.” Nginitian lang niya iyon at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain. Ngumingiti siya sa mga kuwentong nakakatawa, tumatango at umiiling sa mga tanong sa kanya. Si Aling Marietta at si Meg lamang ang nag-uusap at nanatili lang siyang tagapakinig hanggang sa matapos ang hapunan. Bilang pasasalamat, siya na ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan nila, na ikinagulat ni Meg at lalo na ni Aling Marietta. Pagkatapos ay agad na rin siyang pumasok sa kuwarto at nagdahilan na pagod dahil sa biyahe. Inisip niya na umalis na lang, iyong bigla, walang paalam. Halos isang oras na siyang naroon sa veranda, nakatayo sa may bintana, nakatanaw sa kawalan. Ilang beses na siyang napailing, ilang beses na niyang gustong iuntog ang ulo sa pader. Kung bakit hindi niya masabi-sabi kay Meg ang dapat niyang sabihin ay hindi niya alam at kung bakit sa tuwing tinititigan siya nito ay kinakabahan siya, hindi rin niya alam. Ang alam lang niya, hindi na niya kayang tagalan ang ganoong sitwasyon at kailangan na niyang umalis sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Pero nakatitig na naman sa kanya si Meg ngayon, at iba ang epekto noon sa kanya. Lalo na sa paraan ng pagngiti nito, at pagdantay ng mga kamay nito sa kamay niya. “Bakit hindi ka pa natutulog?” nakangiti nitong tanong sa kanya. Dahil sa napakaraming bagay, kung puwede lang niyang sabihin. At kahit na sino siguro ang nasa kalagayan niya ngayon na nasa harap ng isang napakagandang dalaga na tulad ni Meg ay hindi rin madaling madalaw ng antok. “Hindi pa ako inaantok,” sabi na lang niya. “Thinking about the conference?” sa halip ay tanong nito. Tumabi si Meg sa kanya at habang tumatagal ay nagugustuhan na niya na palagi itong katabi. Conference? Malayung-malayo sa conference ang isip niya ng mga oras na iyon. Umiling siya. “What is it then?” Napakaganda ni Meg sa suot na simpleng pantulog na mas lalo lang nagpagising sa kanyang diwa. Oversized white shirt iyon at ayaw na niyang alamin kung ano ang nasa loob niyon. Huminga siya ng malalim at kinapa ang kaha ng sigarilyo sa likod na bulsa ng pantalon. Kumuha siya ng isang stick at inilagay sa bibig. Sisindihan na sana niya iyon pero nakita niyang nakakunot ang noo ni Meg, nakatingin sa kanya na para bang isang napakalaking kasalanan ang nagawa niya. “Akala ko nag-quit ka na sa paninigarilyo?”  Nag-quit sa paninigarilyo? Kelan pa? Bago pa niya iyon masindihan ay kinuha iyon ng dalaga mula sa bibig niya, hinati sa gitna at itinapon sa labas. “You promised me, you’ll stop smoking, right?” “I-isang stick lang naman,” sabi niya. “P-paminsan-minsan lang,” dugtong pa niya, kahit hindi iyon totoo. Wala siyang narinig na anupaman mula kay Meg at nang tingnan niya ito ay masama ang mukha nitong nakatanaw sa langit. Halata na masama ang loob nito. “S-sorry.” Kinuha niya ang nakalapag na kahon ng sigarilyo at lighter sa pasimano at inilapag iyon sa harap ng dalaga. “Hindi na mauulit.” “Promise?” Alanganin siyang tumango, tiningnan ang paborito niyang lighter at muling tumango. Nakakuha iyon ng magandang ngiti at isang matamis na maiksing halik sa labi mula kay Meg. “By the way, paano ‘yung conference ninyo? Sino ang ipinadala ng boss ninyo sa Singapore?” “H-ha?” kunot-noo niyang tanong. “Teka, wala talagang conference, ano? Gawa-gawa mo lang iyon para i-surprise ako?” Nang tingnan na naman siya ni Meg sa ganoong paraan, inisip niya kung ano ba ang nagawa niyang kabutihan sa mundo at bakit siya pinagpapala ng ganito. Si Meg na siguro ang pinakamaganda, pinakamalambing, at pinakamasarap humalik na nakilala niya. “I love you, honey.” At nang mas lumapit pa sa kanya ang dalaga, nagtalo ang isip niya sa pagitan ng paghalik dito at pagsasabi dito ng katotohanan. Pero hindi na niya nakayanang makapag-isip sa pagkakaiba ng tama at mali, lalo na’t nasa balikat na niya ang mga kamay nito. At huli na bago niya mapagtanto na ang lahat ng iyon ay isang malaking pagkakamali.  At nang mas lumapit ito, alam niya na hahalikan siya nito. Gusto niyang umiwas, gusto niyang alisin ang kamay nito sa balikat niya pero nang tanggalin nito ang suot niyang cap at mataman siyang tiningnan, nawala na siya sa sarili. Tinanggap niya ang halik na iyon na parang biyaya mula sa langit, at hinalikan din niya ito ng halik na alam niyang makakadagdag sa napakarami na niyang kasalanan. Tamaan man siya ng kidlat sa mga oras na iyon, wala na siyang pakialam kundi kung gaano kalambot ang balat nito, kung gaano katamis ang mga labi nito at kung paanong ang bawat gawin nito ay gumigising at nagpapasabik sa buo niyang pagkatao. Mula sa mga braso ni Meg ay naglakbay ang kanyang mga kamay hanggang sa batok nito para mas mailapit niya ito nang husto sa kanyang katawan. Naramdaman niya ang malalim nitong paghinga. Marami na siyang nahalikang babae at alam niya kung paano panabikin ang mga ito sa pamamagitan ng simpleng halik at sa paraan ng patugon ni Meg sa kanyang mga halik ay sigurado siyang nagagawa niya iyon ng tama. Ilang sandali pa ay hindi na niya napigilan ang sariling mas palalimin pa ang kanina’y simple’ng halik na iyon. Hindi niya inaasahan na tutugunan iyon ni Meg ng mas malalim at mas masidhi’ng halik kaya naman wala na siyang nagawa kundi ituloy iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD