Chapter 5

1665 Words
“HELLO, who’s this?” tanong ni Meg. Hindi rumehistro sa cellphone niya ang pangalan ng tumawag kaya nagtaka siya kung sino iyon. “Hello, Meg?” Pamilyar ang boses na iyon pero malabo ang linya at hindi iyon masyadong marinig ng dalaga. “Hello, sorry pero hindi kita masyadong marinig, sino ‘to?” Malabo ang dating noon at parang may echo. “Meg, honey, si Neil ito!” Humigpit ang pagkakakapit ni Meg sa cellphone, kasabay ng biglang paglakas ng t***k ng puso niya. “Nasa hotel ako ngayon. I just got back from shopping and I bought a lot of things for you. I’ve been trying to call you since I got here. Honey, Singapore is paradise. We should take a vacation here…so, how are you? Ano’ng sabi ni Nanay? Hindi ba galit sa akin?” Muntik na niyang mabitawan ang hawak na cellphone. Habang nagsasalita si Neil sa kabilang linya ay nakatingin si Meg sa Neil na naroon sa may tabing-dagat. Kung si Neil ay nasa Singapore, sino ang Neil na kasama niya ngayon? “I miss you so much, Meg, sana nandito ka.” “H-hoy, kung sino ka man, wala akong panahong makipaglokohan,” mahina niyang tanong. Ayaw niyang paniwalaan ang nangyayaring iyon. “Honey, it’s really me!” natatawa nitong sabi. “By the way, dumating na ba d’yan si Nick?” “N-Nick?” “Si Nick, ‘yung kakambal ko. I’ve told you about him, right? I asked him to look after you since I couldn’t come. Kanina ko pa rin siya kino-contact but his phone’s out of reach. Is he there already?” Hindi na niya pinatagal pa ang usapan nilang iyon. Nanginginig at dahan-dahang ibinalik ni Meg ang cellphone sa bulsa, at dahan-dahang lumapit sa lalaki. At nang maramdaman nito ang maglapit niya ay humarap ito sa kanya, at ngumiti. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng binata, tiningnan ito mula ulo hanggang paa, kahit pa nga mahirap iyon dahil sa kadiliman ng paligid. Wala siyang makitang kakaiba dito - ang buhok, ang mukha, ang tangkad, parehong-pareho. At ngayon lang niya naalala, sa tinagal-tagal ng panahon na may kakambal si Neil. Isang beses lang nabanggit ni Neil ang tungkol doon, hindi na niya matandaan kung kailan basta ang naaalala lang niya, magha-high school na nito nakilala ang kakambal at hindi sila kailanman naging malapit sa isa’t-isa. Luku-luko – iyon ang term na ginamit nito para i-larawan si Nick. Lumaki si Neil sa ama, si Nick sa kanilang ina at bukod raw sa pagkakaroon ng parehong mukha at mga magulang ay magkaibang-magkaiba sila sa lahat ng bagay. At pakiramdaman niya ay napakalaki niyang tanga para maniwala na ang tao’ng iyon ay si Neil. Kaya pala kakaiba ang mga kinikilos nito, kaya pala iba ang paraan ng pananamit nito at pananalita. Kaya pala hindi ito makasagot sa mga tanong niya, at kaya pala masyado itong tahimik. Kaya pala kakaiba itong humalik - kaya pala mas masarap itong humalik. Oh my God. Biglang nag-init ang mukha niya nang maalala ang mga ‘kissing scenes’ na naganap sa pagitan nila ng binata’ng iyon. She hates to admit but those were the hottest, most daring, most passionate kisses she’d ever experienced in her life. Isang malakas na sampal sa pisngi ang ibinigay niya sa lalaking iyon na nagpagulat sa huli. “Aray! B-bakit-“ “Bakit mo ‘ko hinalikan ng gano’n?” galit niyang tanong. Gusto niya itong sigawan, pero ayaw niyang makaabala ng mga taong natutulog. “T-teka, teka, ano bang-“ “Alam ko na ang totoo, at huwag ka nang magmaang-maangan! Hindi ikaw si Neil!” “Eh, h-hindi nga,” simple nitong sagot, hawak pa rin ang kanang pisngi na sinampal niya. “Hanggang kailan mo ako balak lokohin, ha?” “Sorry,” simple nitong sagot na para bang isang simple’ng pagkakakamali lang ang nagawa nito. “Sorry? Gano’n lang? Pagkatapos mong magpanggap at pagkatapos mo ‘kong halikan ng gano’n?” “Teka lang, teka lang, sino ba ang unang humahalik? Hindi ba ikaw?” “At kasalanan ko pa ngayon?” “H-hindi naman sa ganoon kaya lang…ikaw naman talaga ang unang humahalik, diba?” “At nag-enjoy ka naman?” Bahagyang napangiti si Nick. “Bakit, ikaw, hindi? Sabi mo pa nga, masarap akong humalik, diba?” At nang sasampalin uli niya ang binata ay hinuli nito ang kamay niya. “Nag-sorry na nga ako, ano pa ba’ng gusto mo?” “Umalis ka na, ayoko nang makikita ang mukha mo sa bahay paggising ko bukas ng umaga!” “Eh pinakiusapan ako ni Neil na bantayan ka, hindi ako p’wedeng umalis.” “Wala akong pakialam! Kung ayaw mong isumbong ko sa kanya ang mga kalokohang pinaggagagawa mo, umalis ka na!” “Okay lang, sige magsumbong ka. Ano’ng sasabihin mo? Na nagkunwari ako’ng siya, tapos naghalikan tayo, tapos -“ “Shut up!” galit niyang sabi. Hindi na niya alam ang gagawin sa sobrang frustration. Ang alam lang niya, ayaw na niyang makita ang lalaking iyon kahit kailan. Pero paano niya ipapaliwanag sa lahat ang mga nangyari? *** NAISIP ni Meg na sana ay nagkasakit na lang siya para makauwi na siya sa bahay dahil hindi na niya kaya pang magtagal pa ro’n nang kasama si Nick. Pero wala naman siyang magagawa dahil kaarawan iyon ni Lalaine at alam niyang itatakwil na siya nito bilang pinsan kung hindi basta-basta na lang siya aalis. At dahil sa akala ng lahat ay may namamagitan nga sa kanila ni Nick, kinailangan nilang magpanggap na parang may namamagitan nga sa kanila, labag man iyon sa kanilang kalooban. “Saan nga pala ako matutulog?” tanong ni Nick nang ihatid sila ni Marvin sa kuwarto sa ikalawang palapag ng bahay kung saan tanaw ang napakagandang dagat.  “Eh di, dito,” sagot niya. “Eh saan ka matutulog?” “Dito,” muli, walang emosyon niyang sagot habang hinahanap ang kanyang cellphone sa kanyang malaking bag. “A-ano?” taka nitong tanong. Ibinaba nito ang dalang knapsack sa kama, sa tabi ng bag niya. “Oy, ’wag ka ngang mag-inarte d’yan. Ikaw na nga lang ang makikitulog, ang dami mo pang arte.” “Eh ikaw lang naman ang inaalala ko, okay lang ba sa iyo na sa sahig matulog?” “At sino ang may sabi sa’yong sa sahig ako matutulog?” tanong niya, hawak ang cellphone na kanina pa niya hinahanap. “Teka, pinlano mo ito, ano?” Bahagyang lumayo si Nick, sumandal sa pinto at matamang tumingin sa kanya.” Sinasabi ko na nga ba, iyang mga titig mo sa akin, may pagnanasa ka talaga sa akin, eh.” “Ang lakas din naman talaga ng bilib mo sa sarili mo, ‘no? At ano, feeling mo, pagsasamantahan kita? Sorry pero hindi kita type!” Napailing si Nick. “Ano’ng hindi type? Uy, kakambal ko ang syota mo. Pareho lang naman kami ng mukha, ah.” “Mukha, oo. Pero ugali, ang layo. Kaya ‘wag kang mangangarap na may gusto ‘ko sa’yo.” Mabilis siyang lumabas ng kuwarto at iniwan niya itong mag-isa roon. Kailangan niyang magpahangin, kailangan niyang makalayo muna sa binatang iyon kaya nagtungo siya sa terasa at tinanaw ang tabing-dagat. Dapit-hapon na noon at masarap ang simoy ng hangin. Hihinga pa lamang siya ng malalim nang maramdaman niyang palapit si Nick. “Uy, nagbibiro lang ako, ha,” narinig niyang sabi nito sabay tabi sa kanya doon sa upuang kahoy. “Mas mabuti pa nga siguro’ng umalis na lang ako.” “We’re already here and we can’t do anything about it anymore.” “Eh paano? Magpapanggap akong boyfriend mo, na may relasyon tayo?” Hindi na niya kailangang tumugon dahil obvious naman ang sagot doon. “Okay lang ba sa iyo na magkatabi tayong matulog mamaya?” “Suntok, gusto mo?” galit niyang tanong. Masama ang tingi’ng ibinigay niya rito pero nakangiti lang ito sa kanya na para bang wala lang ang lahat dito. “Joke lang, ito naman. Pareho’ng-pareho kayo ni Neil, hindi mabiro.” At nang mabanggit ni Nick ang pangalan na iyon ay muling nanumbalik ang inis niya – sa sitwasyon, sa sarili. “Pasens’ya na. Kasalanan ko ‘to.” “Buti inamin mo rin,” naiinis niyang sabi at pagkatapos ay napabunting-hininga siya. “Narito na e, ano pa ba’ng magagawa natin?” “Ikaw kasi eh, masyado kang maganda, hindi ako nakapagpigil.” “H-ha?” taka niyang tanong. Tiningnan niya ang katabi, bahagya itong napangiti at pagkatapos ay tumungo. “W-wala.” Kumunot ang noo ni Meg. Mag-uusisa pa sana siya tungkol doon pero biglang lumitaw si Marvin kung saan. Magsisimula na raw mag-ihaw sa ibaba at kailangan nito ng tulong ni Nick. Mula sa balkonahe ay tanaw niya sina Lalaine, Marvin at si Nick na noon ay kasalukuyang nag-iihaw doon sa ibaba at iba pa nilang malalapit na kaibigan at kaanak. Nakita niyang kumuha ng isang stick ng sigarilyo si Nick at akma na iyong sisindihan pero hindi nito iyon tinuloy. At hindi niya maiwasang mapangiti dahil doon. Doon sila sa tabing-dagat naghapunan. Tumutulong si Nick sa mga gawain – pag-iihaw, paghahanda ng mga pagkain at maging ang pagliligpit. Tahimik lang ito, ngumingiti at tumatawa sa mga kinukwento ni Marvin. Alam niyang hindi ito komportable buong hapunan dahil na rin sa sitwasyon at hindi niya maintindihan kung paano nito nagagawang ngumiti, tumawa at makipagkwentuhan sa lahat kahit pa alam niyang gusto na nitong umuwi na lang, kaysa sa magtagal pa roon, kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD