"OmG, it's raining!" Sabi ko sa sarili ko habang naghihintay dito sa bench ng field. I'm waiting for Kaiden.
"Avery!" Sigaw sa akin ni Kai, habang tumatakbo palapit sa akin.
Kinuha niya 'yung hoodie na nandoon sa duffel bag niya saka inilagay sa akin. Kinulob niya ako doon saka kami tumakbo papunta sa car niya.
"Kai nababasa ka na, kakagaling mo lang sa practice!" Inis na sabi ko sa kaniya habang tumatakbo kami.
"Mabilis lang naman 'to Av," natatawang sabi niya.
After naman no'n ay nakauwi naman kami parehas ng maayos. A week have passed na rin after noong foundation week namin.
"What's the color of your dress ba?" I asked Navi. Ako ang nagme-make up sa kaniya dahil ininvite raw siya ng kaibigan niya sa debut ng ate no'n.
"Yellow," she answered habang nakapikit, ready na for eye shadow.
"Okay, I'll put touch of gold na rin para mas maging lively tignan!" Excited na sagot ko.
Nag-simula na kong lagyan ng eye shadow si Navi. Madali lang naman siyang ayusan dahil maganda naman na si Navya, kahit simple make up lang ay okay na okay na.
"Perfect! What do you think?" I happily asked her.
"Pretty!! Thank you Farrah!" Tumayo siya doon saka yumakap sa akin.
"Welcome, sige na go na baka ma-late ka pa." I smiled.
She just nodded, saka umalis na. I'll prepare na rin sa pagpunta kila lola, kahit Saturday pa lang ngayon. I want to surprise them!
Nagbook na agad ako sa grab dahil minsan ay sobrang late na dumarating. Nakaligo naman na ako kanina bago magpaka-make up artist kay Navi. I'll change clothes na lang.
Hindi na rin kami masyadong nagkasama ni Kai after niya ako ihatid last time at madalang ko lang rin siyang makita. Si Latrell pa talaga ang mas madalas kong makita!
Hindi kaya siya talaga ang para sa akin?
After ko mag-prepare sakto ang pagdating ng grab, kaya nakaalis kaagad ako.
"Lola! Surprise!!" I hugged my lola, when I saw her papasok ng gate namin.
Medyo late na rin ako nakarating dito dahil naabutan na ako ng traffic!
"A-apo! Anong g-ginagawa mo rito?" She was shocked. Halata rin sa mukha niya ang pagtataka.
"Surprising you po lola! Where's lolo po?" Masigla kong tanong sa kaniya. "Where's lolo po? Nasa loob po ba? Wait lang lola ha, surprise ko lang po siya." Natatawa pa ako sa pinaplano ko.
"Sandali lang apo!" Sigaw ni lola sa akin nang magdere-deretso na ako sa loob ng bahay.
Sakto naman na pagkabukas ko ng pinto ay nandoon si lolo sa tapat. "Lolo! Surprise!!" Masiglang bati ko rin sa kaniya sabay yakap.
"Uy apo kong maganda, napaaga 'ata ang pag-bisita m-mo!" Parehas lang sila ng reaction ni lola, ang cute!
"Wala lang po lolo, gusto ko lang po kayong i-surpri—"
Natigilan ako sa pagsasalita ng makitang may tatlo silang visitor doon. Dalawang babae at isang lalaki, mukha ngang pamilya sila.
"Oh, you have visitors po pala lolo,lola." I whispered.
"Ah, oo apo," sagot ni lola.
"Hello po sa inyo, pasensya na po sa abala! Continue talking to lolo and lola na po," nakayukong sabi ko doon sa bisita nila, saka dere-deretsong umakyat sa kuwarto ko.
Inayos ko doon ang gamit ko, saka umupo na lang sa kama ko. Nahihiya ako kapag may visitor na iba sila lola, kaya nag-istay lang ako rito sa room ko.
I checked my phone to stalk Kaiden. Three days ago na siyang hindi online sa messenger, sa IG din ay hindi siya active. What happened to him kaya? Kapag talaga hindi pa siya nagpakita, baka si Latrell na talaga ang jowain ko!
Naglibot na lang ako rito sa taas namin, dahil nandoon pa sa baba ang visitors. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila at wala rin naman akong balak maki-chismis dahil hindi ko naman kilala ang mga 'yon.
There are four rooms dito sa taas, and isang bathroom. Ang isang kwarto ay room nila lola at lolo, ang isa naman ay storage, and the last one is kila mom and dad. Binilin ko sa kanila na huwag gagalawin ang mga nandoon.
I entered their room. Puno ng pictures naming tatlo ang nandoon sa loob. Humiga na lang din ako sa kama nila at niyakap ang mga unan at kumot nila doon. I really miss them so much! I took their photo na naka-frame doon sa may side table nila.
"Mom, dad, miss ko na po kayo! Palagi niyo po akong babantayan ha!" Hinimas ko ang mga mukha nila through that frame saka niyakap 'yon.
Ilang minuto pa ako nag-stay sa ganoong position bago tumayo para maglibot pa. I tried to open their old cabinet. Dahan dahan ko na lang ginagalaw iyon dahil medyo marupok na ang mga kahoy no'n.
Isa-isang dinadaanan ng mga daliri ko ang damit nilang nakasampay, dati ay amoy na amoy pa ang mga pabango at ginagamit nilang sabon dito, pero ngayon ay wala na lahat.
Nahinto ako sa pagtingin ng damit nila, nang may makita akong box na sobrang naka-siksik doon sa likod ng mga damit. I was about to take it when lolo called me.
"Apo Avery, nakaalis na ang mga bisita. Halika na doon sa baba," nakangiting pag-aya niya sa akin.
Isinara ko na 'yung cabinet nila, saka masayang umakbay kay lolo ko.
Pinaghanda nila ako ng miryenda. Egg pie at juice ang nandoon. Isa rin sa specialty ni lola ang egg pie, kaya naman nagmadali akong umupo at kumuha no'n.
"Ang sarap po talaga!" I complimented. My lola gave me a broad smile.
Naka-ilang slice din ako no'n, kaya naman sobra akong nabusog. Baka hindi na tuloy ako makakain ng dinner mamaya sa condo.
"Nakakatuwa naman talaga itong apo namin. Gusto mo bang mag-uwi?" My lola happily asked. Hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.
"Yes lola sure po!" Masiglang sagot ko. Kahit ako yata ay hindi nawawalan ng sigla.
Nagtagal lang ako doon ng ilang oras pa para maka-kuwentuhan pa sila lola, at maya-maya lang din ay umuwi na ako.
Of course pagkauwi ay binagsak ko kaagad ang katawan ko sa sofa. I checked my IG story earlier, wala pa ring react si Kai. Halos ilang araw na akong nagpapapansin sa kaniya pero kahit seen ay hindi siya nagpaparamdam.
Ang huling kita namin ay hindi rin siya masyadong lumalapit sa akin. Hindi ko alam ano nanamang nangyayari sa kaniya.
"Kainis ka!" Sabi ko doon sa profile ni Kai sa IG.
I got distracted when Dean's message popped up.
From: Dean
'simba bukas?'
Himala ha, at may oras siya. Kung hindi busy sa mga inaaral niya, busy naman sa jowa niya.
To: Dean
'himala ah, baka mapaso ka lang kapag pumasok ka doon :))' I replied.
Paano ay ilang beses ko na siya inaya, lahat ay tinatanggihan niya!
From: Dean
'grabe, saya mo ka-bonding :>'
To: Dean
'sige g, 10am ha :))' I replied. Inoff ko na rin ang phone ko to take a halfbath.
I just wore black ripped jeans and a yellow croptop for our simba. I'll wait for Dean na lang sa baba dahil susunduin niya raw ako.
Hanggang dito sa baba ay naka-tambay pa rin ako sa profile ni Kai, waiting for his paramdam. What the hell happened to that man?
OmG, hindi kaya na-ghost na ako? Really? Ito ba 'yon?
Natigil ako sa pag-iisip nang bumusina si Dean sa harap ko.
"What an asshole!" Sigaw ko sa kaniya, dahil bahagyang nakabukas ang window niya.
Iikot na sana ako sa kabila para doon ako maupo sa shotgun seat nang pigilan ako ni Dean.
"Avery!" Pagtawag niya sa akin, so I stopped. "A-ano, sa likod ka na lang nandito na kasi si Dennise," he looks nervous at mas nilakihan niya na ang pag-open sa window.
Kanina kasi ay hindi ko gaanong halata dahil maliit lang ang open no'n plus, tinted pa.
"Okay," the only word I could utter.
Sumakay na ako sa likod at inayos ang sarili ko.
I saw Dean's looking at me through the mirror in front of him. Tumingin lang din ako sa kaniya saglit at umiwas na.
Hindi na ako nagsalita dahil wala naman na akong magagawa. Kaya naman pala siya nag-aya dahil kasama pa rin ang girlfriend niya.
"Hello Avery!" Bati sa akin ni Dennise.
"Hi, please call me ate na pala. I'm not comfortable na e," I gave her a shollow smile. Napatingin sa akin si Dean dahil doon.
"O-okay, ate Avery." She smiled too.
Masama ba kung makakaramdam ako kahit kaunting selos? I know that I'm just her bestfriend, mas importante si Dennise dahil siya ang girlfriend.
One more thing, siguro ay nasanay lang ako sa dating Dean na kilala ko, 'yung Dean na wala pang pakialam sa lovelife. Pero ayos lang, wala namang magagawa dahil lahat talaga ay temporary lang.
Nang makarating kami sa simbahan ay marami ng tao, lumakad kami sa gilid para humanap ng mauupuan. May nakita naman kaming vacant doon, pero hindi kami kasyang tatlo.
"Ano, hanap na lang ako. Diyan na kayong dalawa," paalam ko sa kanila.
"Avery, dito ka na. Tatayo na lang ako sa gilid niyo," Dean said in small tone.
"No, diyan na kayo ng jowa mo. Ayun, meron doon oh," tumuro ako doon sa vacant na chair.
Sinundan niya ng tingin ang tinuro ko saka tumango.
Pumunta na ako doon at nag-focus na lang sa misa. I can also see through my peripheral vision that Dean was glancing at me, but I never gave him any gaze.
Hinintay ko lang matapos ang mismong gospel, saka ako nag-pray. Hindi ko na tatapusin ang misa at mauuna na ako sa kanila.
Pumunta ako sa pwesto nila Dean, saka siya kinalabit. "Dean, una na ako." I said, emotionless.
Nagulat naman siya sa akin. "Huh? Hindi pa tapos ang misa, saka kakain pa tayo." Nag-aalalang sabi niya.
"A-ano may pupuntahan pa rin kasi ako e, sige na bye! Dennise una na ako ha! Ingat kayong dalawa!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanila saka umalis. Hindi ko na hinintay ang isasagot ni Dean dahil sure naman na pipigilan niya ako.
"Avery," someone grabbed my arms.
"Hey, what?" I asked Dean. Sinundan pala ako rito sa labas. "Bumalik ka na doon, baka hanapin ka ni Dennise." I tried to smile.
"Hindi ka okay," he said as if he's really sure with that.
"No, Im fine! Sige na ha, enjoy kayo!" I happily said.
"Avery naman, lagi na tayong magkasama sa lahat. Magsisinungaling ka pa ba sa akin?" Malungkot na sabi niya.
"Ayun, that's the point Dean. Lagi mo na ako nakakasama sa lahat, siguro its time for us to explore new things and persons naman 'no? What do you think?" I dreamily said.
"Avery hindi naman sa gano—"
Nilapit ko ang mukha ko sa ears niya. "Masaya akong, masaya ka!" I whispered, saka yumakap sa kaniya at tuluyan ng umalis. Mabuti naman at hindi na siya sumunod.
Siguro masakit lang din talaga sa akin, dahil 'yong mga pinagsamahan at nagagawa namin ni Dean before ay hanggang memory at imagination ko na lang ngayon.
Umuwi ako at nagprepare na lang ulit for new week sa school tomorrow.
I saw Dean's IG story pa, photo nila 'yon ni Dennise.
That was me before e...
Well, not to be toxic. Their relationship was totally fine with me naman and I don't have any rights naman para pigilan sila. It's just a little bit painful. I don't know baka naninibago lang talaga 'ko.
Kinabukasan ay pumasok akong medyo bangag, dahil kaka-overthink about Dean. Nakakainis naman!
"Hey love, you fine?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Tati, kaya pati si Cleo tuloy ay napatingin sa akin. It's our vacant time and nandito kami sa may field.
"Yes," tipid akong ngumiti.
"Malungkot 'yan si Avery dahil ghinost na siya ni Kaiden niya," pagbibiro naman ni Cleo.
"W-what? Is that true, Avery?" OA nanaman 'tong si Tati.
"Saan mo naman nakalap ang chismis na 'yan, Cleo!" Inis na sabi ko sa kaniya.
"So is it true nga?" Nakatakip pa sa bibig si Tati saka nanlalaki ang mga mata.
"No, it's not!" Malakas na sabi ko, saka nag-walk out sa kanila.
Sobrang naghahalo-halo ang nararamdaman ko. Starting from Kaiden to Dean. Bakit ba ako sinasaktan ng mga lalaki?
"Uy Avery!" Latrell approached me, dahil saktong sa akin din gumulong ang bola nila.
Ito nanaman ang isang 'to. Isa pang pagkikita namin nang kami lang, baka jowain ko na talaga 'to!
"Hello," walang emotion na bati ko.
"Kumusta?" Halata sa kaniya na tinatanya ang mood ko.
"Good, ikaw?" I asked casually.
"Okay lang naman, si Kaiden ano wala pa ri—"
"I know, excuse me," yumuko ako saka umalis.
I tried to focus on our class, pero hindi ko magawa. Lumilipad ang isip ko dahil kay Dean at Kai.
After dismissal ay dumiretso ako sa restroom bago umuwi. I washed my face saka tinitigan iyon sa mirror.
"Wala ba talaga akong deserve?" I said to myself saka naghilamos ulit.
"Love?" I heard Tati's soft voice. Naramdaman ko rin na dere-deretso siyang lumapit sa akin, saka yumakap sa likod ko.
"I'm sorry Tati, about earlier. I'm just really having a bad tim—"
"Shuush, you don't have to explain. I know Avery, I'm here don't worry," she said in soothing voice.
"Thank you," 'yon na lang ang nasabi ko sa kaniya.
After namin doon ay hindi na nagtanong sa akin si Tati. Hanggang sa sasakyan nila ay tahimik lang kaming dalawa.
"Bye Tati, thanks!" I simply said.
She just smiled and waved her hands.
Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-check ng profile ni Kaiden, almost one week na siyang walang paramdam sa akin.
"You're not okay 'no?" Navya said, kanina pa siya patingin-tingin sa akin habang busy ako kakatingin sa phone. I invited her kanina pagkauwi ko para naman hindi ako mas malungkot dito.
"Is it too obvious ba?" I asked, nakatingin pa rin sa phone.
"Yup, for me," sure na sagot niya.
"Really... ganoon pala ako kabilis mabasa." I sighed and looked at her. "Wala ba akong deserve Navi?" I asked in low voice.
"You know what, I don't even know what your problem is, but there's only one thing I'm sure of," she looks happy.
"And? What is it?" I curiously asked.
"There is a right time for everything," she winked. "Hindi naman kasi porket wala kang naging deserve ngayon ay wala ka nang magiging deserve forever, Farrah." She smiled.
"You're right tho," I said in small tone.
"Here," may inabot siyang photo card. "Just look at it para happy ka na!"
Tinitigan ko 'yung photo. It's her, nakangiti siya ng sobra doon sa photo habang may hawak hawak na blue daisy flower.
"See? You smiled oh!" Pagmamayabang niya ng makita akong ngumiti. "Beside sa smile ko, effective rin talaga ang blue daisy!" Masayang sabi niya.
"Huh? Anong connect no'n?" I curiously asked.
"It symbolizes happiness kaya!" Mayabang na sagot niya.
"Is that so?" Tumingin ulit ako doon sa photo. "Thank you my baby!" I hugged her.
She hugged me back. "I'll never leave you, I'm always here by your side," she said in her most soothing voice. "Okay enough! This is so cheesy!" Natatawang sabi niya.
Maya-maya ay umuwi na si Navi. Inilagay ko sa isang glass photo holder 'yong bigay ni Navi, saka ko dinisplay sa study table ko.
Atleast I have Navya, and iyon ang kaya kong ipagmalaki na wala ang iba!
I took a halfbath and immediately dropped my body on my bed. I really had a rough day.
Navya's really right naman, may tamang panahon sa lahat. Pero hindi ako sigurado kapag sa usapang lalaki.
Maybe wala talaga akong deserve sa lalaki, except lolo. I love dad but I cannot consider him, dahil iniwan niya rin ako ng maaga. I have lolo na lang talaga and of course, Him!
Kaya ko rin namang mabuhay ng walang jowa 'no!
Maybe...
*********