Chapter 12

3583 Words
"Marie, kindly collect all the names of our contestants for intrams, Friday na kasi 'yon e." Utos ni Tatiana sa secretary namin. Natalo kasi si Chelsea bilang secretary kaya iba na ang kasama namin. Nandito kami ulit sa vacant na room, we're busy in preparing for our next program. Ngayong Monday kasi ay nag-misa lang kaninang morning. "Sipag naman ng pressy ko!" Siniko ko bahagya si Tati, dahil nasa tabi niya lang naman ako.  "Of course," she winked. May mga inaayos pa siya doon na kung ano-anong papel. "Ikaw, baka gusto mo gumalaw-galaw," she gave me squinty look. "Ano pa ba need kong gawin ha?" I rolled my eyes, saka tamad na umupo. She just rolled her eyes on me too and shook her head. Nag-aayos pa rin siya doon sa table. I heard a knock from the window beside me, kaya napatingin ako doon. I saw Latrell, he's gesturing me to come out, mukha ngang nagmamadali pa siya. "Tati, I'll be back." Nag-paalam ako kay Tatiana, saka lumabas doon kay Latrell. "What? Where's Kaide—" Naputol ako sa pagsasalita ng hatakin niya ako at isinabay sa pagtakbo niya. "Hey, what's happening ba?" I asked him, habang tumatakbo kami sa gitna ng field. Tirik na tirik pa man din ang araw. Huminto kami sa may gilid ng isang room, halos likod na nga ito ng school namin.  "What are we doing here?" Inis na sabi ko sa kaniya. "Sshh, 'wag ka maingay," nilagay niya pa ang index finger sa lips niya. "What? Why? Where's your friend ba?" I hissed. "Ayun," tumuro siya doon sa may gilid ng isang pader. "Kanina pa sila nakaganiyan diyan. Hindi ko nga nilalapitan e, kasi gusto kong ikaw mismo makakita." Mahinang dugtong niya. I saw Kaiden and an unknown girl. Nakasandal 'yong babae sa pader, at nakaharap naman si Kai sa kaniya. Nakalagay pa ang dalawang kamay ni Kaiden doon sa pader at nakakulong 'yung girl sa pagitan no'n. Tinitigan ko nang mabuti 'yong dalawa, mukhang seryoso pa si Kaiden na nakikipag-usap doon. Hindi ko alam pero nanlamig bigla ang buong katawan ko. "Avery!" Sigaw sa akin ni Latrell nang bigla akong tumakbo paalis. Dumiretso ako sa clinic, dahil hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko. Malamang ay nahilo ako dahil sa biglaang paglabas ko sa mainit na temperature, idagdag pa ang sakit at inis na nararamdaman ko para kay Kaiden. "Hello po, can I stay here po muna? I think I had sudden indisposition po due to hot w-weather." Hindi ko na alam ang sinasabi ko sa nurse, ang alam ko lang ay halo-halo ang nararamdaman ko. Mabuti ay na-convince ko siya at nilaan niya sa akin 'yung isang bed doon. Binigyan niya na rin ako ng medicine. Tumagilid ako doon at tumitig lang sa pader. Nasasaktan ako pero, walang luha ang tumutulo sa akin. Malamang ay nasasaktan lang ako dahil sa kasinungalingan ni Kaiden. "Is he cheating on me ba?" I was talking to myself.  Well, hindi pa naman kami. Baka ayaw niya na sa akin kaya ganoon, I think? Hindi ko pa kasi siya sinasagot kaya ba ganoon? Ayos lang ba na maghanap  na siya ng iba agad kahit may nililigawan na siya, kasi hindi pa naman kami official ganoon ba 'yon? Hindi ko alam, ang daming umiikot na sa tanong sa isip ko dahil doon. Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay nagdecide na akong umalis. Kinuha ko na lang 'yung gamot dahil hindi ko naman nainom. "A-alis na po ako," paalam ko doon sa nurse, na nagbabasa ng mga schedule 'ata iyon. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Hininto niya ang ginagawa niya, saka nag-aalalang tumingin sa akin. "Yes po, thank you po." I said in small tone. She just nodded and smiled at me. Pagkabukas pa lang ng clinic ay may narinig akong mga paparating. "Tangina mo kasi e. Ikaw siguro leader sa mga taga kalat ng fake news," inis na sabi ni Kaiden. Alam kong siya 'yon dahil kilalang-kilala ko na ang boses niya. Sinara ko kaagad ang pinto at sa kabila dumaan, kung saan hindi sila makakasalubong. "Avery!" Sigaw sa akin ni Kai. Rinig ko na rin ang pagtakbo nila papunta sa akin. Hindi ko siya nilingon at tumakbo na rin para takasan sila, but I failed. "A-Av," napalakas ang paghatak niya sa palapulsuhan ko kaya nalaglag ang hawak kong medicine.  Pinulot ko 'yon at malamig siyang tinignan. Binitawan niya rin ako saka bumuntong-hininga. "A-Av, sorr—" "Para saan ?" I coldly asked him. "Avery, walang kasalanan si Kai. Nagkamali rin ako ng hinala, pasensya ka na." Si Latrell ang sumagot habang nakayuko. "Sige na Trell, ako na bahala. Iwan mo muna kami," tinapik ni Kai ang balikat ng kaibigan niya. Tumango naman iyon at tumakbo na paalis. Kai turned his gaze back to me and sighed. Hinawakan niya ako at hinatak. Dinala niya ako doon sa gazebo, wala rin masyadong estudyante dito dahil halos lahat ay sa mga nagte-training nanonood. Pagdating namin doon ay hindi ako umupo, ganoon din si Kai. He stared at me for a few seconds saka yumakap. I didn't hug him back. "Sorry, binibini ko," he whispered as he caressed the back of my head. Nakatayo lang ako doon at hindi siya pinapansin. Maya-maya ay kumalas na rin siya pagkakayakap. "Pero, mali ang iniisip mo Av, mali ang iniisip niyo ni Latrell. At 'yang iniisip mo na 'yan, hinding hindi ko magagawa sa 'yo 'yan." He's looking deeply on my eyes at nakahawak pa siya sa dalawa kong kamay. Tumingin ako sa gilid para iwasan ang mga tingin niya. "Hindi ko rin kilala ang babaeng 'yon. I just heard her saying something bad about you, at ayoko ng ganoon Avery. Ako 'yung nasasaktan e," he explained. Halata sa boses niya ang sinseridad. Napatingin ako sa kaniya saka yumuko kasabay ng pagbuntong-hininga ko. Inilagay niya ang index finger niya sa may baba ko at saka dahan-dahang inangat ang ulo ko para matignan ko siya. "Ikaw lang dito," he placed my hand on his chest. Nakatingin lang ako doon sa kamay ko na nasa dibdib niya. Ramdam ko kung gaano kabilis ang heartbeat nito. After ko titigan iyon, kinuyom ko ang kamao ko saka mahinang sinuntok ang dibdib niya. Natawa naman siya sa ginawa ko at niyakap ako ulit. "Hey, I'm not your jowa pa a!" I slightly pushed him away.  He just chuckled and pinched my cheeks. Maya-maya ay nawala ang saya sa mukha niya saka ako deretsong tinignan.  Nilagay niya ang palad niya sa noo ko. "You are not sick," seryosong sabi niya. "Anong ginawa mo sa clinic?" "Wala," I simply answered. "Really? Pero lumabas ka ng clinic at may dalang medicine," he worriedly said. "Trip ko lang, bakit?" Tinignan ko siya na parang naghahamon. He just laughed at me, saka umakbay. Ang kulit! Lumabas na kami roon sa gazebo saka naglakad pabalik ng classroom. "Anong kulay nga pala ng team mo?" He's asking about our school's big event every foundation week. Four teams iyon at iba-iba ang kulay. "Red!" I simply said. "How 'bout you?" Masiglang tanong ko naman sa kaniya. "Purple," he said in low voice. "Hmm, magkalaban pala tayo huh!" I squinted, saka tinuro-turo ang mukha niya. He just chuckled