Nakakatamad na lang pumasok. Wednesday na ngayon and hindi ko pa rin nakikita si Kaiden. Si Dean man ay tinatadtad ako ng messages pero hindi ako nagrereply.
I turned off my alarm clock when it rang. Nauna pa ako magising doon dahil sa overthink na 'to. Nakakainis na, kailan ba maaalis 'to!
Bakit pa kasi darating 'yung mga tao, kung aalis lang din naman e. Well, para rin naman sa akin 'to. Para matuto? Ganoon?
Nag-prepare na ako for school. Nagmessage pa sa akin si Dean na ihahatid niya ako, baka mamaya ay isasabay lang ako sa girlfriend niya. Inagahan ko ang pagpasok ko para hindi niya ako maabutan.
"Tapos na lahat 'yan," tamad na sabi ko kay Chad.
"A-ah, sige Avery salamat." Lagi na lang siyang nauutal kapag kausap ako!
Tipid lang akong ngumiti sa kaniya, saka yumuko na sa desk ko.
"Babe," a soft voice touched my ears.
"Bakit?" I asked Tatiana.
"Ang lungkot ko, kasi ganiyan ka." Malungkot na sabi niya saka kumapit sa may braso ko at siniksik ang ulo niya doon.
"I'm fine, don't worry." I smiled.
"You always say that kahit hindi naman, nakakainis ka! Ang hilig mo magtago kapag nasasaktan ka na!" Bumusangot ang mukha niya dahil doon.
"I'm sorry Tati," nakayukong sabi ko sa kaniya habang pinaglalaruan ang mga daliri.
"Nandito lang ako ha," bumulong siya sa akin saka bumalik na sa ka-group niya sa research.
Wala naman na kaming ginagawa sa research namin dahil tapos na, sabi naman ni Chad ay siya na ang magre-revise.
"Ms. Valencia come here," utos ng adviser namin.
Lahat naman ay nagtinginan sa akin. Tumayo ako saka lumapit kay ma'am.
"Look at this," tinuro niya 'yung record ng quiz namin kahapon sa subject niya. Nakita kong pangalawa ako sa lowest doon.
"What happened?" Nagtatakang tanong niya, dahil kadalasan naman ay nasa panglima ako palagi sa matataas.
"Ano po ma'am, family problem," palusot ko na lang, dahil hindi ko naman puwedeng sabihin ang totoong reason.
"Okay, then sana maayos na 'yan. Isa ka rin kasi sa matatalinong student ko anak, kaya nagtaka lang ako. Sige na, bumalik ka na doon," tinuro niya ang upuan ko saka inayos na ulit ang papel na hawak niya.
"Okay po ma'am, salamat po sa concern." Yumuko ako kaunti saka bumalik sa upuan ko.
Nakinig lang ako sa mga sumunod pang klase. Napapansin ko rin na tinitignan-tignan ako ni Tati, para siguro i-check ako.
"Av, sorry sa last time," mahinang sabi ni Cleo. After kasi no'ng nakaraan ay ngayon lang kami ulit nagkasama-sama na tatlo, dahil wala talaga akong sinamahan last time.
"That's fine, sorry rin. Wala lang talaga ako sa mood no'n," tipid akong ngumit sa kaniya.
"Nandito lang kami ni Cleo for you ha, tigil tigilan mo pagsosolo diyan," masungit na sabi ni Tati.
Natawa ako sa kaniya, kaya napangiti silang dalawa.
"Look at this girl babe, kasiyahan niya talaga kapag naiinis ako," kumapit si Tati doon sa jowa niya saka nagsumbong, tinuturo-turo niya pa ako.
Parehas lang namin siyang tinawanan ni Cleo dahil para siyang bata na nagsusumbong doon.
"Wait lang Tati, una na kayo sa room. I'll just talk to someone," I smiled.
"Huh? Kanino naman?" Her eyes furrowed.
"Basta sige na! Cleo ayain mo na," utos ko sa jowa niya para umalis na sila.
"Sige na hayaan mo muna siya babe. Tara na," pag-aya ni Cleo.
Hatak-hatak na ni Cleo si Tati, pero sa akin pa rin siya nakatingin.
Noong mawala na sila ay pumunta ako sa field para i-check si Kai.
"Latrell, nandiyan na ba?" Siya nanaman ang nakita ko.
"Wala pa e," hingal na sagot niya dahil kakatapos lang nilang tumakbo.
I just nodded, saka umalis.
Nasaan na kaya ang isang 'yon? Okay pa kaya siya? This is my 6th day not seeing that man. Sana naman ay buhay pa siya 'no!
Bumalik na ako sa classroom at nag-focus na lang ulit sa last two subjects namin. Mas lalo lang ako tinamad na dahil ang boring na nitong dalawang huli naming subject.
"Class dismissed," wika ng adviser namin. Finally!
"Let's go na love," pag-aaya sa akin ni Tati, kahit nag-aayos pa ako ng gamit ko doon.
Tumango lang ako sa kaniya saka sabay kaming lumabas. Mula nang maging ganito ako ay hindi siya natigilan sa pagiging sweet sa akin.
"What? Bakit love?" Tati worriedly asked, nang mapansin niyang hindi ako sumunod sa kaniya sa pagsakay sa car.
Tinitigan ko siya doon. "H-hindi ako sasabay," mahinang sabi ko.
"H-huh? Why?" Bumaba siya ulit ng sasakyan saka ako hinarap.
"May pupuntahan ako," I said, emotionless.
"Saan naman? Wait, I'll go with you," nagmadali siyang kuhanin ang mga gamit niya.
"No Tatiana, ako na lang. 'Wag ka na mag-alala," pinigilan ko siya sa pagkuha ng mga gamit niya.
Malalim siyang tumingin sa akin. "Avery, I'll go—"
"Ako na lang, please?" I said pleadingly.
She stared at me saka bumuntong hininga before nodding after no'n ay sumakay na lang ulit siya sa sasakyan. Nang makaalis si Tati ay agad-agad kong pinuntahan si Latrell.
Nakita ko kaagad siya na abalang kinakausap ang mga ka-team niya doon sa gitna ng training area nila. I ran towards him, saka hinatak siya ng mahina.
"Uy Av, bakit?" Nag-aalalang tanong nito. "Sandali lang, sige break muna kayo," bilin niya sa team niya.
"A-address of Kai," I nervously said. "Alam mo?"
"Ay teka, send ko sa 'yo. Bakit nga pala?" Nakangising tanong niya.
"I-I'll check him lang," hindi na ako makatingin ng deretso sa kaniya.
"Check lang ha, 'wag mo pagsamantalahan ang kahinaan ng kaibigan ko ha!" He squinted.
I lightly punched his arms kaya natawa siya.
"Pasabi rin pala, next week na laro namin. Baka kamo gusto niya na magpakita!" Pagbibiro pa nito.
"Yes sure," I said casually.
"Ayan okay na, na-send ko na. Ingat ka Avery!" He smiled.
"Sige sige thank you!" I waved my hands, at aktong tatakbo na paalis but Latrell stopped me.
"Teka Av," lumapit siya sa akin saka may binulong.
"Kailangan mo pa ba talaga ibulong 'yon," natatawang sabi ko sa kaniya.
He chuckled and waved his hand to me.
I left immediately and took a taxi, since malapit lang naman dito ang binigay na address ni Latrell.
"Sandali lang po kuya, I'll just buy something."
Tumango naman 'yong driver, saka ako bumaba sandali para may bilhin.
"Thank you po!" Paalam ko sa cashier, saka kinuha 'yong binili ko at sumakay na ulit ng taxi.
"Let's go na kuya."
Maya-maya lang ay nakarating na ako sa subdivision na sinend ni Latrell, hindi naman ako mahihirapan maghanap dahil exact address ang ibinigay niya sa akin.
"Number 08," I read the address. "Oh, I'm here na pala."
Huminto ako doon sa tapat ng isang apartment. Hindi iyon kalakihan sakto lang sa mga 2-3 persons at modern na rin ang style.
Nag-doorbell ako doon sa may number 08 na gate. Nakailang pindot na rin ako pero walang lumalabas.
"Okay last na 'to, kapag wala pa rin ay aalis na ako!" I said to myself.
I was about to click the doorbell again, nang biglang bumukas 'yong pinto sa loob. Hindi ko alam pero nag-automatic umatras ang mga paa ko para magtago doon sa gilid na pader.
And there, I saw the man I had been looking for. Sumilip lang siya doon sa may pinto, para tignan ang nag-doorbell.
"Kai!" Tinawag ko siya nang aktong papasok na siya ulit sa loob.
Lumabas naman si Kai at gulat na tumingin sa akin. Naka ternong pajama pa siya na navy blue at malamlam ang mga mata.
"A-Av, what are you doing here?" Nagtatakang tanong niya habang ino-open ang gate.
Hindi ko siya sinagot at agad na pumasok na lang sa loob. Hinawakan ko ang isang kamay niya, saka ako humawak sa forehead niya.
"You're hot," I said worriedly.
"Avery, sorry kasi hindi nasab—"
"Shuush, tara na sa loob?" I smiled, hawak hawak pa rin ang kamay niya.
He smiled too, saka naunang maglakad.
"Upo ka muna diyan, kuha lang ako makakain." Tinuro niya 'yong maliit na couch doon sa sala niya.
Malinis itong apartment ni Kai, at kaunti lang din ang gamit dahil siguro kasi nag-iisa lang naman din siya.
"Kai, ako na. You are sick," I stopped him, saka siya ang inupo ko doon sa couch. Madali kong nagawa 'yon dahil malata ang katawan niya.
He just looked at me, saka pilit na ngumiti. Sumandal siya doon at ipinikit ang mga mata niya.
"What do you want?" I asked.
"Avery," he answered habang nakapikit.
"Kai!" Pagsuway ko sa kaniya, he's sick na nga tapos malandi pa rin siya! "I'll cook soup, kainin mo ha," bilin ko sa kaniya bago dumiretso sa kitchen niya.
He just nodded.
Nilagay ko muna rin sa fridge ang binili ko, mukhang hindi niya napansin 'yon kanina dahil sa sobrang gulat. Naghanap ako sa stocks niya ng puwedeng gawing soup, sakto naman at marami siyang stocks doon.
Tinitignan tignan ko si Kaiden doon, habang naghihiwa ng ingredients. Mamaya ay napapano na siya doon! Pero ganoon pa rin naman ang puwesto niya, mukhang mahinang mahina pa nga talaga siya.
"f**k!" Malakas na sabi ko nang mahiwa ako ng knife na gamit ko.
Napatingin sa akin si Kai, at aktong tatayo.
"Kai, you stay there na lang. It's just a small cut," I assured him. Sumunod naman siya saka sumandal ulit.
Agad kong hinugasan 'yung sugat, at nilagyan ng povidone-iodine saka binalutan ng band aid.
Habang pinapakulo pa 'yung soup ay tumabi ako kay Kaiden saka hinawakan ang noo niya ulit.
"You're so hot," nag-aalalang sabi ko.
"I know," he smirked.
Umismid ako nang ma-realize ko kung ano ang iniisip niya. He laughed saka umusog kaunti palayo sa akin.
"What are you doing?" My eyebrows furrowed.
"I'm sick, baka mahawa ka," nakapikit na sabi niya.
"I see," I said in small tone. "Ano na nararamdaman mo?" I asked worriedly.
"Ganoon pa rin Av...ganoon pa rin," nakapikit at nanghihinang sabi niya.
"What? Anong ganoon pa rin?" Nagtataka kong tanong.
He opened his eyes and stared on me. "Hulog na hulog, gustong-gusto."
"Kaiden naman e!" Bwisit na sabi ko sa kaniya.
He just smirked at pinagpatuloy ang pagtulog niya roon. Tinabihan ko lang siya doon at tinitigan.
"Ah, hot!" Mahinang sabi ko nang tikman 'yong soup. It's delicious tho.
Kumuha ako no'n at nilagay sa bowl, para kay Kaiden.
"Kai, soup," pinatong ko 'yon doon sa center table niya.
Dahan dahan siyang umayos ng upo at lumapit sa akin.
"Ahhh."
"What?" Nagtataka kong tanong nang ngumanga siya bigla sa harap ko.
"Subo," nagpapaawang sabi niya.
"OmG! You are big na!" Suway ko sa kaniya, pero kinuha ko na lang din 'yung spoon saka nagsimulang subuan siya. Hindi naman niya kasi ako titigilan!
"Wala na magaling na agad ako," he said, he even gave me lively smile.
"You're so corny!" Umismid ako sa kaniya.
Natawa naman siya saka ngumanga ulit para magpasubo. So childish!
"Bakit nga pala hindi ka nagsabi kaagad?" I curiously asked.
"I don't want you to worry about me," he simply said, without looking at me.
"Really? Bakit mas lalo lang akong nag-alala!" Inis na sabi ko.
Agad naman siyang humarap sa akin habang maliwanag ang mga mata dahil sa saya.
"What? Nasasaktan kaya ako, I thought lahat ng boys ayaw na sa akin." Bumusangot ang mukha ko.
Natawa lang siya sa akin at hindi inaalis ang tingin.
"What's funny?" Inis na sabi ko.
"Wala lang, ang cute mo!" He continue laughing then he reach for my head saka iyon dahan dahan na nilagay sa balikat niya.
"Nagtatampo pala bebe ko," he laughingly said.
"Hey, sabi mo you are sick!" Pilit ko siyang nilalayo sa akin.
"Magaling na, yakap ko na lakas ko e."
"Too corny," I chuckled.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinitigan ang mukha ko. He's too close! Pero nilabanan ko ang pakikipagtitigan niya.
"Avery naman e," hindi niya inaalis ang tingin niya.
"Kaiden naman e," panggagaya ko sa kaniya.
"f**k," he laughed, saka binaon ang mukha niya sa shoulder ko.
"Hey stop! Anyways sabi pala ng captain mo next week na raw laro niyo." Bumitaw siya sa akin saka tumitig ulit.
"I know, makakahabol naman ako." He gave me reassuring smile, so I nodded.
I stayed there for the whole day, may hinihintay din kasi ako e.
"Hindi ka pa uuwi? Gabi na Avery," nag-aalalang tanong niya.
Nandito kami sa kwarto niya dahil gusto niya na rin magpahinga.
"I'm just waiting for something," I winked.
"Ano 'yun?" He asked habang nakaupo doon sa kama niya at nagtataka.
I just shook my head, saka tumabi sa kaniya roon. Gustong-gusto niya na rin matulog pero hinihintay niya pa akong makauwi.
"11:57," mahinang sabi ko after ko i-check ang oras sa phone ko. "Wait Kai, I'll just get something sa baba," I smiled.
Hindi na siya naka sagot dahil dere-deretso na akong bumaba. Kinuha ko 'yung binili ko kanina at dahan-dahang pumasok ulit sa kwarto niya.
"Happy Birthday, Kaiden~" I sang with a broad smile on my face.
I saw how his cheeks turned to red. Gulat na gulat rin siya doon. Thanks to Latrell!
Salit-salitan niyang tinitignan ang mata ko saka 'yong cake na hawak ko.
"Happy birthday Kai! Wish ka," nakangiting sabi ko sa kaniya.
He closed his eyes. "Sana maging girlfriend ko na si Avery," he blew the candle.
"Hey, bakit mo naman sinabi ng malakas!" Natatawang sabi ko sa kaniya.
"Nothing, malay natin, baka matupad kaagad," he smirked.
I rolled my eyes on him, saka tumayo para ilagay na ulit sa ref 'yung cake.
"Wait, I'll be back." I smiled.
"Avery," he held my arms to stop me. He took the cake from my hand saka ipinatong doon sa table sa gilid niya.
Ako naman ang sunod na hinatak niya at niyakap.
"Thank you," he whispered.
Napangiti lang ako saka tinapik-tapik ang likod niya.
After no'n ay masaya akong umuwi, gusto niya pa nga akong ihatid pero I refused. Hinayaan ko na siyang makapagpahinga roon.
Medyo puyat din akong pumasok dahil anong oras na ako nakauwi. Atleast I'm happy naman!
"Hmm, masaya na Avery ko ha!" Tumabi sa akin si Tati. Sobrang dali naman para sa kaniya na basahin ako!
"H-halata ba?" I asked, straight-faced.
"Sabi na e. Is it Dean or Kai?" She squinted.
"Hmm, the latter one," nahihiyang sabi ko.
"Ayun!" Napaatras siya saka nag-snap fingers. "Your so maarte pa ha!" She glared at me.
"Stop it Tati, listen na lang tayo kay Sir oh!" Natatawang sabi ko sa kaniya.
"Listen na lang tayo kay Sir oh!" She mocked.
I'm really happy. Akala ko talaga ay wala na akong deserve, tama nga si Navya!
But, I still have a problem. How about Dean? What should I do? Tama ba na layuan ko siya? Kung ako ba ang nasa puwesto ni Dean at nilalayuan ako ng kaibigan ko just because I have jowa na, what would I feel?
Of course, I would definitely get sad. Pero I'm doing it din naman as a respect for them, right?
"Fishball tayo!" Aya sa akin ni Tati. Uwian na kasi namin.
I just nodded, saka sumunod sa kaniya.
"Avery!" Someone called me habang palabas kami ni Tati ng school. It's Latrell.
"Hey, where's Kaiden?" I asked, sabi niya kasi sa akin ay makakapasok na siya.
"Nandyan, pasunod na. Saan kayo punta?" Mukhang masiglang masigla rin ngayon si Latrell dahil sa pagbabalik ng kaibigan niya.
"Fishball," maikling sagot ko.
"Sama kami! Break naman namin e," he winked. "Oh nandito na pala mapagmahal kong kaibigan!" Pang-aasar niya kay Kaiden saka inakbayan 'yon.
"Layo nga!" Inis na sabi ni Kai, saka bahagyang nilayo si Latrell sa kaniya.
"Magaling ka na nga," natatawang sabi ni Latrell.
"Ehem, uhm can we wait for Cleo?" Sumingit sa amin si Tati na kanina pa nagpho-phone.
"Sige ganda," nakangising sagot ni Latrell.
What the hell? Salit-salitan ko silang tinignan, ang gulat na mukha ni Tati at ang nakakainis na mukha ni Latrell. Ship ko 'to! Just kidding, Cleo pa rin.
"Tanga, mukha kang manyak, bobo!" Seryosong sabi sa kaniya ni Kaiden, kaya umismid sa kaniya si Latrell.
Maya-maya lang naman ay dumating na si Cleo kaya dumiretso na kami doon sa tindahan ng fishball.
Hindi naman fishball ang gusto ko, kwek kwek lang ang kinakain ko.
"Hoy Kai, baka tusok ka lang ng tusok diyan ah. Baka mamaya limang piso isa ng tinutusok mo tapos piso lang bilang mo!" Malakas na sabi ni Latrell para marinig no'ng vendor.
"'Wag ka mag-alala, 'di ako kasing bobo mo." Banat naman ni Kaiden habang tumutusok pa rin doon.
"Latrell's so funny," bulong sa akin ni Tati.
"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong naman ni Cleo.
"Wala, pogi mo raw," palusot ko. "Quiet ka na! Diyan ka sa Cleo mo, haliparot!" Bulong ko naman kay Tati, at tipid naman siyang natawa roon.
"Kain ka lang Av, ako magbabayad!" Nakangiting sabi sa akin ni Kai. Tumango lang ako sa kaniya.
"Libre mo rin ako boss Kaiden mapagmahal 04," pang-aasar pa ni Latrell.
Hindi siya pinansin ni Kai at tinuloy lang ang pagkain. Hindi na talaga natahimik 'tong si Latrell!
"Ay tangina pala," ayan nanaman ang bunganga niya. "Pota, fifth wheel pala 'ko rito!" Napaatras siya saka humawak sa dibdib niya at nag-aktong nasasaktan.
"Asim mo kasi, kaya walang may gusto sa 'yo," Kaiden teased him.
"Tanga, meron kay—"
"Latrell!!" A girl called him.
"Putcha, maiwan ko na kayo." Umalis si Latrell, saka tumakbo doon sa babae. Nakita ko pa kung paano niya hatakin 'yon palayo para hindi namin sila makita.
"Siraulo, hindi nagbayad." Inis na sabi ni Kai.
I laughed at his annoyed face. Nakita niya ako kaya ngumiti siya sa akin. Cute!
Maya-maya lang din ay bumalik na si Kai para sa training nila. Nag-stay naman muna ako rito kay Tatiana at Cleo.
"Parang mga bata ah," sabi ni Cleo, tinutukoy niya 'yong dalawa.
"Yup I know, pasensya na sa inyo." Natatawang sabi ko sa kanila.
"That's cute nga e!" Masiglang sagot ni Tati habang ngumunguya ng kikiam.
"Anong cute doon?" Inis na sabi sa kaniya ni Cleo.
"Mag-aaway pa oh, magtigil nga kayo." I laughed at them.
Pinagpatuloy lang nila ang pagkain doon at maya-maya ay dumating na rin ang sundo ni Tati. Nagpaalam na ako sa kanila parehas, saka bumalik sa loob ng school para mag-intay kay Kaiden. Bumili na rin ako ng water niya, simula kasi noong unang beses na dinalhan ko siya ay lagi na siyang hindi nagdadala, para raw may reason ako na puntahan siya doon!
"Kai!" I shouted, to inform him that I'm here na.
Lumingon siya sa akin, saka nagsmile.
Nag-intay pa ako ng ilang oras doon dahil sagad sagad na talaga ang training nila, lalo na at next week na ang laban. Sigurado naman akong mananalo sila dahil hindi naman nawawala sa 3rd place ang school namin sa category ng basketball.
"Let's go na?" I asked him after niya magpalit ng shirt niya.
"Tara," nakangiting sabi niya. Paalis na sana kami pero narinig nanaman namin ang bunganga ni Latrell.
"Hoy sandali, sabay ako sa inyo. Nasira kotse ko e," tumatakbo siya ngayon palapit sa amin.
"Paano kapag ayoko? Bawal pa naman maasim sa sasakyan ko," banat nanaman ni Kaiden.
Hindi talaga nawawala sa dalawang 'to ang inisin ang isa't isa!
Wala namang nagawa si Kai, kaya kasama namin ngayon si Latrell dito.
"Hoy Avery, ano nga pala ginawa niyo no'ng nakaraan! Baka pinagsamantalahan mo si Kai ha, baby pa 'yan!" Matapang na sabi ni Latrell.
"Yes, she did." Kaiden smirked.
Nakita ko namang napasandal si Latrell doon sa likod saka napatakip sa bibig.
"Mga asshole," iyon na lang ang nasabi ko rito sa dalawang batang kasama ko.
Naunang ihatid ni Kaiden si Latrell, kahit mauunang daanan ang condo ko. Ewan ko ba sa kaniya!
"Sige pre, salamat ha! Ingat kayo," paalam ni Latrell bago bumaba. I just smiled at him at si Kaiden naman ay tumango lang.
"Bakit ba kasi nauna mo pa hatid si Latrell, sayang gas niyan e," inis na sabi ko sa kaniya.
"Para may time ka pa na pagsamantalahan ako," he chuckled.
"Are you dumb ba?" Pinag-cross ko ang braso ko saka tumingin na lang sa window. Narinig ko pa ang nakakainis na tawa niya!
Tahimik lang kami doon habang nasa byahe. Medyo traffic na rin kaya anong oras na ako nakauwi.
"Hug ko?" Wika ni Kaiden, bago ako bumaba.
"Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Gara Avery, pero doon sa Sevillana may beso pa," bumusangot ang mukha niya, saka sumandal.
"He was may childhood friend. What do you expect huh?" Mabilis na sabi ko.
"Was?" He emphasized. "Was your childhood friend?" He faced me.
"A-ano, wala. Sige na aalis na ako," hindi ako makatangin ng deretso.
Bago pa ko makababa ay hinatak ulit ako ni Kai.
He's looking deeply at my eyes. "May problema ba kayo?" He asked while observing something from me.
Kakalas na sana ulit ako sa pagkakahawak niya pero mas hinigpitan niya 'yon, nilapit niya ang mukha niya sa may bandang balikat ko kaya ramdam ko ang paghinga niya roon.
"Roses are red, violets are blue..." he whispered.
"What?" I was confused. Bigla na lang siyang tumutula sa akin!
"Even if any situation of yours gets worse..." lumayo siya para harapin ako. He stared deeply on my eyes.
"Expect this man to be always.... with you."
**********