"Avery," Chad approached me.
"Yes?" I smiled.
He just stared at me kaya nagtaka ko naman siyang tinignan. "What?" I curiously asked.
"Can I invite you later, kain lang sa lab—" He was cut off from speaking when Tati came.
"Hey, kain tayo sa labas mamaya." Masiglang sabi nito. Malapit na rin kasi ang uwian namin.
"Sure, kkb?" Nakangisi kong tanong.
"Yes, pero I can pay naman kung gusto mo." Nakakapit pa siya sa braso ko, ano kayang mayroon?
"Much better," natatawang sabi ko. Malandi naman siyang tumawa rin habang sinisiksik ang ulo niya sa braso ko.
"Uhm, sorry ano ulit 'yon Chad?" I asked him nang mapansin kong aalis na siya.
"W-wala, ingat kayo mamaya." Tipid naman siyang ngumiti saka umalis. Naiwan naman akong nagtataka doon, ang alam ko kanina ay may sinasabi siya e, right?
Something's really weird about Chad. He's always stuttering every time he talks to me, sometimes sobrang likot pa ng mata niya at hindi ako matignan ng deretso. May problema ba sa mukha ko?
Inayos ko na lang ang upo ko at nakinig na sa last subject namin.
Ito namang si Tatiana ay nakasiksik pa rin sa akin. Tumatawa pa siya mag-isa habang nagda-drawing ng kung ano-anong lines sa likod ng notebok ko.
Lumilipad pa rin ang isip ko dahil kay Dean, atleast nabawasan na dahil okay na ang problema ko kay Kaiden. Napabuntong hininga na lang ako saka nag focus sa klase.
"Okay class, that's all for today." Paalam ng teacher namin kaya naman nag-ingay na ang mga classmate ko dahil uwian na.
"Ano ba meron Tati?" Masayang masaya kasi siya at parang feeling prinsesa pa sa paglalakad niya.
"Monthsary," malanding bulong niya sa akin kaya naman automatic na umikot ang mga mata ko.
Kaya naman pala. Bakit isasama niya pa ako?
"Bakit kasama ako? Sweet moment niyo 'yang dalawa e," my eyebrows furrowed.
"Huh? Boba, sino nagsabi sa 'yong kasama natin sa pagkain si Cleo. I'll seek for your help lang 'no!" She dreamily said, saka kumapit nanaman sa arms ko.
"Anong help?" I curiously asked. Sa akin pa talaga siya nanghingi ng tulong ha! As if naman may experience na ako sa mga ganiyan, pero valid pa rin naman dahil wala rin namang ibang malalapitan dito si Tati.
"Surprise para kay Cleo," nakangiting sabi niya.
"Okay I see, ilang months na ba kayo?" Nagtatakang tanong ko.
"Three," she smiled. I just nodded.
Really? Time really flies that fast? Tatlong buwan na pala 'tong love birds. Kami kaya ni Kai? E, hindi pa naman kami, right?
Halos mag two months na siyang nanliligaw. Ano nang plano mo Avery! Napailing na lang ako dahil sa mga pumapasok sa isip ko.
"What do you want love?" Tatiana asked. Nandito kami sa isang cafe para pag-usapan ang mga plano niya.
"Anything," tamad na sagot ko. She just nodded saka umorder. Sa aming dalawa, siya talaga lagi ang taga-order.
Habang nag-iintay sa order namin ay nagsimula na kaming mag-usap ni Tati about sa plano niya.
"So may plan kasi, doon sa condo niya gawin. Pero how would I do that?" Bumusangot ang mukha niya.
"You have duplicate keys ba ng condo niya?" Dahil iyon muna ang pinakamahalaga. She nodded.
"That's good, ako na bahala kay Cleo. Pahatid ka na agad doon sa condo niya. I'll buy time," kalmadong sagot ko.
"How?" Nakakunot pa ang noo niya sa pagtatanong.
"Simple, I'll entertain him," tamad na sagot ko pa rin.
"Wha—"
"Ma'am order po," sumulpot bigla 'yong waiter. He placed our orders doon sa table. Si Tati naman ay masamang nakatingin sa akin.
"What?" I asked.
"Anong, entertain?" Masungit na tanong niya.
Nagulat ako nang mapagtanto kung ano ang iniisip niya. "Dumbass, kakausap-usapin ko siya ganoon para you have time sa pag-aayos sa condo niya." I rolled my eyes.
She just nodded and sighed.
Kumain lang kami ng tahimik doon. Wala rin ako masyadong gana dahil sa iniisip ko.
"Hey, what are you thinking?" Nag-aalalang tanong ni Tati.
"Dean," I simply said, saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Hay, you know what? Just try to put yourself on his position na lang ganoon. What would you feel?" She said, saka kumain ulit. Parehas lang kami ng naiisip about doon.
"I don't know," I absently said.
Napailing na lang tuloy siya doon.
Totoo naman hindi ko alam, pero siguro ay malulungkot din talaga ako. Ginagawa ko lang naman 'to bilang respeto kay Dennise at sa akin na rin, dahil nasasaktan lang ako. Am I being too selfish ba?
Kaya kong isugal ang friendship namin ni Dean, lalo na kung magiging mas masaya naman siya at wala siyang pagsisisihan at the end.
"Sige na, goodluck. Ako na bahala kay Cleo," paalam ko kay Tati. She just smiled and waved her hands.
Sakto namang pagkabalik ko sa school ay nag-iintay doon sa may gate ang boyfriend niya.
"Cleo!" I shouted.
"Uy Av, where's Yana?" He curiously asked. Mukhang kanina pa nga niya hinahanap si Tati.
"Uhm, sabi niya sa akin may emergency sa bahay nila. Sabihin ko na lang daw sa 'yo." Palusot ko.
"Ah ganoon ba, sige mauna na ako."
"Cleo, wait," I held his hand para hilahin siya. Napatingin naman siya doon at agad na bumitaw.
"A-ano 'yon Avery?" Hinarap niya ako.
"Can you stay ba muna rito?" Kalmadong sabi ko.
"S-sige, ayos lang. Ano bang gagawin?" He looks really confused.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang. Mabuti naman at sumunod siya sa akin. Kung saan-saan ko na siya nadadala rito sa school, kasabay no'n ang kung ano-anong kuwento. Kahit ang tungkol sa amin ni Dean ay naikuwento ko na.
Nasaan na ba si Tati, sobrang tagal niya naman. Nauubusan na ako ng kuwento para kay Cleo, baka mamaya ay iba na ang isipin nito sa akin.
"Wait Cleo," paalam ko sa kaniya. Tumango naman siya doon.
I took my phone to text Tati and I was about to do that when her message popped up.
From: Tatiana
'done!'
Mabuti naman at natapos din siya roon.
"Avery!" I heard Kai's voice.
Bago ko siya pansinin ay nagpaalam na muna ako kay Cleo.
"Uwi na agad ha, b-baka magalit sa 'yo si Tati kapag saan ka pa pumunta." Makahulugang sabi ko. Tumango naman siya saka tumakbo na palabas ng gate.
"Who's that?" Hingal na sabi ni Kaiden, dahil patakbo siyang lumapit sa akin kanina.
"Cleo, I just helped Tati to surprise him." I explained.
"Avery, nandiyan ka na pala." Hingal na approached din sa akin ni Latrell.
"Huh? Yes," nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Ah, kanina ka pa kasi namin hinahan—"
"Oo, sabi ko nga ako na lang e. Pero tutulong daw siya," pagputol sa kaniya ni Kai.
"Awit sa 'yo vro!" Umismid ito sa kaibigan niya saka umalis.
Gabi na ulit nang makauwi ako dahil hinintay ko pa si Kai. Hindi naman pumapayag ang isang 'yon na hindi ako ihahatid.
"Hey, kakarating mo lang? Kanina pa ako nagdo-doorbell," bungad sa akin ni Navya pagkalabas ko sa elevator.
"Yup, uhm may ginawa lang kami ng kaibigan ko." Palusot ko.
She just nodded, saka umatras para mabuksan ko na 'yong door. Pagkapasok ko ay sumunod naman siya sa akin.
"How are you?" I asked habang nagsasalin ng water.
"Okay lang, maraming ginagawa sa school." Tamad na sagot niya habang nagpho-phone roon sa sofa ko.
"Ganoon talaga, how 'bout you and Gab?" Ngayon ko lang siya nakumusta ulit tungkol sa jowa niya.
"A-ano, okay kami," napatigil siya sa phone saka humarap sa akin.
"Mabuti," I simply said.
"How 'bout you and kuya Dean? I kinda miss him, to be honest," malungkot na sabi niya. Nakuwento ko na rin kasi sa kaniya 'yon last time.
"Ganoon pa rin," I simply said.
"Why don't you give him a chance? Really Farrah? You are willing to end your long term friendship, just because he has a girlfriend and nsasaktan ka?" Her forehead wrinkled saka napailing-iling siya doon.
Wala akong nasagot dahil may point naman ang mga sinabi niya. I heard her sigh saka sumandal ulit doon.
Hindi ko alam gulong-gulo ako o hindi kaya masyado lang akong OA?
Maya-maya lang din naman ay bumalik na si Navya sa condo nila, ginulo niya lang naman ako saglit dito.
I ate dinner na rin and took a halfbath saka natulog. Gusto ko na lang idaan sa tulog ang mga iniisip ko.
Kinabukasan ay nagulat ako dahil binigyan ako ng chocolates ni Chad pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng room.
"Para saan 'to?" I was curious.
"Ano, para lang sa, kasi 'di ba success research natin. Ayun doon," he's stuttering of course.
"Ahh, thank you." I simply said and smiled.
He just smiled too saka bumalik na sa upuan niya.
I just focused on our lessons, kailangan ko tumutok dahil malapit na rin ang exam week namin at after no'n ay 2nd sem na.
I can also see at my peripheral vision that Chad was always glancing at me. Hinayaan ko na lang siya doon at hindi na pinansin.
"Hey, look at Chadrick kanina pa siya tumitingin dito sa atin," bulong sa akin ni Tati. We're currently here at the cafeteria for our lunch.
"I know, 'wag mo na lang pansinin." I simply said.
Ano ba kasing gusto nitong si Chad? May problema ba siya sa akin?
"Class, next week ay start na ng iba't ibang laro, so expect niyo na ang halfday school para doon," announcement ng teacher namin bago kami pinauwi, siya namang naging reason ng pagkakagulo ng classmates ko.
I was about to get my bag para sana umalis na, but someone took it from me.
"Ako na magdadala Avery," saad ni Chad.
"Huh?" I curiously looked at him.
"Hatid na kita," masiglang sagot niya.
"No need, I"ll go somewhere pa," sabi ko sa kaniya habang nagtataka pa rin. Bakit naman siya bigla-biglang gumagawa ng mga ganitong bagay.
"Edi hanggang gate na lang," ngumiti siya saka umalis bitbit ang bag ko.
Wala na akong nagawa dahil ang bilis niya maglakad.
"Hey, tara na!" Aya sa akin ni Tati. Napatingin din siya sa akin saka sa upuan ko. "Where's your bag?" She looked confused.
"K-kinuha, sige na una na ako." Tumakbo na ako para habulin si Chad.
Ang bilis niya naman, nakarating na ako sa gate pero wala naman siya roon. Halos libutin ko na rin ang school makita lang siya.
"Av, anong ginagawa mo?" Kaiden held my arms.
'Uhm, a-ano, hinahana—"
"Avery halika na!" Sigaw sa akin ni Chad.
Salit-salitan namang tinignan ni Kai ang bag ko na hawak ni Chad at ako.
"Sige na Kai, una na ako ha. I'll meet Dean pa kasi e, makikipag-ayos ako sa kaniya," hingal na sabi ko pa rin kay Kaiden.
Sinundan niya lang ako ng tingin hanggang sa makaputa ako kay Chadrick.
"Hey saan ka ba galing?" Inis kong tanong sa kaniya.
"S-sorry binilhan kasi kita ng pagkain," iniabot niya sa akin 'yong isang plastic.
"Ah, sige salamat. Puwede ko na bang makuha ang bag ko?" Hingal na hingal pa rin ako dahil sa dami ng tinakbo ko kanina.
"Ay sige, pasensya na." Iniabot niya sa akin 'yong bag.
Nagpaalam na ako sa kaniya saka tumakbo palabas. Nakita ko pa si Kaiden na nakatitig lang sa amin.
Sa totoo lang hindi ko naman nakausap si Dean na makikipagkita ako sa kaniya ngayon. Ngayon ko nga lang din bubuksan ang conversation namin.
To Dean:
'let's meet'
I also texted him the address and time.
Umuwi ako at saglit na nagpahinga saka naghalfbath. Pumunta na rin ako kaagad doon sa restaurant na sinabi ko kay Dean.
Bahala na kung darating siya o hindi. Basta desidido na akong gawin 'to.
"Ma'am, order na po kayo?" Lumapit sa akin 'yong waiter.
"Uhm, later. I'm waiting for someone pa e." I smiled.
Tumango lang 'yong waiter saka umalis.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Dean kapag nakaharap ko na siya.
Huminga ako ng malalim ng makita na siya na papasok.
"Dean," tinaas ko ang kamay ko para makita niya ako.
Nakita ko kung paano gumaan ang mukha niya nang makita ako, kasabay no'n ay ang paglapit niya rito sa puwesto ko.
"Sorry I'm late, traffic na kasi e," he said saka umupo sa tapat ko.
"It's okay," tipid akong ngumiti sa kaniya.
Umorder na rin muna ako bago siya harapin.
"Uhm, I think you're a little bit aware naman na kung bakit tayo nandito, right?" I can't look straight on him.
He just nodded and gave me a shollow smile.
"I'm sorry for ignoring you for almost one week. I just felt that it is the best way to show my respect sa relationship niyo ni Dennise. And I'm also kinda hur—"
"Hurt, I know. I'm sorry Avery ko.." napayuko siya dahil doon. "For hurting you." He continued.
"It's not your fault, I'm just really shocked that time. To be honest, sobrang saya ko no'ng inaya mo ako dahil it is my first time ulit na makasama ka sa pagsimba." I tried to smile. "Kasi you're always refusing me e, everytime na aayain kita, kaya iba 'yong saya ko no'n e. Pero sa huli parang ininsert mo lang pala ako doon," tipid akong tumawa.
"Avery hindi sa gano'n. 'Wag mo sanang isipan na I'm inserting you na lang sa mga desisyon ko because it's not true," he looked guilty. "'Wag kang mag-alala babawi ako sa 'yo." He added.
"Hey, you don't have to do that. Maybe nanibago lang ako sa part na 'yon, pasensya ka na rin Dean. I'll support you no matter what alam mo 'yan," nanginginig na ang boses ko.
Hindi siya sumagot, tumingin lang siya sa akin saka lumipat sa tabi ko para mayakap ako.
"Sorry if I'm being like this," I said in quavering voice. You're my first man e, so what would you expect from me huh!" Mahina kong hinampas ang dibdib niya.
Tipid siyang tumawa sa akin. "Nandito pa rin naman ako, sus!" Mayabang na sabi niya. "And you don't have to say sorry, okay?" He caressed the back of my head.
After namin doon ay tahimik lang kaming kumain. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang bumasag sa katahimikan.
Hinatid niya na rin ako pauwi, hanggang doon ay tahimik kami.
Okay na sa akin 'yon atleast nagkausap kami. Kahit hindi na kami mabalik sa kung ano kami before it's okay, atleast nasabi ko na sa kaniya lahat ng nararamdaman ko.
I can now sleep peacefully at walang iniisip na kung ano-ano. Kahit wala kaming clear na usapan ni Dean, kung anong mangyayari sa relasyon naming dalawa, masaya pa rin ako.
Kinabukasan ay same routine lang ulit kami sa klase. I don't know but Chad was still bothering me. What's happening on him ba?
"Psst," Tati called me, saka ngumuso sa katabi ko na si Chad.
I just shrugged and shook my head. Recess time namin kaya nandito kami sa cafeteria. Nagulat kaming tatlo nang bigla ring tumabi sa amin si Chad, because it is really unusual for us, though magkaibigan sila ni Cleo.
"Kain ka pa Av, may gusto ka pa ba?" Chad asked me, habang inuurong sa akin ang mga binili niyang pagkain.
"Hindi na Chad, actually I'm really full pa e," tipid akong ngumiti sa kaniya. He just nodded and smiled too.
"Ehem," nag-fake cough pa 'tong si Cleo. "Bro, tara doon sa table nila Ron," pag-aaya pa niya. I think na-sense niya ang heavy air dito sa amin.
Bago sumama sa kaniya si Chad ay iniwanan pa ako nito ng isang ngiti at tap sa ulo.
"What is he doing?" Nakangiwing sabi ni Tatiana.
"I don't know," I shrugged.
Napa-eye roll na lang si Tati, saka umiling.
Ano ba kasing balak talaga ni Chad? He likes me ba? Nanliligaw ba siya? Pero wala naman siyang sinasabi, maybe I'm just over thinking....sana.
Nakakainis naman, kakatapos ko lang kay Dean. Si Chad naman ang pumalit!
Lumilipad nanaman tuloy ngayon ang isip ko during our class. I need to focus pa naman dahil malapit na ang exam, kainis!
After ng dalawang subjects namin ay vacant time na. Inaya ko lang si Tati doon sa field para naman malibang kami sa panonood sa mga nagte-training.
"Tara love," aya sa akin ni Tati after niya ayusin ang mga gamit niya. Of course, kumapit na ulit siya sa arms ko saka isinandal ang ulo niya sa akin.
Naupo lang ulit kami doon sa may side bench. Nandito kami sa malapit sa basketball, dahil dito lang naman kami may kilala.
"Your man's undeniably hot talaga!" Nakangising sabi ni Tati, habang nakasiksik pa rin sa akin.
Natawa ako sa kaniya at umiling na lang.
I just watch Kaiden doing their usual training, ni hindi niya nga ako nilalapitan dito kahit nakita niya ako kanina. Siguro ay kailangan nilang tumutok sa practice.
"Avery!!" Masayang tawag sa akin ni Shaun. Nagulat naman ako sa kaniya dahil bigla siyang sumulpot dito.
"Hey! Bakit? You look so happy ha!" Natatawang sabi ko sa kaniya.
"Syempre, okay turo mo sa akin sa drawing last time e!" Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mukha niya.
Last time nga pala ay tinulungan ko siya sa isang portrait, para 'ata iyon sa nililigawan niya. I'm not really sure, hindi na ako gaano nagtanong dahil personal na masyado sa kaniya 'yon.
"Sus, ikaw pa ba!" I gave him a thumbs up, kahit papaano ay malaki rin ang naitutulong sa akin ni Shaun in terms of academics.
Nag-thumbs din siya saka inuntog iyon sa thumbs up ko.
"Thank you talaga! The best ka!"
Yumakap sa may leeg ko si Shaun na siyang ikinalaglag ng panga ko.
"Hey, bitawan mo nga si Avery!" Suway naman sa kaniya ni Tatiana.
"Sorry, natuwa lang ako! Sige na una na ako ha, salamat ulit Avery nice!" Nakangiting sabi niya.
Tango lang ang naibigay ko sa kaniya dahil sa gulat. Tumakbo na rin naman si Shaun paalis.
Ibinalik ko na ulit ang attention ko sa panonood, pero nakita kong kaunting players na lang ang nandoon. Wala na rin si Kai o si Latrell, break siguro nila.
Pero bakit hindi ako nilapitan ni Kai?
Maya-maya lang din naman ay bumalik na ulit kami ni Tati sa room. Naabutan ko pa si Chad doon sa pinto namin na nag-aabang.
I'm really sure na ako ang inaabangan niya dahil no'ng makapasok na ako sa room ay saka lang din siya pumasok.
The usual class has started and of course, nakinig lang ako and nag take notes. I'll use this for my reviewer. Dito kasi sa amin ngayon ay walang binibigay na lesson or pinapa-copy na mga details sa board, bahala ang students kung gusto nila mag-notes or not.
"Chad let's talk," I casually said, saka naunang lumabas and I went straight to the ground of our building. Uwian na rin naman kasi namin.
Mabuti naman at sumunod kaagad si Chad, hindi ko na kailangang maghintay pa.
"Ano 'yun Avery?" Bakas sa mukha niya ang saya na may halong kaba.
"What are you doing?" I asked, emotionless.
Nagulat siya sa tanong ko saka bumuntong-hininga."A-ano kasi Avery," I was shocked when he held my right hand. "Gusto kitang ligawa—"
"Chad," tinignan ko siya ng deretso saka binawi ang kamay ko. "Stop." I sternly said.
He was staring at me, slack-jawed. "B-bakit? Avery isang chance l-lang," He looked pleadingly on my eyes.
"No, I'm sorry," seryosong sabi ko. Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ulit ang kamay ko.
Tinignan ko 'yon saka tumingin kay Chad. But, someone caught my attention. It's Kaiden, standing from afar behind Chad.
Nagtama ang mga tingin namin, pero agad niya ring inalis 'yon saka lumakad paalis sa kinatatayuan niya.
"Avery pleas—"
"I'm sorry Chad, I need to go," inalis ko ang hawak ni Chad sa akin, saka hinabol si Kaiden.
I saw him went straight to his car. He was about to enter it at aktong aalis na.
"Kaiden!" Hingal na tawag ko sa kaniya.
He just stared at me.
"Uuwi na tayo?" I asked casually.
Hindi siya sumasagot at tinititigan lang akong mabuti.
"Where the hell are your boys now, huh?" He gave me a sarcastic smile.
"B-boys? What boys?" Napatulala pa ako para isipin kung sinong boys.
His lips rose to form a sarcastic smirk and shook his head. Hindi niya ako pinansin at sumakay na sa sasakyan niya.
Sumunod na rin ako at binuksan ang door sa may shotgun seat, pero naka lock 'yon. Kumatok ako sa window niya, baka kasi nakalimutan niyang i-unlock.
"Unlock it," I mouthed. I can see him inside since hindi naman tinted ang windows niya.
He just stared at me saka bumaba ulit.
"W-what? Uuwi na tayo 'di ba?" I'm really confused sa kinikilos niya ngayon.
"f**k Avery. Can you please stop?" Nag-igting ang panga niya saka umiwas ng tingin sa akin.
"Stop what?" I'm really scared of him right now, anger was too evident on his face.
"Playing with my damn feelings! f**k Avery...it hurts as hell!" Nagulat ako nang tumaas ang boses niya at iniwan ako doon.
**********