AFTER the episode in the dress shop, they decided to head to the private beach resort. Doon gaganapin ang kasal nina Lalaine, at doon rin ang reception. Ilang minuto lang ito mula sa bahay nina Meg at naalala niya ang masasayang alaala nila noon ng pinsan sa resort noong mga bata pa sila. Kaunti pa lang ang mga cottages noon at kaunti pa lang ang mga tao’ng bumibisita pero simla nang umalis siya sa lugar nila ay nagsimula na rin ang tourism industry doon hanggang sa dumami na ang mga private resorts at mga bumibisita mula sa iba’t-ibang bansa.
Nang dumating sila ay palubog na ang araw at dinala siya ni Meg sa paborito nitong bahagi ng beach, doon sa batuhan, malayo sa karamihan.
“I’ve always loved this spot.”
Tiningnan niya si Meg na nakatingin lang sa palubog na araw na tila manghang-mangha doon. Katabi niya ito na nakaupo sa malaking patag na bato. Hinahangin ang mahaba nitong buhok at habang tinititigan niya ito, naisip niya na maganda talaga si Meg kahit saang anggulo niya tingnan. Napailing na lamang siya at ginaya na lang ito sa pagtingin sa lumulubog na araw.
“Kaya minsan, ayoko na sanang bumalik dito. Kapag nagpupunta kasi ako rito, parang ayoko nang umalis. Kung p’wede nga lang sana, dito na lang ako forever.”
“Bakit, hindi ba p’wede?”
Dahan-dahan siyang nilingon ni Meg at tiningnan nang mabuti. “No, and you know why. Wala naman akong gagawin dito. Nasa Manila ang trabaho ko, ang mga kaibigan. Nando’n rin ang trabaho mo. At naroon ka.”
Napatango siya. Sinasabi nga nga ba niya, hindi na dapat siya nagtanong.
“Pero nandito ka ngayon so thank you, honey,” sabi ni Meg. Humilig ito sa kanyang balikat. “You don’t know know much this means to me.” Yumakap ito sa kanya at muli, wala siyang nagawa kundi yakapin rin ito. Ilang sandali pa bago ito kumawala para titigan lang siyang mabuti. Ngumiti ito at mas lalo pang inilapit ang mukha sa kanya.
“B-bakit?” halos pabulong niyang tanong nang patuloy lang ito sa pagtitig.
“May kakaiba sa’yo ngayon. I mean since you arrived last night, there’s something different in you. Hindi ko ma-pinpoint but it’s there.”
Ito na ba ang tamang oras para magtapat? Sasabihin na ba niya ang totoo?
“Pati ‘yang mga titig mo, ‘yang mga ngiti mo’ng ‘yan, ngayon ko lang nakita sa’yo ‘yan.” Hinawakan ni Meg ang pisngi niya at hinimas-himas iyon. “Pati ‘yung paraan ng paghalik mo kagabi...”
Doon siya bahagyang napangiti. “Ano’ng nagbago sa...paraan ng paghalik ko?”
“B-basta...” Agad na namula ang pisngi ng dalaga. “Mas-“
“Mas masarap?” biro niya, na nakakuha ng ngiti mula rito.
Bigla itong tumayo at lakad-takbong tinungo ang tabing-dagat na agad niyang sinundan at nang maabutan niya ito ay hinuli niya ang isa nitong kamay.
“Mas masarap ba ‘kong humalik ngayon?” panunukso niya rito. “Paano mo nasabi?” Ipinulupot niya ang magkabila nitong kamay sa kanyang balikat at hinapit niya ang baywang nito palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Meg pero hindi ito umiwas.
“Basta,”
“Mas gusto mo?”
Ngumiti ito, pumikit at tumango na para bang hiyang-hiya sa usapan nilang iyon.
Hindi niya alam pero pabilis nang pabilis ang t***k ng puso niya habang kayakap ang dalaga. Mas hinigpitan niya ang yakap rito at taniman ng magaang na halik ang noo nito.
“I love you.” Nang muling dumilat si Meg ay seryoso na ang mukha nitong nakatitig sa kanya.
Ayan na naman, bigla na naman siyang kinabahan. Habang pinagmamasdan ang mapupungay na mata ng dalaga ay para siyang nabato-balani. Unti-unti, dahan-dahan. Napapikit na rin siya nang tuluyan nang lumapat ang mga labi niya sa malambot nitong labi.
Mabuti na lamang at tuluyan nang lumubog ang araw at wala nang tao sa paligid. Tanging paghampas na lamang ng tubig sa dalampasigan ang maririnig, kasabay ng malalim nilang paghinga. Kung sabagay, kahit siguro may makakita pa sa kanila ay wala na siyang pakialam dahil ang mahalaga sa kanya ay ang matikman ang matamis nitong mga labi.
Mula sa baywang ni Meg ay naglakbay ang kamay niya sa likod nito. Narinig niya ang mahina nitong pag-ungol nang mas laliman pa niya ang halik hanggang sa magtagumpay siyang mabuksan ang bibig nito nang tuluyan. Alam niyang mali ang lugar, alam niyang mali ang pagkakataon pero wala na siyang magawa dahil tuluyan na siyang nahulog sa patibong na iyon na siya rin ang may gawa.
Ilang sandali pa ay pareho nilnag narinig ang pagtunog ng cellphone ni Meg at pareho nilang hindi iyon pinansin. Isang ring, dalawa, tatlo, apat. At sa ika-anim na ring ay tsaka lang niya napakawalan si Meg.
“Wait, I’ve got a call,” hinihingal nitong bulong.
Nagkunwari siyang hindi iyon narinig at muli itong hinalikan. Hinalikan niya ito at niyakap na para bang wala nang bukas.
“H-honey, baka importante ‘yung tawag,” nakangiti nitong sabi sa kanya, habol pa rin ang hininga. “I’ll be right back.”
Matagal pa bago niya binitawan ang kamay ni Meg. Sinundan niya ito ng tingin nang kunin nito ang cellphone bulsa Nakangiti pa ito sa kanya nang sagutin ang tawag, na gusto niyang isumpa kung sino man iyon.