Semestral break was so done. Simula nanaman ng panibagong paghihirap dahil 2nd sem na kami.
"Hi love, how's your break?" Umakbay sa akin si Tatiana.
Masarap....
"Of course I'm happy, sobrang naging clear ang pag-iisip ko!" Masiglang sagot ko sa kaniya.
"That's good! Sa amin kasi medyo nagka-problem dahil they are deciding na bumalik na ng ibang bansa pero.." she stared at me. "Kasama na ako." Malungkot na sabi niya saka yumuko.
"F-for real?" I was bug-eyed looking at her.
"I don't know, hayaan mo na. Plano pa lang naman 'yon Avery," she gave me reassuring smile.
Hanggang sa matapos ang unang lesson namin ay nakatulala lang ako. I was thinking about what Tati said to me earlier.
Kung matutuloy man 'yon ay siguradong guguho ang mundo ko, sobrang tagal ko nang kasama si Tatiana. Six f*****g years, I couldn't even imagine my life without her. She's my first jowa nga e, 'di ba?
Our classes continued, until vacant time came. Hindi ko na pinakita kay Tati kung gaano ako nalulungkot sa ibinalita niya kanina sa akin, dahil for sure masasaktan siya. She's too soft for everything lalo na pagdating sa friendship namin.
"Av, may pinagkakalat si Kai." Malakas na sabi ni Latrell. Nandito kaming lima sa gazebo, si Kai, Latrell, Tati at Cleo. Nakakatuwa lang dahil parang nakabuo na kami ng isang barkada.
Pinanlakihan ko naman ng mata si Kai, baka mamaya ay kung ano na ang pinagkakalat niya.
"What?" He laughingly asked. "We're official, right?" Pagpapatuloy niya. 'Yung love birds naman na naglalandian doon kanina ay napatingin din sa amin dahil sa sinabi ni Kai.
"Really? When did I say that?" Nakangising sagot ko, na siyang kinalaglag ng panga niya.
"Tibay mo naman pala Kaiden! Itulog mo 'yan," pang-aasar naman ni Latrell.
"Hey is that true?" Tati entered the scene.
They were all looking at us. Parang mga abangers ng chismis.
"Pero Avery..." nakatulala pa rin si Kai. Is he thinking about the kiss?
"Okay guys listen," nakangiting sabi ko rito sa mga chismoso at chismosa. "Kaiden and I were official!" I held Kaiden's hand.
"'Yon naman pala e, akala ko nahihibang na kaibigan ko Avery!" Natatawang sabi ni Latrell.
"That's my girl!" Pumalakpak pa si Tatiana.
"Stay strong, alagaan mo 'yan kuya Kaiden ha!" Nakangiting sabi ni Cleo.
"Matic 'yon bro," si Latrell ang sumagot saka umakbay kay Cleo. "Magaling sa lahat si Kai, hindi lang sa pag-aalaga, 'di ba pre? He playfully said. "Kaya niyang dalhin sa langit si Avery," makahulugang dugtong pa niya.
"Alam mo, ang gago mo!" Inis na sabi ni Kai sa kaniya.
Siniko naman ako ni Tatiana saka ngumisi. I just rolled my eyes on her.
Maya-maya lang ay bumalik na rin kami sa kaniya-kaniyang room.
Time flies really fast. Month of December came. Hindi ko na rin masyadong nakakausap si Navi, dahil parehas kaming mas naging busy especially we're both a graduating student.
Si Dean naman ay nabalik na ulit kami sa dati, pinandigan niya nga ang sinabi niyang babawi siya sa akin. He doesn't even need to do that because to be honest it is not his fault naman. I also realized that I just over acted during those times.
"Kai, what's your plan for christmas?" I curiously asked. Nandito kami sa apartment niya. We have decided kasi na rito na lang manood ng movie, kaysa lumabas pa.
"California, that's where my mom wanted to spend our christmas," he casually said habang naka-focus sa pinapanood naming Marvel.
Ilang beses niya na raw napanood 'yon, pero inulit niya para sa akin. Pinilit niya akong panoorin 'yon dahil maganda raw, hindi 'ko naman din kasi hilig ang ganoon genre.
"Oh, that's nice," I said while thinking about something. Kami kaya nila lola?
"You want to come?" He turned his gaze to me.
"No, that's an especial occasion for families. I can't leave without lolo and lola," agad akong umangal sa plano niya.
"Edi isasama natin sila," banat pa niya.
"No hindi na talaga Kai, nakakahiya sa family mo 'no!" Bumusangot ang mukha ko. Ni hindi ko pa nga nami-meet ang parents niya, dahil palaging busy sa business nila.
He just laughed at me, saka mahinang hinatak ang ulo ko para isandal iyon sa dibdib niya.
"Kai is it req—"
"Kai..." he repeated in low voice. "Kailan mo ba ako magiging bebe, Avery?" Singhal niya.
"What? You're already my bebe na ah!" Lumayo ako sa kaniya para tignan ang mukha niya.
"Tsk," nanulis ang nguso niya doon at mas diniin ang sandal. Nag-cross arms pa.
Tumayo ako sa harap niya at pinaghiwalay ang crossed arms niya para kumandong. I hugged his neck and give his pointed lips a peck.
"Damn, Avery. You're really good at taming me," his lips rose to form a smirk.
"f**k," nagulat ako ng buhatin niya ako at ihiga ng maayos doon sa sofa. "Kai, ano ba!" I covered my face using my hand. I don't know what to do, nandito siya sa ibabaw ko ngayon!
"What the hell baby, hanggang peck kisses na lang ba talaga tayo lagi?" Bumusangot ang mukha niya.
"H-hindi naman sa ganoon. A-ano lang—"
I stopped when he closed his eyes and kissed my hand that covers my lips. He chuckled at my stunned face, "Just kidding. No rush, bebe." Lumayo na siya sa akin at iniwan akong nakatulala roon.
Maya-maya lang ay hinatid na ako ni Kai pauwi. Hanggang sa pagtulog ay paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko 'yong ginawa ni Kai kanina.
"Damn you, Kai!" I said to myself, saka nagsimula ng matulog.
Kinabukasan ay nagprepare na ako para umuwi sa Bulacan. I can visit my grandparents na anytime, dahil christmas break na namin.
Pagdating ko ay naabutan kong tahimik na nakaupo sila lolo at lola doon sa sala namin. That's unusual kasi they're tend to be so happy everytime na uuwi ako.
"Hello po, are you okay po?" Tumabi ako sa gitna nilang dalawa, salit-salitan silang tinitignan.
None of them dared to talk, they just gave me the brown envelope.
"What's this?" I curiously asked, while opening the envelope.
"Tignan mo apo, ipapaliwanag niyan ang lahat." My lola said, emotionless.
I glanced at them before finally taking out what's inside the envelope.
"Ano po 'to?" Gulong-gulo ako habang tinitignan 'yong isang chest x ray at ECG result.
Nagkatinginan muna silang dalawa bago tuluyang magpaliwag sa akin.
"Apo, nakita kasing may pagbabago sa puso ng lola mo," my lolo started.
"What changes? Please deretsuhin niyo na po," I said with my trembling voice. Nanginginig na rin ang mga kamay ko dahil sa kaba.
"Cardiomyopathy, 'yan ang sabi ng Doctor," malungkot na sabi ni lola.
I was just staring at them, slack-jawed. Wala akong masabi, heart disease 'yon! May edad na rin ang lola ko, paano kung hindi niya kayanin?
"A-ano pong sabi ng Doctor?" Nanginginig akong napasapo sa mukha ko. "Like, what do you need to do po?" I continued.
"Nag-recommend sila ng therapy, 'yon muna ang gagawin ng lola mo. Exercise, maayos na tulog at masusustansyang pagkain," wala sa sariling sagot ni lolo.
"Sige po, lola please sumunod po kayo ha. Para po lahat sa inyo 'yan," I sighed. My lolo just nodded without looking at me.
I hugged her. "Everything will be alright," I whispered and smiled. For sure bawal na rin kay lola ang ma-stress, good vibes lagi ganoon.
I have to be strong, ako lang ang masasandalan nila sa ganitong mga oras. Umakyat ako sa room ko, I opened my laptop to have a research about Cardiomyopathy.
"Causes heart mussle to become... enlarged," I closed my laptop saka sumandal sa headboard ng bed ko.
"Oh my God," I said in an undertone, habang hinihimas ang sentido ko.
I want to cry. Sobrang hina ng loob ko sa mga ganitong bagay especially kapag mahal ko. But I can't, it will only saddens my grandparents especially lola.
"Let's go," pag-aya ko kay Kaiden, sinundo niya kasi ako rito. Hindi ko na siya hinayaang makapasok sa loob kaya nagulat siya sa akin.
"You okay?" Tanong niya habang busy mag-drive.
I simply shook my head and closed my eyes, isinandal ko rin mabuti ang likod ko doon, as if I got exhausted over nothing.
"Bakit baby?" He held my legs and slightly squeeze it.
"Nothing, basta dito ka lang mas magiging okay ako," I forced a smiled. Ayoko nang sabihin sa kaniya dahil alam kong paranoid din ang isang 'to. Sa amin na lang muna nila lola 'yon.
"Of course... always," he smiled at me too.
Ang saya sa pakiramdam ng may isang Kaiden, I swear.
"Hey, where are we going?" Napaayos ako sa upo, nang makita na iba ang daan na pinupuntahan namin.
"Parents ko, sorry hindi ko na nasabi. Biglaan kasi sila nagkaroon ng free time ngayon and anytime ay babalik na sila sa work. Kaya ngayon sana kita ipapakilala ng maayos sa kanila," he nervously explained.
"K-kai, I'm not ready. Wala akong kaayos-ayos!" Singhal ko.
"Then that's good, they prefer simpler woman," he smirked.
"You're an asshole," I shook my head saka sumandal ulit. Accepting my defeat.
Maaga pa naman nang umalis kami kila lola, kaya maaga rin kaming nakarating dito sa kanila. They're house was really big, I think mas malaki doon sa bahay namin sa Bulacan ng kaunti. Sobrang modern rin tignan nito, and its elegance was too attractive.
"Tara bebe," hinigit ni Kai ang waist ko.
Mabuti na lang din ay naka-dress ako. Kahit papaano I look presentable naman.
"Sir Kaiden, tuloy pa kayo!" Masiglang bungad sa amin ng housemaid nila. She assisted us towards their dining table, where Kai's parents were waiting.
Bumitaw sa akin si Kai para bumeso sa parents niya. Nakatayo lang ako doon at nakayuko, grabe ang aura ng mommy niya! 'Yong wala pang sinasabi pero, durog na durog na pagkatao mo, ganoong level girl!
"Mom, dad, si Avery po, girlfriend ko," inabot niya ulit ang waist ko at idinikit sa kaniya.
"Avery..." mahinang pag-ulit ng mommy niya saka tipid na ngumiti.
"Hello, good afternoon po sa inyo!" I smilingy said saka bahagyang yumuko.
"Good afternoon din, maupo na kayo Kaiden," bati ng daddy niya na ngiting ngiti. He seems so proud of his son, why? Dahil may uwing babae?
"How are you Avery? Your name was really pretty," his mom smilingly said.
"Thank you po, I'm doing fine po ma'am," I smiled.
"Oh dear, you can call me tita!" She laughingly said.
"Oh, sure po tita, thank you po!" Yumuko ako. I don't know what to say!
Kaiden held my hands underneath the table, when he noticed that it is shaking. I looked at him and he gave me reassuring smile.
Kung ano-anong interview pa ang ginawa sa akin ng mommy niya, ang daddy niya kasi ay tahimik lang pero hindi nawawala ang ngiti sa mukha niya.
"Good job, son!" Masayang sabi ng dad ni Kai bago kami tuluyang umalis.
"Dad!" Suway naman ni Kai, bago lumapit ulit sa parents niya para bumeso.
"Una na po kami!" I smiled and waved my hands.
Noong makasakay kami ni Kai sa kotse ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"You okay?" Natatawang tanong ni Kai habang nakaharap sa akin.
"Yes? Maybe? I think so?" I breathily said habang nakasandal doon.
"Sus! I swear they liked you!" He laughed and lightly tap my head.
Well, mabait naman talaga ang parents niya. I really felt their warm welcome, especially ang mommy niya. She's just like me, mataray ang aura but she's really soft and pure. I like her!
Pagkauwi ay naabutan ko si ate Naya na palabas ng condo nila.
"Hello po ate! Where's Navi?" I curiously asked, dahil ilang araw ko na rin hindi nakikita ang isang 'yon.
"Ah, nandiyan sa condo. Pumunta siya kanina sa 'yo kaso wala ka pa raw," she smiled.
"Ah sige. I'll call her na lang, ingat po ate!" I waved my hand. She nodded and continue walking.
Nagdoorbell ako sa kanila at agad namang binuksan 'yon ni Navi.
"Farrah!!" Masiglang bungad niya, she even gave me a hug.
"Anong mayroon?" I smilingly asked.
"I missed you," she rolled her eyes. "Anyways, I wanna try baking, but not pastries," she dreamily said.
"Then what do you want to bake?" I curiously asked.
"Baked mac? Lasagna? What else?" Natatawang sabi niya.
"Okay, magdecide ka na. We'll try to do it." I happily said and pinched her cheeks.
Bumalik na rin agad ako sa condo ko para makapagpahinga.
'nice/tough day :))' I typed my caption. I will post on my IG story 'yong holding hands namin ni Kai kanina sa kotse niya.
I turned off my phone and fell asleep immediately.
I just did my everyday routine until five days before christmas came. Paminsan-minsan ay nagvi-video call ako kila lola to check her. Actually pwede naman akong mag-stay doon, but I can't watch my lola being so weak.
For f**k's sake, it's too painful.
"Kai!!" Atat kong pinakita sa kaniya 'yong picture ng isang resort. Nandito naman siya ngayon sa condo. It's our monthsary kasi but we're both too lazy para gumala.
He scrolled on my phone para tignan pa ang ibang details.
"You want to go here?" He faced me and I immediately nodded. I've never been there before pa kaya gusto ko sanang puntahan.
"Then let's go!" He stood up, ready na umalis.
I held his hand. "W-what? As in now na? We're not even prepared!" Singhal ko.
He smiled saka umupo ulit sa tabi ko. "Come here," he held my arms at tinapik ang legs niya para doon ako maupo, na siya namang ginawa ko.
He hugged my waist. "What?" My brows furrowed.
"Mag-prepare ka na bebe, I'll make a reservation at that resort," he pinched my nose.
"Really? Puwede ba tomorrow na agad?" Excited na sabi ko.
"Sure, let's see," he winked at me. Napapalakpak pa ako dahil sa tuwa.
He successfully made a reservation nga tomorrow. I swear super spoiled ako kay Kaiden! Lahat ginagawan niya ng paraan just for me.
On the same day, we just did a preparation for tomorrow, such as clothes and other stuffs that we need to bring.
"K-kai, are you sure you'll be fine there?" I asked him. Dito na kasi siya matutulog sa condo ko dahil maaga rin naman kaming aalis tomorrow, umuwi lang siya saglit kanina para kumuha ng clothes niya.
"Yes baby," he gave me reassuring smile. I just nodded saka pumasok na sa kwarto ko.
Nagsabi na kasi siya agad kanina na roon lang siya sa sofa matutulog, 'cause it's inappropriate raw if nasa iisang bed kami. What a gentleman.
Pero ako? Gusto ko siya katabi! Nakakainis naman!
Palipat lipat ako ng side na binabalingan because I can't sleep. My conscience keep bothering me, sobrang ayos ng puwesto ko rito while my boyfriend was not.
I stood up to check on him, nagpasimple pa ako na kukuha lang ako ng tubig. Paulit ulit kong ginagawa 'yon para matignan siya, good thing maayos naman ang tulog niya kahit nakalagpas ang paa sa sofa.
"Damn it, busog na ako!" I said in small tone after uminom ulit ng tubig. Bumalik na ulit ako sa room ko and tried to sleep.
"Ay puke ka!" Gulat na sabi ko nang makita si Kai sa tapat ng door ko. I'll check him ulit sana pero nandito na siya sa tapat ko. Did I disturb his sleep ba?
"A-are you okay? Kanina ko pa naririnig ang pagsara at pagbukas ng door mo," he worriedly asked.
"Y-yes, nauuhaw kasi ako," I said in small tone.
Yes, uhaw sa 'yo.
"Wait I'll get you water."
I held his arms to stop him. "Ano 'wag na o-okay na," I can't even look straight on him right now!
"You sure?" He held my cheeks.
I just nodded. He just stared at me saka tumango as a sign that he was convinced. Bumalik na rin siya doon sa sofa para matulog.
Napatakip na lang ako sa mukha ko. "I can sleep alone naman e, right?" I mumbled.
Binitbit ko ang unan ko at lumabas ng room. Who believed in me? Duh~ I can't sleep alone kapag nandito jowa ko!
Mabuti at naabutan kong nakatagilid si Kai. I have chance para sumiksik!
"B-baby, what are you doing?" I can feel his breath in front of my face.
"Inaalis uhaw ko!" Masiglang sagot ko, saka siniksik ang mukha ko sa chest niya.
I heard him chuckled, saka yumakap sa akin para hindi ako mahulog. And there, I fell asleep immediately.
Kinabukasan ay maaga kami gumising para mas masulit 'yong time doon sa resort. I had a headache pa dahil anong oras na ako nakatulog!
"Kai, picture tayo doon ha! Doon din, tapos doon, and also there sa may tapat no'ng logo nila." I was smiling while pointing at different beautiful spots to take a picture.
"Sure bebe, kahit saan mo gusto," natatawang sabi niya habang inaayos pa ang payment doon sa counter.
This can be our late monthsary and also our advance christmas celebration dahil hindi naman kami magkakasama sa christmas. Bukas na rin naka-schedule ang flight nila papuntang California.
Plus, a temporary escape muna from the pain I have inside me due to what my lola was going through. Nagpaalam at nagbilin din naman ako sa kanila bago kami umalis kanina.
"Let's go," he smiled and wrapped his arms around my waist.
Nag-ayos muna kami ng gamit namin doon bago nilibot ang resort. It looks so pretty plus it is wooden themed pa, so it really gives me a refreshing ambience. Doon pa sa bandang dulo ay ang mini beach nila, they also have about two to four different pools.
"You're damn fine baby!" Kaiden said while looking at me from head to toe. I'm wearing a red one piece swimsuit na pinatungan ko muna ng white ripped shorts.
I swear, no one can hype me up like Kaiden!
Fineel ko naman masyado ang pagtingin niya sa akin kaya nagmodel-model pa ako sa harap niya. Ganiyan nga, all eyes on me baby!
"f**k," he laughed and pulled me towards him.
Doon kami sa may beach nagpunta dahil mas okay ang hangin doon. I took a photo of our legs covered with sand and posted it on my IG account.
'wet time xD' I captioned.
"Bebe stand up, I'll take a photo of you." Kinuha niya sa akin 'yong camera, ready na maging photographer ko.
I did different poses doon. Nakahiga, nakatayo, nakaluhod at kung ano-ano po. Super enjoy naman ni Kai ang pag-picture sa akin.
"Ikaw naman," inagawa ko sa kaniya 'yong camera.
Tumayo siya doon at nag-aktong nakatingin sa malayo. He was wearing white button down shirt and a striped board shorts.
"The f**k?" I whispered, when I checked his photo. Tumayo lang siya roon tapos ganito na siya ka-gwapo sa picture?
"Why baby?" He worriedly asked.
"N-nothing," I looked at him, saka inayos na ulit ang camera para picturan siya.
Maya-maya ay nagsimula na kaming magbabad doon. Mabuti rin at hindi masyadong mainit dahil December naman na.
Yakap yakap lang ako ni Kaiden, dahil baka raw kung saan ako mapunta. Too paranoid! Minsan naman ay binibitawan niya ako kapag sinasabi kong papakitaan ko siya ng swimming skills ko.
After namin doon ay lumibot din kami sa iba pang pool.
"Kai doon!" Masigla kong tinuro 'yung pool na may lighting sa gilid.
He smiled at me saka sumunod sa akin.
"Love," he called me habang hawak hawak 'yong camera. Ready na for picture.
Nandito kami sa isang gilid habang nakaakbay ako sa leeg ni Kai, nakahawak naman ang isa niyang kamay sa waist ko.
"Tingin," inabot ko 'yung camera. "Super bagay ha!" I said while staring at our picture.
"Kaya swerte mo Avery nandito ako!" Mayabang na sabi niya.
"And what if kung wala ka ha?" Matapang na sagot ko naman.
"Ha? Edi walang bagay sa 'yo!" He laughed and shook his head.
Umiwas lang ako ng tingin para itago ang tawa ko. Lumalabas nanaman ang ka-cornyhan niya.
"Baby..." seryosong tawag niya.
"Yes?" I turned my gaze to him at nilagay muna 'yong camera sa gilid ng pool, may waterproof case naman 'yon.
He didn't answered and just pulled me towards him. He placed my arms around his neck and my legs around his waist. He stared at my face before kissing me.
Inanggulo ko naman ang ulo ko to properly welcome his lips against mine. "K-kai, dito talaga?" Hingal na tanong ko sa kaniya.
"Wala namang tao a," tumingin siya sa paligid at ganoon din ako. Nang ibalik ko na ang tingin ko sa kaniya ay hindi niya na ako hinayaang magsalita. He kissed me again as he put his hand behind my head to deepen our kiss.
He shifted our position at ako ang isinandal niya roon sa gilid, he did that without taking off his lips against mine. I can feel his hand slowly crawling down on my waist and started to caressed it. I stiffened when he slowly grabbed my ass to support my weight.
We're both panting nang humiwalay kami sa isa't isa. He stared at me with his lips forming a smirk.
"Sarap na sarap ha," he teased. I rolled my eyes on him that made him laughed, saka binaon sa shoulder ko ang face niya.
After namin doon at sulitin ang araw na 'to ay umuwi na rin kami. Hahatid lang ako ni Kai at deretso uwi na siya dahil mag-aayos pa siya para sa flight nila tomorrow.
"You happy bebe? He asked while driving.
"Of course, extra happy kasi kasama ka," I answered while happily looking at the window.
I felt his hand against my legs, so it caught my gaze. Kinuha ko naman 'yon and intertwined it with my hands.
@tianafay: HOY MALANDI ANONG WET KA DIYAN!
@v.latrell: kalmahan mo lang ssob @kaifuentes_
@djsevillana: AVERY VALENCIA MAG-USAP TAYO MAMAYA!!
I laughed as I read my friends' comments. Mga siraulo talaga kahit kailan!
Days have passed. Of course, I celebrated my christmas together with my grandparents.
"Yehey!! Merry Christmas!!" I hugged my lolo and lola. "I love you both!" I added and hugged them tighter.
They both laughed at me, saka nakisali sa pagdiriwang ko. Everything felt so blitheful, lalo na at nakikita ko si lola na masigla.
"Merry Christmas love!" Tatiana texted me, we can't meet din kasi, since sa Tagaytay sila nag celebrate. I texted her back, nag message na rin ako kila Navya, Dean at sa iba pang kaibigan ko.
I was interrupted when my phone rang.
"Merry Christmas Avery ko!" Kaiden called via FaceTime.
"Merry Christmas! Kumusta kayo diyan?" I happily asked.
"Oks lang, ang boring!" Napakamot pa siya sa ulo niya.
"Why? Nandiyan naman whole family mo a!" My brows furrowed.
"Hindi ko naman ka-close mga 'yon," he laughed.
Nandoon din kasi ang cousins niya at ang iba pa, pero dahil nga siguro sa tagal nilang hindi nagkikita kita ay nalayo na ang mga loob nila sa isa't isa.
"Kai, makakauwi ka ba sa New Year?" I was just curious. Gusto ko kasi sana ay kasama siya.
"Hindi baby e. We'll stay here until January 5." He answered casually.
I just nodded. Sayang naman, ito pa man din ang unang holidays namin bilang mag-jowa! But it's fine, because family naman niya ang kasama niya, at ganoon din ako.
"Pretty!" I complimented myself while looking at the mirror. Dito ako kila lola nag-stay ngayong holidays, and mamaya ay New Year na. I took a selfie muna and posted it on my IG story then I turned off my phone.
We'll watch fireworks display kasi sa open ground ng mall, inaya ko sila lola doon. I turned on again my phone when I heard a notification.
Latrell
'hapi new year Avery! baka ibang putukan maexperience mo mamaya ha :))'
I read Latrell's reply on my story. A siraulo, indeed.
Maya-maya ay umalis na rin kami agad dahil siguradong maraming tao ang pupunta. Kailangan ko mahanapan ng magandang spot sila lola para maayos nilang mapanood ang fireworks display.
"Ayun, doon po tayo lolo, lola!" Itinuro ko 'yung isang vacant na pwesto.
Sumunod naman sila sa akin at naghintay pa saglit doon. Maya-maya ay tumawag na rin sa akin si Kai para kahit papaano ay may connection kami ngayong New Year.
"Hello!" Masayang bati ko sa kaniya. Mukhang nasa labas din siya at ready na sa salubong for New Year.
"Hi baby!" He smilingly said.
"Lola, lolo, maglilibot lang po ako saglit. Babalik po ako maya-maya," paalam ko sa kanila. Sobrang fresh kasi ng hangin kaya gusto ko sanang sulitin habang namamasyal.
"Sige apo, mag-iingat ka ha!" Lolo said. I just nodded saka umalis na. Maya-maya ay babalikan ko rin sila.
"Three minutes na lang bebe!" Excited na sabi ni Kai.
"Yup, mag-jump ka ha!" Natatawang sabi ko, kahit hindi niya naman na kailangan no'n.
"Baka ikaw, Avery!" He teased. I just rolled my eyes.
Maya-maya ay nagulat ako nang magkagulo na ang lahat, sumabay na rin ang ingay ng fireworks na nagkalat sa kalangitan.
"Happy New Ye—" I was cut off when I saw that our video call has ended.
"Happy New Year, mahal ko." I felt Kaiden's breath against my ears.
**********