and pinched my cheeks. "At saan galing ang malandi kong kaibigan?" Bungad sa akin ni Tatiana pagkapasok na pagkapasok ko sa room namin. Sumilip pa siya sa bintana. "A-ano kumuha lang ng medicine doon," I showed her the medicine. "Baka humarot doon," she squinted, saka tumuro doon sa sinilip niya. I just rolled my eyes on her. Tumulong na rin ako sa mga kailangan pa naming asikasuhin para sa ibang events for our foundation week. Umuwi akong pagod kahit wala naman ako masyadong ginawa doon. I'm always tired naman, ano ba bago? Habang nakaupo dito sa egg chair ko ay nag-check ako ng IG stories. I saw Navi with Gab, nasa isang room sila kasama ang iba pang friends, mukhang nagsasaya lang sila doon. Navya Raye 'enjoy bb :))' I replied.  Almost three days ago na noong makasama ko ulit si Navi, miss ko na nga siya e. Pero I cannot blame her naman, busy sila sa school lalo na at graduating din siya. The next day ay opening lang ng different booths, kaya mas free lalo kahit saan pumunta ang mga students. "Tati saan ko ilalagay 'to?" Hawak hawak ko 'yung box na paglalagyan ng mga papel. Dito kasi ako sa may dedication booth inassign ni Tati. Well, dito talaga ako nagpa-assign dahil hindi matrabaho rito. "Diyan, sa middle ng table." Tinuro niya 'yung table na nakapuwesto na doon sa isang gilid. Nagsimula na ang opening kaya mas nagkagulo ang mga students. Marami rin kaagad ang pumila sa booth namin. Ngayon lang ako magbabantay dito, maya-maya ay maglilibot na rin ako. "Sana i-crushback na ako ni Kyle, from Anna," ako ang nag-volunteer na magbasa no'ng mga sulat. Naka-mic kasi namin binabasa 'yon para rinig talaga ng lahat. "Mahal na mahal ko si Syra, from Kyle." Sunod na basa ko. Narinig ko ang gulat ng ibang students na nakarinig, kawawa naman iyong Anna.  Hay, ang mga bata talaga ngayon! "Ako rin mag-dedicate," nakangising sabi ni Latrell doon sa katabi kong officer. Tumingin din siya sa akin at makahulugang kumindat. Umismid lang ako, at umalis na rin naman siya agad after niya ihulog 'yung papel niya doon sa box. Nagbasa pa ako doon ng ilang sulat at ipinasa ko na 'yon doon sa grade 9 representative, para siya naman ang magbasa. "Tati, you have water?" Tanong ko kay Tatiana na abalang-abala doon, may iba pa kasi kaming booth bukod dito sa dedication. "Sa bag," tumuro siya doon sa isang chair na nasa sulok. Binuksan ko 'yung bottle, saka dere-deretsong uminom. Sumakit ang lalamunin ko kakabasa kanina doon. "Ang sarap ng mga bola ni Kai, sana matikman ko ulit. Nagmamahal, L." Halos masamid ako doon sa binasa nung grade 9. Kahit kailan talaga 'tong si Latrell! I saw Tatiana laughingly looked at me. Umismid lang ako sa kaniya at uminom pa ulit ng tubig. Nadagdagan lang 'yung uhaw ko dahil sa narinig ko. Nagsimula na akong maglibot sa iba't ibang booth. Hindi ako sumasali or naglalaro, tumitingin lang talaga ako. Hahanapin ko sana si Kai para may kasama ako, kaso may biglang tumawag sa akin. "Ate ikakasal ka po," agad akong hinawakan nung grade 10 student at dinala doon sa wedding booth. "Ayan na si ate Avery!" Masayang sabi nung isang grade 8 na lalaki. He looks familiar.  Ah, siya 'yong sumigaw na crush ako ng katabi niya during our campaign. So 'yung kaibigan niya pala ang papakasalan ko. "'Wag ka na po magbayad ate please, pagbigyan mo na po ang kaibigan ko na pakasalan ka," pagmamakaawa nung grade 8. Pwede kasing magbayad if ayaw mo magpakasal. I just nodded. Napatalon naman sila ng kaibigan niya dahil sa tuwa. "Ken, do you take Avery to be your wedded wife, to live together in marriage?" The grade 11 student asked. "I-I do," nahihiyang sagot naman nitong aasawahin ko. "Avery, do you take Ken to be your wedded husband, to live together in marriage?"  "I do," tamad na sagot ko. What am I even doing? Mga ilang minuto lang ay natapos na ang kasal-kasalan namin. Talaga naman! Naglilibot lang ako, naikasal pa! "Av," nagulat ako nang biglang sumulpot si Kai sa gilid ko. "Yehey kasal na kami ni ate Avery!" Narinig kong sigaw nung grade 8. "What?" Nagtataka akong tinignan ni Kaiden. "W-well uhm, I think I just got m-married." I absentmindedly said to him. "What the f**k?" Punong-puno ng inis at pagtataka ang mukha niya. "Hoy leon, tignan mo 'yong mga nakasulat doon sa freedom wall," aya sa kaniya ni Latrell. "Uy nandyan ka pala Avery, sama ka, tignan mo rin!" Natatawang sabi niya. Nauna naglakad si Latrell at sumunod kami ni Kai sa kaniya. "Asawa ko na si ate Avery," binasa ni Kai 'yung nakasulat doon. Nilibot ko pa ang mata ko doon sa freedom wall at maraming nakasulat na ganoon doon. "Putangina mo Kaiden, naunahan ka pa no'ng bata." Pulang-pula ni si Latrell kakatawa sa kaibigan niya. "Tatahimik ka ngayon o tatahimik ka habang buhay?" Kaiden glared at him. "Kalmahan mo lang. Pota nadamay nanaman ako e," sabi ni Latrell habang pinipigilan ang tawa niya. "Nasaan 'yong mga 'yon?" Lumakad si Kaiden at hinahanap 'yung mga grade 8. "Kai, stop! They're just a kids, ano ka ba!" Masama ko siyang tinignan. Nagpapaawa niya akong tinignan. "Kabit na lang ako Avery. Kahit kabit na lang," malungkot na sabi sa akin ni Kai, kinuha pa nito ang isa kong kamay. "Tangina, ayoko na rito." Bumuhos na ulit ang tawa ni Latrell, saka umalis habang nakahawak sa tiyan niya dahil sa sobrang tuwa. "Tigil Kaiden," natatawang sabi ko naman sa kaniya.  Natawa rin siya sa akin at umakbay. Pinagpatuloy na lang namin ang paglilibot doon. Noong makauwi ako ay ibinagsak ko kaagad ang katawan ko sa bed ko. Sa sobrang pagod ay nakatulog na ako doon ng naka-uniform. Sa umagahan na lang tuloy ako bumawi ng pagkain. Sa susunod na araw ay ang big event na. Hindi ko ka-team si Tati o kahit si Cleo, kaya naman wala akong ka-close rito. "Avery?" Someone called me. "Uy dito ka pala," gulat na sabi ko kay Latrell. Araw-araw ko na lang 'ata nakikita ang pagmumukha ng isang 'to. "Gagi hahaha, si Kai nandoon sa purple team e," tumuro siya doon sa kabilang side. "Yup, I know. Anyways, goodluck mamaya ha!" I smiled. May iba't ibang palaro kasi mamaya, tulad ng basketball, volleyball, table tennis at marami pang iba. Chess ang sinalihan ko, mamaya pa naman ang laban namin. Hindi ako masyadong expert sa paglalaro no'n, average lang ganoon. Hindi rin naman ako nag-eexpect manalo pa, I just joined para naman hindi ako tamabay lang. "Go captain!!" Malanding sigaw ng isang ka-team ko. Nagsisimula na ang basketball, red team at blue team ang unang magtatapat.  "Landi mo, hindi ka naman papansinin niyan!" Sabi noong isang babae na katabi nung sumigaw. So they really like Latrell ha. Marami rin talagang nagkakagusto sa kaniya ha! I wonder who's his type, mukhang wala siyang pakialam sa ganoon e. Nanalo ang team namin sa game na 'yon, kaya naman mas nagkagulo ang mga babae kay Latrell. "Daming chix ha!" Pagbibiro ko sa kaniya. Kami kasi ang magkasama rito, dahil wala rin siyang ka-close masyado sa team namin. Natawa lang siya saka uminom ng tubig. "Layo," utos ni Kaiden kay Latrell. Bigla-bigla na naman siyang sumusulpot! "Kalmahan mo," natatawang sabi ni Latrell, saka umusog. Sinamaan lang siya ng tingin ni Kai. "What are you doing here?" I curiously asked. "Binibisita ka," he's deeply looking at me. "Binibisita ka," Latrell mocked him. "Ang mais mo, putcha ka." Natatawang dugtong pa nito saka umalis. Maya-maya ay umalis na rin naman si Kai dahil sila na ang susunod na maglalaro. Hindi ko naman siya mapapanood dahil pinatawag na rin ako doon sa may chess. Nag-focus lang ako doon sa laro. Ine-enjoy ko lang 'yon at wala nang iba pa. And I think, luck is on my side right now. Dalawa na ang panalo ko at isa pa lang ang talo. Pasok na ako for finals at ipapatawag na lang kami ulit mamaya. "What happened sa game?" I asked Latrell. "Panalo sila," nakangising sabi niya, dahil kung ganoon, ang team namin at nila Kai ang magtatapat for finals. Maya-maya lang din naman ay pinatawag na ulit kami for finals naman sa chess. "Latrell laro na ulit ako, pabantay na lang 'tong bag ko." Bilin ko sa kaniya, siya lang naman kasi ang maaasahan ko rito. "Akin na," biglang sulpot nanaman nitong si Kaiden. "Kalma, sa 'yo na! Pati may ari sa 'yo na ha," natatawang sabi naman ng kaibigan niya saka aktong aalis. "Hoy saan ka punta, nood tayo kay Av." Pag-aaya ni Kai. "Ay sige sige, maganda 'yan!" Natutuwang sabi ni Latrell, saka bumalik at umakbay kay Kaiden. Sabay-sabay na kaming pumunta roon. Para naman akong nagbitbit pa ng mga supporters! "Goodluck," bulong sa akin ni Kai, bago ako umupo sa tapat ng kalaban ko. Naka-focus lang ako sa game. Sa totoo lang magaling itong kalaban ko, kaya nahihirapan ako. "Check," wika ng kalaban ko. Napahimas ako sa sentido ko saka humanap ng paraan para makalusot doon. I looked at Kaiden and Latrell, parehas silang mukhang problemado roon dahil sa laro ko. Sa huli ay wala na akong nagawa, kaya naman 1st runner up lang ang nakuha ng team namin sa category ng chess. "Okay lang 'yan Av, ibabawi kita sa basketball." Sabi ni Latrell. "Tignan natin," nakangising sabi naman nitong si Kai. Maya-maya pa ay nag-start na ang laban ng basketball finals. Red team vs Purple team. "Sa akin sigaw Avery ha," seryosong sabi ni Kaiden. Umismid ako sa kaniya at natawa naman siya, saka dumiretso na roon sa gitna ng court.  Nakakahiya naman kung siya ang ichi-cheer ko, para ko namang tinraydor ang team namin niyan! Halos dikit lang ang laban. Magaling din talaga maglaro si Kaiden, pero si Latrell kasi ay may ibang liksi kaya siguro siya rin talaga ang captainball nila. Nag-ingay na ang team namin nang kami ang manalo, two points lang ang lamang namin laban sa purple. Ganoon kadikit ang laban. "Sabi sa 'yo Av, ibabawi kita." Mayabang na sabi ni Latrell sa akin. "Congrats!" Masayang bati ko sa kaniya. "Paano ako Avery?" Malungkot na sabi naman ni Kaiden. Natawa ako sa kaniya. "Ikaw? Sa akin ka panalo," sabi ko sabay hawak sa mukha niya. Agad namang umaliwalas ang mukha niya. "Kaiden, ang laki laki mo tapos ganiyan ka kay Avery." Natatawang sabi ni Latrell. Sinamaan lang siya ng tingin ng kaibigan niya. Para silang mga bata lagi kapag magkasama! Of course, as expected umuwi ulit ako na sobrang pagod! Days have passed, araw na ng pageant ngayon! Salamat naman dahil pahinga na kaming SC after nito! "Go Hailey!!" My classmates were currently cheering for our representative, si Hailey. May iba ring grade level ang sumisigaw para sa kaniya, hindi naman kasi mapag-kakaila ang mala-anghel nitong mukha. Sigurado naman akong mananalo siya diyan. "10 minutes. You have only 10 minutes to prepare para sa next na paglabas niyo sa stage, okay?" Nagtanguan naman sila sa akin. Ako kasi ang pinag-asikaso ni Tati rito, dahil sa akin daw bagay. May kasama rin akong dalawa pang officer. "Ate Av, nawala raw 'yung number na bilog nung candidate number seven," wika sa akin ng isa sa kasama ko. "Oh wait," kinuha ko 'yung extra na numero doon sa box na dala namin dito. "Here, give it to her." I smiled, saka inabot sa kaniya 'yung number na gawa sa cardboard. Kinuha niya 'yon at itinakbo na doon sa contestant, dahil ilang minuto na lang ay lalabas na ulit sa stage ang mga 'yon. "Go, go, goodluck girls!" Sabi ko doon sa mga babaeng contestant habang isa-isa na silang lumalabas sa stage. Kasunod lang din naman nila ang mga boys. Lumabas na rin ulit ako para panoorin sila. Si Tatiana at 'yung vice president namin ang nagho-host. Nakakatuwa lang si Tati, dahil sanay na sanay na siya sa public speaking. Rumarampa lang ngayon ang mga contestant habang suot-suot ang casual wear nila. "They all look fabulous, right?" Masiglang sabi ni Tati doon sa stage, after no'ng mga rampa ng candidates.  Bumalik na ulit ang mga ito sa backstage, para magpalit naman ng formal wear. May iba't ibang performances lang doon sa stage, bilang pang-entertain sa audience. Nagulat ako nang marinig ang sigawan ng girls sa loob. "What happened?" I worriedly asked them. Tinuro nila 'yong isang gown na napunit, nakasabit pa 'yon doon sa alambre na naging cause ng pagkapunit no'n. "Kanino 'to?" I asked. "Sa akin ate," malungkot na sabi nung grade 9 candidate. "Sige na girls, mag-prepare na kayo diyan. Ako na bahala rito," utos ko doon sa ibang candidates. Pinasuot ko muna doon sa grade 9 'yung damit niya tsaka tinignan kung halata 'yung punit. Mabuti na lang ay maliit lang 'yon at nakaya agapan ng safety pin. "Thank you po ate," she smiled at me. I just nodded and smiled at her too. Nagulat ako nang matanawan ko doon sa labas ng backstage si Kaiden, nakatingin siya sa akin. Naiwan kasing nakabukas ang pintuan kanina. "Galing naman ng Avery ko," bati niya sa akin. Nakita niya yata ang ginawa ko kanina. Natatawa lang akong umismid sa kaniya at bumalik na sa harapan ng stage para manood ulit. "Water," alok sa akin ni Kai. Sakto! Kinuha ko agad 'yon at dere-deretsong ininom. Kanina pa rin talaga ako nauuhaw. "Dahan dahan," natatawang sabi ni Kai. Hindi ko siya pinansin at tinuloy lang ang pag-inom. Huling rampa na ng mga candidates ngayon. After niyan ay announcement na ng winners. "They are all pretty naman e," sabi ko kay Kai, habang naka focus lang doon sa mga girls sa stage. Lahat talaga sila ay deserve manalo! "Oo nga maganda," sagot ni Kai. "Ayun lalo oh, grade 8 palang super pretty na talaga ng face," sabi ko sa kaniya habang naka-focus pa rin sa stage. Gandang-ganda kasi talaga ako sa lahat ng kasali na girls. "Oo nga," he simply said. "Ayun din, 'yung grade 10 na isa," tinuturo-turo ko pa 'yung mga candidate na tinutukoy ko. "Oo nga ang ganda." I looked at him when I noticed na paulit-ulit lang ang mga sinasagot niya sa akin. And there, I saw Kaiden's eyes, deeply staring at me. "Ang ganda nga," his lips curved. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD