Chapter 17

3780 Words
"And Mr. Verin, their captainball," the teacher announced. We're currently here at our school's quadrangle to recognize our players and and their achievement from the previous game. 1st runner up lang sila sa basketball. Kai told me that they were really surprised by the new tactic used by their opponent, kaya ganoon. Ilang days pa silang naglaro bago makamit ang panalo na 'yon, of course nandoon ako palagi.  "Lakas talaga ng appeal ni Latrell 'no," bulong sa akin ni Tati. Ang babaeng 'to talaga! Lahat na lang ng makita. Ngumisi lang ako sa kaniya, saka tinignan ulit si Latrell doon sa stage. Well, Tati was not lying tho. Nang makababa na sila Kaiden doon ay hinahanap agad ako ng mga mata niya. He smiled and winked when he saw me, naramdaman ko namang pinagtinginan din ako ng ibang babae. Malamang ay mga malalandi na may gusto rin kay Kaiden. "Tara na, Tati," I fixed myself and stood up. She nodded saka kumapit na sa arms ko. We will go straight to the field, dahil saktong vacant na namin. Ang iba naman ay deretso classroom dahil may klase sila. "Kinakabahan naman ako sa exams natin," ani Tati, habang nakasandal sa shoulder ko rito sa bench. "Yeah me too, basta 'lam mo na ha!" I meaningfully said. She laughed at me and nodded. Masyado kasing mahirap ang magiging exam namin, kaya ganito kami ni Tatiana ngayon. Pero syempre, nakapag-usap na kami kung paano namin matutulungan ang isa't isa during our exam, puwede naman 'yon e, right? "Avery," someone was standing in front of me saka may inabot na isang plastic ng snacks. "Oh hi Kaiden!" Masiglang bati ko sa kaniya, so he smiled. "Wala ba kayong klase?" I curiously asked. "Wala, binigay na sa amin ng teacher namin 'tong Friday, para raw pahinga namin after ng game," si Latrell ang sumagot at masayang masaya pa siya roon. "Wehh, bigla-bigla nanamang nagiging Kaiden pangalan mo diyan," masamang tumingin sa kaniya si Kai.  Nagsisimula nanaman silang buwisitin ang isa't-isa! "Kalmahan mo lang, tangina nito galit na galit," natatawang banat naman ni Latrell saka umalis. Hobby niya na talaga ang inisin si Kaiden. "Hey calm down," I smilingly said to him saka hinawakan ang waist niya habang nakaupo pa rin ako. He looked at me and annoyance on his face was immediately faded.  "Ehem," mahinang fake cough ni Tati. Hindi namin siya napansin ni Kai dahil nagpapadurog pa kami parehas sa tingin ng isa't-isa. "EHEM," pag-ulit ni Tati, pero mas nilakas niya 'yon. "H-hey, are you okay?" I worriedly asked. "Ewan ko sa inyo!" She shook her head and stood up, iniwan niya kami roon ni Kai. "What the hell is her problem?" I asked the wind. Kaiden laughed at me, saka tumabi sa akin doon. "Hey, pinagtitinginan tayo ng fans mo," I said to him while looking at the girls glaring at me. "Wala akong pakialam sa kanila, hindi naman sila si Avery para pansinin ko," he said while staring at me. Napatingin naman ako sa kaniya. "You're so cheesy," I rolled my eyes. He laughed and pinched my cheeks. "By the way, congrats again!" I smiled. "Thank you bebe," he smirked. Pinalitan ko naman 'yon ng eye roll. Maya-maya ay bumalik na rin kami sa mga classroom namin, hinatid niya pa ako hanggang doon sa tapat ng room namin. Oh dahan dahan, natatapakan niyo ang buhok ko! "Hoy mga malalanding pusa!" Sigaw ko kay Tati at Cleo, talagang ang landian pa nila ang bumungad sa akin. Wala pa palang teacher kaya malaya sila ha! "Wow, 'kala mo siya kanina 'no!" Tatiana glared at me, habang nakayakap sa jowa niya. I mocked her saka umupo sa upuan ko. Sure naman na kahit may dumating na teacher ay wala na kaming gagawin dahil exam na next week. "Okay class, prepare for your final exam next week, goodluck everyone!" Our adviser smiled. "Avery nice, pakopya ha!" Shaun approached me beatifically. "Let's see," I smirked, saka dumiretso na paalis. Habang papunta sa pinto ay nakita ko pang nakatingin sa akin si Chad, pero agad niyang iniwas 'yon no'ng tumingin ako. Pagkalabas ko ay ang love birds ang bumungad sa akin, and Tatiana saw me. "Hoy malandi, sasabay ka ba?" She asked, nakakapit pa rin kay Cleo. Buti hindi naiirita si Cleo sa kaniya. From 'love' to 'malandi', real quick huh! I simply shook my head saka sila nilagpasan doon.  "Sige, landi well!" Natatawang sigaw sa akin ni Tatiana. Hindi ko na siya hinarap at inangat na lang ang kamay ko para mag-goodbye sa kaniya. Nandito na ako sa parking dahil sabi ni Kai ay rito ko na lang siya hintayin. I also roam my eyes around, to find his car, but I can't see it. "Av, tara!" Masayang umakbay sa akin si Kai.  Nagpunta kami sa tapat ng isang unfamiliar na car. "New car?" I asked. "Yup, what do you think?" Masayang tanong niya. "Maganda, of course," natatawang sagot ko. Paanong hindi gaganda, e BMW 'yan! "Precisely, kaya maganda lang din pwede kong isakay diyan, in short Avery!" He smirked, saka bumitaw sa akin para buksan 'yung door sa may shotgun seat. Sumakay ako doon, amoy na amoy pa nga na bago lang talaga 'yon. "Ayos ba? Ikaw pa lang ang unang babae na naisasakay ko rito, at ikaw na rin ang magiging huli." He smilingly said. "You're being too corny nanaman," umiwas ako ng tingin, para itago ang ngiti ko.  Fuck! Ganoon niya lang ako kadali makuha palagi! Nang makarating ako sa condo ay agad akong nag-ayos ng mga kailangan ko. I will spend my weekend for reviewing, that's why hindi ulit ako makakauwi sa Bulacan. I already informed my grandparents about it, and it's okay naman daw. Mag-aral na lang muna raw ako mabuti at next week na dumalaw sa kanila. "Okay let's start," I said to myself after ko humarap dito sa study table ko. I wear my specs na rin, wala naman 'tong grado. Pa-genius lang ganoon. While reviewing, I'm playing an instrumental song din. Nakita kong nakakatulong daw 'to para mas gumana ng maayos ang utak. Okay, let's see. "Oh s**t, nasaan 'yon?" I'm looking for one lesson na nasa reviewer pero wala sa notes ko. I took my phone and called Tatiana. "Hey you have notes ba doon sa stats?" I asked. "What notes?" She curiously asked. "Ah oh, 'yong second lesson." I specified. "Uhm wait," Rinig ko ang paglipat ng pages ng paper niya. "Here I have, I'll send it." She happily said. "Okay thank you Tati!" I smiled and ended the call. Maya-maya lang ay sinend na ni Tati 'yung hinihingi ko. She's a savior, indeed. I continue reviewing na, half muna ng subjects. Tomorrow na ang half ulit, para naman hindi masyadong makulta ang utak ko! Of course as I planned, I spent my Saturday and Sunday for reviewing. Kahit si Navi ay gustong pumunta rito, pero sinabihan ko siya na I need to focus muna sa pagre-review. "Goodluck," Tati whispered. "To you too," tamad na sagot ko. Ito nanaman ang katamaran ko dahil sa kaba. Mabuti at maganda ang puwesto namin ni Tati, madali naming maisasagaw ang plano namin. I released a demonic laugh in my mind. "Avery, ano sa number eight," Shaun hissed. Talagang sa likod ko pa siya na-puwesto ha! "C, I don't know if it's correct but that's my answer," mahina at mabilis na sabi ko. I saw him nodded saka nag-focus na ulit sa exam. We take two subjects before our breaktime, and after that is last subject na. The rest of the time ay wala nang gagawin, pero we're not allowed to go home pa rin. "Kumusta exam?" I asked Tatiana. "I don't know baka mababa ako doon. Hindi ako gaanong nagreview e," problemadong saad niya habang kumakain ng sopas. "Really Tatiana Fay? Tapos ang result ng exam mo, 51/50? Scam!" I shook my head. "OA mo naman!" She laughed at me and continue eating. Wala si Cleo dahil iba ang sched ng exam nila ngayon. "Avery!" I heard Kaiden's voice. Binaling ko ang ulo ko doon and I saw him running towards me. "Oh," he gave me snacks. "Sige na! Tumakas lang ako e," hingal na paalam niya saka tumakbo na ulit paalis. "Effort ha!" Tatiana smirked. Hindi ko siya pinansin at tinignan na lang 'yong bigay ni Kai. May note ulit doon. 'goodluck sa exam, bebe' I smiled, saka inilagay 'yon sa bulsa ng skirt ko. "Ano feeling mapa-kilig ka ng isang college student?" Nakangising tanong ni Tatiana. "Sarap," sabi ko sa kaniya saka malanding inilabas ang dila ko. Napangiwi naman siya doon at napaatras. Inubos lang namin ang kinakain namin saka bumalik na ulit sa room. This is the last subject na for today! I focused and did my best during the exam. Tumambay na lang kami sa field ni Tati, dati lang ay pinapanood pa namin sila Kai mag-training dito. Same routine lang ang nangyayari everyday, until last day of our final exam came. "Last na 'to!" Masiglang bulong ko kay Tati. "Last nga, ang mga subject naman pang last hinga na rin natin!" She shook her head. I just laughed at her, saka umupo doon sa seat na naka-assign sa akin. "Goodluck," Shaun mouthed. I just smiled and nodded. Well, hindi naman masyadong mahirap ang exam. I think magiging mahirap lang 'to kung hindi mo pinagbutihan ang pagre-review. Mabuti na lang ay mabilis naman ako maka-gets ng lessons, especially I have Tati's help pa! Hanggang dito sa exam ay suot ko ang specs ko, so I would look genius talaga! Parang 'study first' na babae ang peg. I stood up para ipasa na ang exam doon sa table ng teacher. Our adviser smiled at me. "You may now leave." I just nodded and smiled too. Kinuha ko na ang bag ko saka lumabas ng room. Si Tatiana ay nag-eexam pa rin, masyado nanamang ginagalingan! I'll wait for her na lang doon sa field, alam naman na niya 'yon dahil doon kami lagi tumatambay this past few days. Naupo lang ako doon sa may bench saka pinagmasdan ang eskwelahan namin. Ilang buwan na lang ay iiwanan ko na 'to. I didn't expect that I would love this school.  Eversince I met Tatiana and Kaiden here, everything changed. And I can say that I am genuinely happy with that. Sometimes talaga, we'll find happiness with the most unexpected person at the most unexpected time and place. So I really believe that the best things in our lives usually happens unexpectedly. "Hoy anong iniisip mo diyan!" Sigaw sa akin ni Tati nang maabutan niya akong nakatulala. "Ikaw, tagal mo e!" I rolled my eyes. "'Wag ako Avery! Iniintay mo pa ako, hindi ka naman sa akin sumasabay." She meaningfully said, saka tumabi rito sa akin. I laughed at her. "Anyways, TAPOS NA EXAM!!" I hugged her. "Yes love, feel ko 'yang saya mo! 2nd Sem na!!! Tapos we're going to graduate na!" Masayang sabi niya. Nag-mini celebrate kami roon at naghintay hanggang sa mag-uwian. And as usual, hindi naman nagkakamali si Tatiana, kay Kaiden ako sumasabay. "How's your day?" He asked without looking at me, he was focused on driving. "Sobrang okay!" Masiglang sagot ko. He happily glanced at me. "Good for you bebe," he said. "Tsk, bebe. I think 'baby' is much better," I said in small tone. I don't know if he heard it properly, but he chuckled and shook his head. Days have passed, until weekends came again. This time, I can visit again my grandparents since maluwag na ang schedule ko dahil semestral break na rin namin. I just wore a simple casual attire and waited for the grab that I booked earlier. From: Dean 'u have plans today?' Wow ha, naaalala pa pala ako ng isang 'to! To: Dean 'yup, otw na kila lola :))' I replied and turned off my phone. Maya-maya lang din naman ay dumating na ang maghahatid sa akin sa Bulacan. "Kuya would it take us two hours po ba bago makarating doon?" I asked the driver. "Uhm, hindi naman po siguro Ma'am." He answered habang busy sa pagda-drive. I just nodded and leaned. Pinanood ko na lang ang mga nadadaanan naming building at sasakyan. Tama nga ang driver dahil saglit lang ang byahe namin. "Hello po lola!" I hugged her when I saw her cooking. "Apo!" Masayang bati niya. "Sige na maupo ka na doon at kakain na tayo," she smilingly said. I just nodded, at agad na umupo doon sa puwesto ko sa dining table namin. "Where's lolo po?" I asked. "Ah, naliligo lang. Maya-maya ay tapos na rin 'yon," nakangiting sabi pa rin ni lola. Hindi talaga nawawala ang mga ngiti nila tuwing nandito ako. Maya-maya ay lumabas na si lolo at tumabi na sa amin sa pagkain. "Apo ano nga palang balak mo sa birthday mo?" Tanong sa akin ni lolo. This week na nga pala 'yon, nawala na sa isip ko ang birthday ko dahil sa exam namin. "Uhm, simple lang po. Kakain lang po kasama niyo at ng friends ko po," I simply said. But honestly, ewan ko pa! "Ayaw mo ba apo ng magarbo?" Nagtatakang tanong naman ni lola. "No na po lola, wala naman po ako masyadong kaibigan para umattend sa ganoon." I shook my head. Totoo naman na wala akong mabubuong program kapag nagset ako for debut, dahil iilan lang naman ang kakilala ko. "Osiya sige, magsabi ka na lang sa amin ng plano mo ha!" My lola smiled. I just nodded and continue eating. They both smiled at me, nilalagyan pa nila ako ng ulam sa plate ko. I'm really lucky for having this kind of grandparents. Pagkatapos kumain ay tumulong ako sa pagliligpit. I went straight to our sala para doon tumambay. From: Kaiden 'Stay there, i'll pick u up' That's good. Hindi na ako nagreply, nagsabi kasi siya kanina na mag-date raw kami ngayon. Corny naman may pa-ganoon pa. "Apo, kumusta nga pala kayo no'ng Kaiden?" My lolo curiously asked. Naupo siya doon sa single couch, si lola naman ay tumabi sa akin. "Doing good naman po. He's persistent," I laughed. "Mabuti kung ganoon," sagot ni lola. "M-may date po kami mamaya, susunduin niya po ako rito," nahihiyang sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa saka ngumiti sa akin at tumango. Napabuntong-hininga na lang ako sa naging reaction nila. Maya-maya lang din naman ay narinig ko na ang pag-doorbell ni Kaiden. "Hey, tuloy ka!" I smiled. He smiled too, saka sumunod sa akin sa loob. Nag-bless naman siya kaagad kila lola. "Kaiden, kumusta ka hijo?" Tanong ni lolo. "Mabuti naman po lolo, kayo po? Parang bumabata po kayo tignan ni lola ah!" Pangbobola pa niya. I rolled my eyes on him, saka sinukbit na ang bag na dala ko. Ready na umalis. "Sus ano ka ba hijo," lolo slightly tap his shoulder. "'Wag ka mag-alala hijo, maayos kami ng lolo mo," saad naman ni lola. "Lolo mo..." he said in undertone and faced me. I smirked when I saw how his ears turned to red. "Mabuti po lolo lola. Uhm una na po kami ni Avery ha!" Paalam pa niya. "O siya sige na baka gabihin pa kayo," lola said, saka kami sinamahan papunta sa gate. They both waved their hands to us before we entered the car. "Saan tayo mag-date boss Kai?" I smiled. "I'm not your boss. I'm your predator," he smirked. My smiled faded at natulala lang ako sa kaniya. He just chuckled and pinched my cheeks using his other hand. Busy kasi pang-drive 'yong isa. Gabi na ng makarating kami rito sa VGC, dahil naabutan na kami ng traffic. We just did some strolling and food trips. "Try this," tinapat niya sa akin 'yong spoon na may mint flavored gelato. "f**k, it's strong," napaatras ako at kinusot ang ilong. It tastes like a mentos that has a bitter after taste. Kaya nga plain strawberry flavor lang ang kinuha ko e! "Namumula ilong mo," he's laughing at me. "Ikaw e. Ang tapang niyan!" Tinuro ko 'yung cup niya. Pinagtawanan niya lang ako doon saka ipinakita pa sa akin kung paano niya isubo 'yong gelato niya na parang wala lang sa kaniya. Samantalang ako rito ay halos malukot ang mukha no'ng matikman 'yon. Nandito kami ngayon sa mismong tapat ng grand canal. It's so pretty, lalo na ang mga lights na nakapalibot sa gilid. "I really like the view," tinaas ko pa bahagya ang mga braso ko, sobrang sarap sa feeling lalo na at humahampas pa ang malakas na hangin.  Kaiden was just staring at me. "Yeah, for heaven's sake I'm f*****g in love with the view," he smirked, saka hinawi ang buhok na tumatama sa mukha ko. I rolled my eyes on him saka pinagmasdan na lang ulit ang ganda ng lugar na 'to. Maya-maya rin naman ay umuwi na kami dahil masyado ng gabi. Mabilis lumipas ang mga araw until Friday came. The day on which the queen was born... my natal day. Well I have decided naman na on how will I celebrate my 18th birthday. I also informed my friends na rin about it, dahil sila ang sasama sa akin. "Happiest birthday love!!" Tatiana hugged me. Inabot niya pa ang gift niya na nasa isang maliit na paper bag. "Thank you Tati!" I smiled and hugged her too. "Nasaan na ang mga kasama natin?" She asked, dahil dadalawa pa lang kami rito sa pinag-usapan naming meeting place. "On the way na don't worry," I assured her. Maya-maya ay dumating na sina lolo at lola. May dala pa silang cake para sa akin. "Thank you po, nag-abala pa po kayo!" Natatawang sabi ko sa kanila. "Aba, syempre naman. Ikaw pa ba apo!" Banat pa ni lolo. Maya-maya ulit ay dumating na rin sina Dean, Dennise at Navya. Kasunod din nila sina Kaiden at Latrell. Nandito kami sa Dreamland Home, an orphanage. I want to spend my 18th birthday together with these kids. Besides making myself and my friends smile, I want to see these orphans wearing those smiles too. I would be really grateful. Actually si Kai ang nagbigay sa akin ng idea na 'to. Kami ang nagkasundo rito dahil sa ganito rin daw siya galing. "Hello po Ma'am Dahlia," she's the house mother of this orphanage. Nakausap ko na rin siya last time. "Avery! Happy Birthday!" Inabutan niya pa ako ng isang red rose.  "Thank you po, so saan po kami puwede mag-ayos?" I asked. "Dito, halika sumunod kayo sa akin," she smiled, saka naunang maglakad. Sa may open area niya kami dinala, maluwag dito at bandang likod na ng pinaka-house nila. Nagsimula na kaming mag-ayos doon ng mga foods at toys. Maya-maya ay naglabasan na rin ang mga bata, my friends and my grandparents were helping me to entertain them. "Weh? Sino mas pogi sa amin nito?" Kinakausap ni Latrell 'yung isang bata tapos tinuturo si Kaiden. "Siya!" Matapang na sagot no'ng bata. "Okay, wala kang spaghetti mamaya!" Pananakot naman ni Latrell. "Latrell!" I glared at him. "Ay joke lang! Basta ako dapat pogi ha! O high five nga!" Nakipag-apir naman sa kaniya 'yong bata. "Sige na pagkalat mo sa mga kaibigan mo may pogi rito," habol pa niya. "Sige kuyang pogi!" Tumakbo 'yong bata at pinagkalat nga sa mga kaibigan niya dahil nakita kong tinuturo pa no'n si Latrell. "Ayos ba Av!" He laughingly said. I just rolled my eyes and shook my head. Maya-maya ay nagpamigay na kami ng mga laruan at pagkain. Nagulat ako nang biglang kumapit sa waist ko si Kai, habang namimigay ng food. "Ehem, ang sabi magpamigay hindi manglandi Kaiden,"  mahina siyang siniko ni Tati. Natawa naman si Kai at inalis ang hawak sa akin. Habang kumakain ang mga bata ay nandoon kami sa gilid nina Navya, lolo at lola. 'Yong lima naman ay nakikipagdaldalan sa mga bata. "Happy birthday my Farrahness!" Masiglang bati sa akin ni Navi, yumakap pa siya sa waist ko. "Thank you baby," I caressed the back of her head. She smiled and continue eating. Gusto niya rin daw kasi ng spaghetti. "Avery, si Latrell nakikisubo pa ng hotdog na may marshmallow doon sa isang bata," pagsusumbong sa akin ni Kai. "Bobo ka ba? Tinikman ko lang kung may lasa! Sabi kasi wala raw lasa," paliwanag naman nitong isa. "Wehh, sabi nga no'ng bata ang sarap daw eh tapos bigla mong inagaw!" Banat pa ni Kai. "Hey, tumigil nga kayo diyan. If you want it Latrell mayroon pang extra doon," I pointed the table, agad-agad naman siyang pumunta roon kaya parehas kaming natawa ni Kai. Maya-maya ay umalis na kami after ko mag-iwan sa kanila ng thank you and inspirational message. Nagpaalam na rin ako kila lola na ibibigay ko na lang din doon 'yong cake and pumayag naman sila. "Happy Birthday Av!" Bati ni Dean saka inabot 'yong maliit na box. I smiled and hugged him, naramdaman ko kung paano siya maestatwa dahil doon. "Thank you," I whispered.  Bumati rin sa akin si Dennise bago sila umalis, kasabay na nila si Navi dahil ihahatid pa namin sila lola. Sina Latrell at Tati naman ay nagpaalam na rin at kaniya kaniyang umalis gamit ang mga sariling sasakyan. Umalis na rin kami doon at dumiretso sa Bulacan para ihatid na sila lola. Mabuti at wala masyadong traffic papunta roon kaya mabilis lang ang byahe namin. "Happy birthday ulit apo naming maganda!" Ani ni lolo. "Salamat po sa inyo!" I hugged both of them. Kami na lang ulit ang naiwan ni Kai. "Let's go?" Pag-aya ko sa kaniya.  He just smiled and nodded. Dumiretso kami parehas sa condo ko dahil tinulungan niya akong dalhin ang iba pang stuffs. After no'n ay sabay pa kaming napaupo roon sa sofa dahil sa pagod. He stared at me. "Happy birthday Avery," he seriously said, saka inabot ang gift niya. "Thank you Kai!" I smiled, and stood up to get water for us. Pabalik na ako sa sala but Kaiden stopped me, kinuha niya sa akin 'yung two glass na hawak ko at ipinatong doon sa counter table. After no'n ay niyakap niya ako ng mahigpit. I wrapped my arms around his neck which surprised him. "What?" I smilingly asked. He was just staring at me with his mouth slightly opened.  I stared at him too and closed my eyes. I grabbed the opportunity to close his slightly opened mouth using my lips. I did it until his mouth was totally closed, after that ay bumitaw na rin agad ako sa kaniya at umatras.  Even me myself, ay nagulat sa ginawa ko. T-that's my first kiss! "A-Av," hinawakan niya ang labi niya. Hinila niya ulit ako para mayakap. "Damn, my girl." He planted a soft kiss on my forehead. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD