Chapter 3

1181 Words
“GOOD morning, honey,” bati ni Meg sa kanya nang makita siya nitong lumabas ng kuwarto. “Nakatulog ka ba nang mabuti?” Umiling siya at ngumiti. Kagagaling lang niya sa banyo at katatapos lang maligo. Suot niya ang katulad na suot niya kahapon - simpleng T-shirt at kupas na maong. Pero hindi na siya nakasumbrero ngayon. Hinalikan siya ni Meg sa labi ng isang maiksing halik at sinabayan na siya nitong bumaba para mag-almusal. Nakahanda roon ang tipikal na almusal - sinigang, pritong itlog, pritong hotdog, pritong isda, pandesal at kape. Nang maupo siya ay agad siyang ipinagtimpla ng kape ng dalaga. “Ang nanay mo?” Mahina niyang tanong nang mapansing wala roon ang ina nito. “Maagang namalengke, kasama si Joan. Hintayin lang natin sila, aalis na rin tayo.” “Ha? Saan tayo pupunta?” “Sa dress shop, final fitting para sa gown. And I think you need something formal, too.” “Para saan?” Tiningnan siyang mabuti ni Meg bago sumagot. “Para sa kasal ni Lalaine.” Dahan-dahan niyang hinigop ang mainit na kape at hindi na nagtanong pa. Hindi talaga siya mahilig sa kape pero masarap ang pagkakatimpla no’n. Masarap rin ang sinangag, ang isda, ang lahat.at nang muli niyang tapunan ng tingin ang dalaga ay nahuli niyang pinapanood lang siya nitong kumain. “Hindi ka ba kakain?” Umiling ito. “Sinabayan ko na si Nanay kanina.” “Bakit hindi mo ako ginising? Nakakahiya naman sa Nanay mo, tinanghali ako.” “Siya nga ang may sabi sa akin na huwag kitang gisingin dahil tiyak na pagod ka raw sa biyahe kagabi,” sabi ni Meg. Hinawakan nito ang kamay niya at inihilig ang ulo sa kanyang balikat. “I’m glad she likes you. I think she really likes you a lot.” Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na siya nagkumento ng kung ano pa man tungkol doon. Sa totoo lang, gusto rin niya ang personalidad ng ina ni Meg. Mabait, masayahin. At alam niyang makakasundo niya ito. “By the way, may sasabihin ka kagabi sa akin, diba? Ano nga pala ang tungkol do’n?” “Ha? Ano ‘yon?” “Hindi ba, sabi mo, may gusto kang sabihin sa akin kagabi?” Muli, umiling kang siya at ngumiti. “W-wala ‘yon, kalimutan mo na.” Tumahimik si Meg pagkatapos noon. Alam niyang nagtataka ito sa ikinikilos niya dahil kahit siya sa sarili niya ay hindi na rin sigurado dahil sa mga nangyayari. Nang dumating ang ina ni Meg ilang minuto lamang pagkatapos niyang mag-almusal ay tinungo na nila ang sinasabi nitong dress shop. Ilang kanto lamang ang layo nito sa bahay ng dalaga kaya naman nag-tricycle na lamang sila sa halip na gamitin ang kotse ng dalaga na sa tingin niya ay hindi na dapat ibinabiyahe pa. “Bakit ganyan ka makatingin?” Nakangiting tanong ni Meg sa kanya nang mapansin nitong kanina pa siya nakatingin rto smula nang dumating sila sa shop. Ngumiti lang siya at nag-iwas ng tingin.Saan pa ba siya titingin samantalang puro mga damit ang naroon? Ah, naroon rin ang pinsan nitong si Lalaine at ang mapapangasawa nitong nakilala niya sa pangalang Marvin. Maliit na lalaki si Marvin, maputi at parating nakangiti. Mas matangkad rito si Lalaine nang dalawa o tatlong pulgada. Kayumanggi si Lalaine at malayung-malayo sa itsura ni Meg. Mahaba rin ang buhok nito pero kung siya ang tatanungin, hamak na mas maganda si Meg, sa lahat ng aspeto. Abala si Lalaine sa pakikipag-usap kay Oren na isa sa bagong magagaling na fashion designers sa bansa. Matangkad ito, maganda ang tindig na tila modelo. Maiksi ang blonde nitong buhok na parating mayroong headband. At si Marvin, nagbabasa lang ng diyaryo habang nakaupo sa pang-isahang upuan. Nanatili lamang siyang nakatayo sa pintuan ng shop, nakamasid sa nangyayari sa loob at halatang hindi nag-eenjoy sa nakikita. Si Meg lang ang madalas niyang tingnan at nahuli niyang kanina pa ito nakatingin sa kanya. “Are you bored?” Oo, kung p’wede lang niyang sabihin pero umiling siya. Hindi niya alam kung ano nga ba ang ginagawa niya sa ganoong klaseng lugar, nakatulala na parang tanga sa mga damit na iyon. He’d rather be in jail surrounded by murderers than be on that place at that moment. “Are you sure?” “Oo,” tugon niya dahil wala naman siyang pagpipilian. Nilapitan siya ni Meg at pinaupo sa tabi nito doon sa sofa. Hinawakan pa nito ang kanyang kamay habang pinapanood si Lalaine na magsukat ng wedding gown nito. “Oh, kayong dalawa, kailan?” Nakangiting tanong ni Marvin sa kanya. “Kailan ano?” “Kailan kayo magpapakasal?” Nang tingnan niya si Meg ay nakayuko lang ito, nakangiti. “Si Meg, siya ang tanungin mo. Kung ako, kahit kailan, okay lang.” Napatingin si Meg sa kanya, halatang nagulat sa narinig. Halatang hindi nito iyon inaasahan. “Oh, Meg, pinsan! Kailan nga ba kayo magpapakasal?” tanong ni Lalaine na sa salamin tiningnan ang dalawa. “H-ha? Naku, hindi pa talaga kasi namin napag-uusapan ni Neil,” tugon naman ni Me. Tumayo ito para ito naman ang magsukat ng gown. “Aba, Neil, hindi n’yo pa napag-uusapan?” nakataas ang kilay nitong tanong nang humarap sa kanila. “Ah, eh...pag-uusapan namin,” may himig napilitan niyang tugon. Gusto niyang tumayo na at umalis na sa lugar na iyon para iwasan ang napakaraming tanong. Magpapaalam na sana siya para lumabas at magsigarilyo sandali pero bago pa siya makapagsalita ay nakita niyang lumabas si meg mula sa fitting room. Nang tumayo ito sa harap ng malaking salamin ay hindi na niya naituloy ang pagkuha ng sigarilyo sa bulsa. Napasandal na lang siya sa manikin sa likod niya at pinigilan ang sariling mapanganga. It was a tube-top crimson gown with lots of swarovski crystals. It complements Meg’s curves and he has never seen any woman as breathtaking yet innocent-looking as her. Her dark brown wavy hair covered her bare back and through the mirror, she saw him looking at her. “What do you think, hon?” He just stood there, staring at that vision in front of him. “Neil, What do you think?” muling tanong ni Meg sa kasintahan. Humarap ito sa kanya at nang hindi pa rin siya sumagot ay muli itong tumalikod. “Sabi sa’yo, Oren. It’s too much.” “Ano’ng too much? It’s just perfect for you, Meg!” salungat nito sabay tingin sa kanya. “Hey darling, ano’ng masasabi mo?” “Ha? O-okay lang.” Natawa ang lahat nang naroon, lalo na si Oren. Malayung-malayo kasi ang sagot niya sa reaksiyon ng mukha niya. Masyado yatang nahalata na gusto niya ang nakikita. Yeah, ‘okay’ is the least word that could describe that sight. For him, it’s perfect. She is perfect. And he’s starting to dislike the way she makes him feel.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD