Chapter 11

3209 Words
"Bebe, change of plans." Nakangusong bungad sa akin ni Tatiana. One week na ang nakakalipas matapos kaming ma-elect as new officers ng student council for this year. "What plans?" I curiously asked, habang kumakain ng biscuit na pabaon sa akin ni Kaiden. Also, our teacher is not yet here pa naman, so I can eat. "Huh? You forgot na?" Mas lalong humaba ang nguso niya. Cute! "Ano ba 'yon Tati?" I looked up, at nag-act na nag-iisip. "I'm turning 18 nga 'di ba, tapos I told you hindi na ako mag-celebrate ng bongga." Yumuko ito at pinaglaruan ang mga daliri. "Then?" I looked confused pa rin. Bakit ba hindi niya ituloy-tuloy kasi. "Then, mom suddenly decided to have a big celebration na raw. Nag-iisa lang naman daw nila akong anak at babae pa, ayon that's why." Tatiana explained, she looks sad. Kahit naman ako siguro ang magulang niya ay ipaghahanda ko na siya ng bongga. Bukod sa nag-iisa siyang anak, minsan lang din maranasan ng babae ang ganoong celebration. "Then, why are you sad? Wala namang nakakalungkot sa sinabi mo," natatawang sabi ko sa kaniya. "E, I don't like grand celebration na nga 'di ba," nakayuko pa rin siya. "Ang cute mo," she looked at me as her eyes shone. "Hahaha, pero we can't do anything Tatiana, alam mo 'yan once na si tita Felyn na ang nag-decide." I sternly said. "Yup, I know." She sighed. "Pero if I were you, I would definitely be so happy, lalo na you have a lot of friends naman. Kaya makakabuo ka talaga ng program," I dreamily said. Nakita kong lumiwanag na ang mukha ni Tati dahil doon sa sinabi ko. Maya-maya lang din naman ay dumating na ang teacher at nag-start nanaman ang panibagong klase. Bumalik na rin si Tati sa proper seat niya. "Av, bigay." Iniabot sa akin ni Cleo ang isang plastic ulit ng snacks, and may note pa 'yon. 'Eat this, binibini :)) -K' "What the heck, he's so corny," I said in an undertone. "Thanks, Cleo." I smiled. He meaningfully looked at me, pinalitan ko naman 'yon ng mahiwaga kong eye roll. "What's that, Av? I saw what you did to my bebe, ikaw ha!" Tati scolded me, kakagaling niya lang doon sa bilihan ng foods, for our recess. "Wala 'yon babe," pag-comfort naman ni Cleo sa jowa niyang OA. Tati glared at me, saka kumapit na doon sa jowa niya. Napangiwi naman ako dahil sa ka-clingyhan niya. Bumalik na kami ulit sa room after recess, same routine lang naman lagi. Back to normal classes na ulit of course. "Class, especially the SC officers. Be prepared sa paparating na foundation week ha. I'm counting on you, Ms. Ramirez," our adviser smiled at Tati. "Yes Ma'am," masiglang sagot naman ng kaibigan ko. I laughed at her reaction. She saw me kaya tinignan niya ako ng masama. "Tati, sa field tayo tambay," pag-aya ko sa kaniya, dahil vacant namin. "Because?" Makahulugang tanong niya. "A-ano, para ma—" "Mang-landi! Okay, let's go!" She happily stated.  She closed the book that she was reading and stood up immediately. "No, hey!" Hindi ko na siya napigilan dahil dere-deretso na siyang umalis. Nang makarating kami sa field ay nakita ko na ang iba't ibang players na may kaniya-kaniyang puwesto doon. "Oh, ayun si Kai. 'Wag ka na magpanggap, alam kong landi ang habol mo rito!" She smirked. I just rolled my eyes on her. "Kai, water!" Inabot ko 'yung isang bottle na binili ko kanina. "Uy salamat!" Si Latrell ang kumuha sa akin at agad ininom 'yon. "Tangina mo, kailan pa naging 'Kai' pangalan mo!" Singhal ni Kaiden sa kaniya. "Pasensya na tol, akala ko nahulaan ni Avery na uhaw na 'ko e." Pang-aasar naman ni Latrell sa kaibigan. Tinulak lang siya doon ni Kaiden. "Bebe, ako wala na tubig," nakayukong sabi niya sa akin habang pinaglalaruan ang mga daliri. "Wait for me, I'll buy you ha!" I seriously said. "Putangina mo Kaiden, ang landi mong hayop ka!" Muntik pa madura ni Latrell 'yung tubig kay Kaiden, dahil sa sobrang tawa. Wala si Tati, after niya kasi ituro kung nasaan si Kai, nagpa-iwan na siya doon sa may volleyball. 'Yon daw ang gusto niyang panoorin. Ibinili ko si Kai ng water niya at inaya ko na si Tati pabalik ng room. That day ended smoothly. Hindi na rin kami nagkasama ni Kaiden noong uwian, dahil lagi namang busy sa training 'yon. "Invited ka ha," Tati smiled, and gave my classmate an invitation card. Pumasok siyang may bitbit na isang damakmak na invitation cards at pinamimigay niya 'yon sa marami. Kahit kakilala niya lang at hindi naman ka-close ay binibigyan niya. Tinignan ko ulit ang invitation card na ibinigay niya sa akin. Nandoon ako sa 18 candles, ako ang last na magsasalita syempre. Nakita ko rin si Kai sa 18 roses, so he's invited din pala huh. Medyo hassle para kay Tatiana, dahil dikit ang date ng debut niya at ng foundation week. Isang araw lang ang pagitan no'n. Pero nakapag-plano naman na kami para doon, nakaayos na rin ang programs na gagawin. "Punta kayo ni Kai mamaya sa amin ha! Practice ng cotillion," paalala ni Tati sa akin. Umuwi lang ako saglit sa condo para magpalit ng damit. I simply wore gray oversized shirt na tinali ko sa may bandang tummy ko and maong shorts. 'Yon na lang ang sinuot ko dahil practice lang naman, nag messy bun na rin ako dahil ang init. "Uy Latrell, kasali ka rito?" Nagulat ako nang makita rin si Latrell dito kila Tati.  "Ah oo ininvite ako ng kaibigan mo e," he chuckled. "Buti wala kayong training?" "Wala, nabadtrip si coach e. May nag-away kasi e kaya na-dismiss kami ng maaga," natatawang sabi niya. Nagulat ako at agad na nag-alala, baka mamaya ay kasama si Kai doon. "Uy gagi, hindi kasali si Kai doon." He laughed when he saw my reaction. "Nandito na pala kayo, let's start na." Inaya na kami ni Tati, dahil gusto na rin daw simulan ng magtuturo. Pero ang kapartner ko ay nawawala pa. Nasaan na ba 'yon? "Latrell, where's Kai na ba?" I asked him, dahil sakto magkatabi lang ang position namin sa cotillion, next to Tati kami ni Kai, tapos next si Latrell at ang partner niya. "Ewan ko nga e, partner ko rin nawawala," he laughingly said. "Tayo muna partner," aya nito. Hindi na ako tumanggi dahil nagmamadali na 'yung magtuturo.  "What the hell," sabi ko nang hindi ko na-gets 'yung step. "Ganito, lagay mo paa mo rito tapos 'yung akin naman doon. Tapos 'yung kamay mo hawak lang sa balikat ko," paliwanag ni Latrell. Inulit namin, and finally na-gets ko na. "Ayan," parehas kaming natawa ni Latrell nang magawa na namin ng maayos 'yung step. I was shocked when someone grab my waist and pulled me away from Latrell. "Tol kalma, tagal mo kasi e." Nakataas ang dalawang kamay ni Latrell at natatawa pa 'yon. "Umalis ka diyan," seryosong utos ni Kai. Gumilid agad si Latrell at maya-maya lang din naman ay dumating na rin ang partner niya. Hanggang matapos ang practice ay hindi ako kinakausap ni Kaiden. Madali niya rin naman nakuha ang steps na na-missed niya kanina. "How's your day?" I asked. But he just ignored.  Nandito na kami sa sasakyan niya para umuwi na. "Saan ka nga pala galing? Bakit ka late?" I asked again. Hindi pa rin siya sumasagot. "Hey, can you hear me ba?" He ignored again. Sumandal na lang ako at nanahimik. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. "Dito ka na," he coldly said. "S-sige," papungas-pungas pa ako. "Thank you, ingat ka." I was about to open the door, when he grab my wrist and pulled me. Hinarap niya ako sa kaniya at bumuntong-hininga. "Tangina Avery, sa susunod pagsisikapan kong maging captainball," he said, expressionless. "W-what?" I was shocked. "K-Kai, mali ka ng iniisip. Nag-partner lang kami kasi parehas kaming walang partner, and gusto na mag-start nung magtuturo," I absently explained. He sighed, and nodded.  Pagka-uwi ko sa condo, saka ko lang ulit naalala si Navi. Madalang ko na lang siya makita, dahil ang sabi niya ay research week nila kaya lagi siyang nandoon sa bahay ng ka-group niya. "Avery, 'di ba tapos na tayo doon sa chapter 3?" Tanong sa akin ni Chad. Sa group kasi namin, parang kaming dalawa ang bumubuhat. "Yes boss Chad. Finish na finish na, sinisimulan na namin chapter 4" Masiglang sagot ko sa kaniya, kaya natawa naman siya. Tuwing vacant namin ay pumupunta ako kay Kaiden, para dalhan siya ng tubig. Two days have passed, after no'ng unang practice namin, kaya mamaya ay may practice ulit kami. "Kai water," binigay ko kay Kaiden 'yung isang bottle at kinuha niya naman 'yon. Medyo cold pa rin siya sa akin, hindi ko alam bakit. Pero kay Latrell naman ay okay siya, sa akin lang hindi. "Kaiden," seryosong tawag ko, kaya napatingin siya. "Sorry naman na," I searched for his eyes, to please it. Ang palaging cold na tingin niya sa akin, ngayon ay nanlambot na. Aalis na sana ako no'ng wala siyang sinabi, pero hinatak niya ako. "Sorry Av, sorry," he said as he caressed my cheeks. Tumango lang ako at umalis na. "Pasuyo ka pang gago ka, ikaw din naman bibigay." Narinig ko pa ang pang-aasar ni Latrell. Hindi na ako umuwi ng condo at sumabay na kay Tatiana papunta sa kanila para sa practice. "Edi okay na kayo? Masyado namang matampuhin pala ang college suitor mo," natatawang sabi niya. Natawa na lang din ako at napailing. "Ay puke," muntik na akong madulas dahil sa ginagawa naming steps, buti na lang at hawak ni Kai ang waist ko. "Careful," paalala niya. "Careful," Latrell mocked him. Hindi niya pinansin 'yon at nag-focus sa sayaw namin. "Kaiden, hiramin ko muna Avery ko ha. Papasama lang ako sa kaniya," Tati talked to Kai, last day na ng practice namin ngayon. "No worries. Text mo na lang ako Av, kapag kailangan mo ng sundo," bilin niya sa akin. I just nodded and waved my hand on him. I saw him smiled and waved his hand too. "Gwapo ha," bulong sa akin ni Tati pagkasakay namin ng sasakayan niya. I just smiled, at tumingin ulit kay Kaiden through Tatiana's car tinted windows. No doubts. "Where are we going nga pala?" I curiously asked Tati. "Kukunin gown ko," she said habang may kinakain na lollipop and of course, habang gumagamit din ng phone. I just nodded, saka sumandal. Malapit lang naman 'yung shop na pinag-pagawaan ni Tati, kaya mabilis lang kaming nakarating. "Is it pretty ba?" Sinukat ulit ni Tatiana doon ang gown bago kuhanin. "Yes love, you look fabulous." I smiled. After namin doon ay hinatid naman ako ni Tati pauwi kaya hindi ko na kailangang magpasundo kay Kaiden. "Chad, here's my part na sa chapter 4 natin. Balik mo sa akin kapag may mali." Masiglang sabi ko kay Chad.  Bukas na ang debut ni Tati, mas excited pa ako sa kaniya. "S-sure, thanks." Kinuha niya 'yon at inilagay na sa bag niya. Uwian na rin kasi namin kanina pa, pero tinatamad pa akong bumaba, lima na lang kami rito sa room at nauna na rin si Tati kanina, dahil magpe-prepare pa 'yon for her debut. Nakaupo lang ako doon habang nakatingala, kay Kaiden naman ako sasabay kaya puwede naman sigurong dito ko na lang siya hintayin. "H-hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Chad. "Later pa," I smiled. Tumango lang siya saka umalis. I closed my eyes doon, saglit, ewan ko ba bakit tinatamad ako. "Avery," I heard Kaiden's soft voice and he lightly tap my shoulder. "Oh, hi!" Nagulat ako nang makitang madilim na ang paligid. "f**k," agad akong napatayo at kinuha ang bag ko. "You look tired, napag-hintay pa kita. Sorry," nakayukong sabi ni Kaiden. "No, Kai. Uhm, a-alam ko kasi pumikit lang ako pero bakit ganoon gabi na agad."  Agad naman siyang natawa sa akin. Kinuha niya 'yong jacket niya roon saka inilagay sa akin. "May susuot ka na tomorrow?" I asked him. "Yeah," he simply answered while directly looking on the road. Ako rin ay nakabili na ng isusuot. Parisian ang theme ng debut ni Tati, kaya requirement din talaga ang pagsusuot ng formal attire. "See you tom," Kai smiled. I just nodded and waved my hand on him. "May kulang," seryosong sabi niya. "Ano 'yon?" Nagtataka kong tanong. "Kiss," sabi niya saka agad na ngumuso. Lumapit ako sa kaniya at mahinang sinampal ang pisngi niya. Bumusangot naman ang mukha niya dahil doon. I laughed at him before leaving. Pagkauwi ay inayos ko na ang mga isusuot ko bukas. Mula sa damit ko na, navy blue off shoulder evening dress. Super fit 'yon sa akin at may slit din sa may left part. I partnered it with my silver ankle strap heels. In just a blink. I found myself walking in a red carpet, hawak-hawak ko na rin ang silver clutch bag ko.  "Hey Dean!" Gulat na sigaw ko sa kaibigan ko. Ako naman ang nag-invite sa kaniya, nagulat lang ako at nauna pa siya sa akin dito. "Hi, ganda mo naman madam!" Bati niya sa akin. I smiled at him. "Where's Dennise?" Sabi ko kasi sa kaniya ay isama niya ang jowa niya. "Wala busy," he simply answered. "Upo ka na rito," he pulled the chair beside him. Inalalayan niya pa ako paupo. "Thanks!" I smiled. "Where's Kaiden?" He asked nang mapansing hindi ko kasabay si Kaiden.  Gusto ko kasi ay maaga pumunta rito. When I called Kai earlier, sabi niya ay maliligo pa lang daw siya, kaya nauna na ako. "Hindi kami sabay, pero maya-maya ay nandito na rin 'yun." I gave him reassuring smile. Ito ang first time na magkikita sila ni Kai. He just nodded and smiled. "Ms. Tatiana Fay Garcia Ramirez," the host introduced Tati. Hindi naaalis ang ngiti ni Tatiana habang naglalakad sa red carpet. Si tito Tobi ang escort niya sa pag-entrance, mamaya sa cotillion ay si Cleo naman. Tatiana really looks so good. She looks like a goddess in her yellow sleeveless ball gown, may design din iyon na silver. Naka-bun style rin ang hair niya at may crown. "She's a goddess," bumulong ako kay Cleo na katabi ko lang din. "No doubts," nakatulala siya sa girlfriend niya. Nasa kabilang table si Kaiden, kasama sila Latrell at iba pang mga college students. He's wearing a button down black longsleeves na naka-tuck in sa dark pants niya. May ka-partner din iyon na dark gray na blazer na naka-open lang.  "f**k, Avery," bungad sa akin ni Kaiden, while surveying me from head to toe. Entrance na ng cotillion, kaya pinapila na kami rito sa likod. "W-what?" Nagtatakang tanong ko. He just shook his head. Lumapit na rin ako sa kaniya, at kumapit sa may braso. Instrumental na perfect ang song sa sayaw namin. Kaiden's looking deeply on my eyes. Mahigpit din ang pagkaka-hawak nito sa may waist ko. "Now I know I have met an angel in person, and she looks perfect~" Sinabayan niya 'yung instrumental, habang nakatitig lang sa akin. "Palakpakan naman diyan," masiglang sabi nung host. "Sweet na sweet ang ating mga cotillion dancers ngayon ah! Lalo na 'yung magpartner na katabi no'ng debutant oh!" Kantyaw pa nito. I saw Kaiden looked at his side.  "Tanga, kayo 'yon pre!" Natatawang sabi naman ni Latrell. Inalalayan ako ni Kai hanggang doon sa may table namin, kaya napatayo si Dean. "Uhm Kai, si Dean bestfriend ko," I smiled. He seriously looked at Dean. "Uhh Dean, siya si Kaiden—" "Her suitor," seryosong sabi ni Kai, saka tinanggap ang kamay ni Dean na kanina pa nakalahad. Umupo na kami doon at bumalik naman na si Kai sa table nila. I can see him glancing at us. "Nakakatakot naman 'yon," nagtatago ngayon si Dean sa may braso ko. Tumingin naman ulit ako kay Kaiden at nakita kong nakatingin lang din siya sa amin. "Ganiyan lang talaga siya, pero mabait 'yan." I smiled at him. Tumango naman ito pero nagtago pa rin sa akin. Tinataguan niya ang tingin ni Kai. "You and only you," I paused and look at Tati's eye. "Will be my forever bestfriend, I love you my Tatiana!" I ended my speech and hugged her. Naluluha pa ang mga mata niya. I placed the candle doon sa gold na spiral at isa-isa na 'yon hinipan ni Tati. Lahat naman kami ay nagpalakpakan, after. "Happy Birthday Yana~" I was singing when someone grabbed my waist. "Selfie tayo, Av," pag-aya sa akin ni Dean. Idinikit ko naman ang ulo ko sa may balikat niya. "Another memory saved!" Masiglang sabi ni Dean. "Debut mo naman next," he happily said habang tinitignan ang picture namin. Hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa waist ko. "Hindi ako mag-gaganito," nakayukong sabi ko. "Huh? Bakit nam—" "Ay sorry, akala ko daanan," sabi ni Latrell matapos niyang dumaan sa gitna namin ni Dean. Muntik pa akong masubsob, pero nandoon agad sa harap ko si Kai, kaya nasalo niya ako. "W-what? Ang dami pa namang ibang daanan Latrell ah!" Inis na sabi ko sa kaniya. "Pasensya na, napag-utus—" "Oo nga Trell, laki mo namang tanga." Pag putol sa kaniya ni Kaiden. Latrell glared at him. Pinakyuhan niya pa si Kai bago umalis. Nagtataka ko namang tinignan si Kai. He just shrugged. "Are you okay?" Tanong sa akin ni Dean, dahil napaatras din siya doon sa gilid no'ng dumaan si Latrell. "Yes, you?" I worriedly asked him. "Oo, don't worry," he smiled. Pumunta sa likod ko si Dean para magtago kay Kaiden na nasa harapan ko. "What the f**k is he doing?" Nagtatakang tanong ni Kai. "Natakot mo," bulong ko sa kaniya. He smirked and shook his head. "Una na ako Avery ha, mine-message na ako ni mama e," paalam ni Dean. "Sige, take care! Kumusta mo na lang ako kay tita Jaylee!" Bilin ko sa kaniya. "Sige, pre ingatan mo ha," bilin naman niya kay Kaiden at tinuro pa ako. Tumango lang si Kai, emotionless. I hugged Dean bago siya umalis. "Tsk," sabi ni Kai habang umiiling. "What?"  Tinignan niya ako at bahagyang inikot ang mata paalis sa akin. He smirked and shook his head again. "My Tati!! Happy birthday, goddess!" Bati ko kay Tatiana. Tapos na ang debut niya at pasakay na siya ng van nila. "Thank you, love!" She hugged me, saka nagpaalam na. "Let's go?" Pag-aya ko naman kay Kaiden. He just nodded, and we entered his car na. "Lugi naman ako doon Avery." He seriously said while driving. "S-saan?" Nagtataka kong tanong. He just shook his head, hindi niya ako tinitignan. "Salamat sa paghatid! Ingat ka pauwi," bilin ko kay Kaiden after bumaba. Hindi siya sumagot at bumaba rin ng sasakyan. "Hug?" Bahagya niyang inangat ang kamay niya sa ere, and he pleadingly looked at me. Parang bata! Lumapit na lang ako, bahagya kong idinikit ang katawan ko sa kaniya at inilagay ang mga kamay ko sa likod niya, saka tinapik-tapik iyon. "H'wag ka na magselos," natatawang sabi ko sa kaniya. Hinigit niya ang waist ko at mas hinigpitan ang yakap sa akin. "You hurt me," he said in small tone. Natawa na lang ako sa kaniya at sinandal ko na lang ang ulo ko sa may dibdib niya. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD