Chapter 10

3294 Words
"Good day everyone, I am Kailey T. Gomez, running for the position of grade seven representative." First day na ngayon ng campaign. There are three party list and this is the first one. Halos buong week na 'to ay naka-focus lang kami sa campaign at votings. Kaya naman lahat ay masaya dahil walang klase at kapag naman natatapos ang campaign ay vacant na namin. "So nililigawan ka na pala ni kuya Kai?" Sumingit si Cleo sa usapan namin ni Tati. "Uhm, yes." I answered sabay subo ng fries.  Recess time namin ngayon, kaya naman magkakasama kaming tatlo ulit dito sa isang table. Wala namang bago, kaming tatlo lang naman talaga palagi ang magkakasama. "Congrats in advance! Alam naman na natin saan papunta 'yan, right babe?" Siniko niya si Tati at tumango naman ang gaga. "Kaiden's good naman, nagpaalam pa nga siya sa grandparents ni Av, bago manligaw e," she proudly said, sabay makahulugang tumingin sa jowa niya. Napayuko naman si Cleo, dahil doon. Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami ng room. Naglalandian lang doon sa sulok si Tati at Cleo, libre ngayon pumunta rito si Cleo, dahil wala namang klase. Nag-cellphone na lang ako doon at nagpasak ng earphone sa tainga ko, handa nang matulog. "Avery nice, may naghahanap sa 'yo sa labas." Tinapik ako ni Shaun at nakangisi ito sa akin. "Sino raw?" Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Hindi ko kilala e, labas ka na lang." He said, saka tumakbo paalis. Pumunta na ako sa may pintuan, natanawan ko pa 'yung love birds na seryosong naglalaro doon ng cellphone. "Hi," Kai greeted. "H-hey, what are you doing here?" I curiously asked him. "Sinusundo ka." He's just staring at me. "Huh, hindi pa uwia—" Hinatak na ako nito at dumiretso kami sa cafeteria sa college building. "Tara na uwian na," biglang tayo ni Latrell at aktong aalis na. Siya lang kasi mag-isa doon sa table na pinuntahan namin ni Kai. Kaiden glared at him. "O, bakit?" He asked Kaiden nang makita ang tingin nito sa kaniya. "You stay," masama pa rin ang tingin ni Kai. Walang nagawa si Latrell at umupo na lang ulit. "Hi Avery! Upo ka," bati nito sa 'kin. I just smiled at him at naupo na sa tapat niya, sa tabi ko naman si Kaiden. "Gara mo naman tol, kailangan pa ng back-up sa panliligaw," napakamot naman si Latrell sa ulo niya. Tinawanan lang namin siya ni Kai. "What are we doing here?" I asked. "Kakain, binibini," he simply said. "H-huh kakakain ko lang e," singhal ko. Naglapag na rin ito ng pagkain sa harap namin. "Ako wala?" Singit ni Latrell. Hindi siya pinansin ni Kai dahil sa akin naka-focus ito. "Kain ka pa, fries lang daw kinain mo sabi ni Yana," he stared at me, at inusog palapit sa akin 'yung food. Talaga namang mayroon pala siyang taga-bantay ko ha. Kinain ko na lang 'yung sandwich na binili niya, may mayonnaise mixture na palaman 'yon. "Dahan, dahan," pinunasan ni Kai 'yung naiwan na mayonnaise sa gilid ng labi ko. "Saksakin niyo na lang kaya ako," inis na sabi ni Latrell. Kaiden chuckled at his friend's annoyed face. Natatawa ko namang tinignan si Latrell, naalala ko ang kalagayan ko sa kaniya kapag kasama ko 'yong love birds. "Sa 'kin mata, Avery" Gulat akong napatingin kay Kaiden. "Tangina mo Kaiden, aalis na 'ko. Landi mong hayop ka," tumayo na si Latrell at aktong aalis. "Sandali Trell, bili mo muna pala kami juice," seryosong utos ni Kai. "Naknampota talaga. Gagawin pa akong utusan," inis na inis na si Latrell, pero sinunod niya pa rin naman ang kaibigan niya. "Goodluck tomorrow." Biglang sabi sa akin ni Kai habang kumakain. "T-thank you, hindi ko nga alam kung mananalo ako doon e," tipid akong tumawa. 50/50 talaga ako lalo na at wala naman akong gaanong ka-close rito sa school. "Ako bahala," he smiled. "H-huh?" Nagtataka ako, ano naman ang gagawin niya? He smiled and shook his head. "Oh, malanding leon," pinatong ni Latrell 'yung juice doon sa table. "Thanks, alis na." Wika ni Kai. "Ulol," pinakyuhan ni Latrell si Kai saka umalis. "Your friend's palamura, 'no" sabi ko kay Kaiden. Wala 'atang beses na hindi ko narinig magmura si Latrell tuwing nagkikita kami. "Oo, 'wag mo pansinin 'yun. Pangarap niya kasing palitan si satanas," natatawang sabi nito. I just laughed him too. After namin kumain doon ay hinatid na ulit ako ni Kai sa room namin. "Malandi, malandi, malandi," bungad sa akin ni Tati, sobrang lapit pa ng mukha niya sa akin kaya napaatras ako. "Duh~ papatalo ba 'ko sa inyo?" I squinted. Natawa naman siya sa sinabi ko. Noong uwian ay hindi na ako naihatid ni Kai dahil may training pa rin sila. Hinatid niya lang ako hanggang makasakay sa sasakyan ni Tatiana. "Iba rin manligaw ang isang college student 'no!" Pang-aasar pa sa akin ni Tati. I just shook my head and laughed. "May hatakan pang naganap kanina, hatakin mo rin ako koya Kaiden," she sounded nagnanasa. I glared at her. "Sumbong kita sa jowa mo, haliparot ka!" "Ito naman hindi mabiro," agad naman siyang natawa saka tumahimik. Sa totoo lang puwede naman akong maghintay doon sa training area ni Kai, kaso I need to practice my speech pa for tomorrow. "Oh Hi, ate Naya!" Nakasabay ko si ate Naya sa elevator. "Hello Very!" She smiled. "Kakauwi mo lang po?" I asked, dahil galing nga raw ito sa outing sabi ni Navi. "Ah, oo," she smiled. Hinagis ko ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina para kumuha ng makakain. I'll start doing my speech na, ngayon ko lang ito gagawin dahil maikli lang naman ang kailangan. "Good day to each and everyone. I am Avery Far—" I was cut off. "Ang pangit, Avery! You smile okay?" Pagkausap ko sa sarili ko. Nakaharap ako ngayon sa floor mirror ko habang pinapractice ang speech. "Okay, isa pa. Good day to each and everyone. I am Avery Farrah R. Valen—" Ang pangit pa rin! Naka-smile na ako pero I look mataray pa rin! Naupo muna ako sa couch para sana mag-phone, but my doorbell rang. "Hey, Avery wala ba si Navi diyan?" Nag-aalalang tanong ni ate Naya. "Huh? Wala po, bakit?" Nag-alala na rin ako. "Wala pa kasi si Navi e, kaya akala ko diyan siya dumiretso. Sige na, pasensya sa abala!" Umalis na agad si ate Naya at pumasok sa condo nila, susunod sana ako roon kaso nag-ring naman ang phone ko. It's from Navi kaya sinagot ko kaagad. "Hey, where are yo—" "Farrah! Paki-sabi kay ate. Ma-late ako ng uwi, hindi ko siya ma-chat wala akong data. I don't have pang-call and text din sa sim niya." Dere-deretsong sabi ni Navi. "O-okay, pero nasaan ka ba at anong ginagawa mo?" I worriedly asked. "Uhm, a-ano nandito ako sa classmate ko. Merienda lang kami saglit. Sige na, bye!" She ended the call immediately. Pumunta na rin ako kay ate Naya agad at sinabi sa kaniya 'yon. Bumalik ako sa sofa ko at bumuntong hininga. I checked my IG account and saw Kai's recent story. Picture 'yon ng bola at nakapatong ang isa niyang kamay doon. May caption na 'pagod' Inopen ko ang convo namin.  'pahinga ka :))' I typed, pero dinelete ko rin agad at binack na. Masyadong malandi! Dapat ay pa-hard to get ako! After no'n ay nag popped up agad ang message ni Kai. Kaiden Aslan 'Anong tina-type mo?' fuck. He saw it pala! Hindi ko na lang nireplyan ang message niya at nag-practice na ulit ng speech ko. 'Under Maintenance' Ngayon pa talaga sila nag-ayos ng elevator ha. Kung kailan tamad na tamad ako. Ganito ako palagi, nanglalata dahil sa kaba. Campaign na kasi namin mamaya. No choice kung hindi mag-hagdan na lang ako. I don't know anong floor na 'to, pero habang pababa I saw a man na naka-face mask at cap doon sa gilid, nakatayo lang siya doon. He looks suspicious. Hindi ko siya pinansin o tinignan, nilabas ko na lang ang phone ko at nag-panggap na busy doon.  Noong nakalagpas na ako sa kaniya ay saka lang ito naglakad din, binilisan ko ang lakad ko nang mapansing sumusunod ito. Patakbo na sana ako kaso bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. "Tulon—" naputol ang paghingi ko ng tulong nang hatakin niya ako palapit sa kaniya at tinakpan ang bibig ko. "f**k, Avery" Kumalma ako ng marinig ang familiar na boses, kaya naman niluwagan niya na rin ang pagkakahawak sa akin. Tinanggal niya ang cap niya at itim na face-mask. "Dumbass, bakit kasi naka-ganiyan ka. You look suspicious kaya!" Hinampas ko nang mahina ang dibdib ni Kai. He chuckled. "Sorry, natakot pala kita binibini ko." Natatawang sabi niya. Umismid ako at naunang naglakad. Binibini your face! Hinatid niya lang ako hanggang sa tapat ng senior high building. "Goodluck," I giggled when I felt his breath against my ears, pabulong niya kasi sinabi 'yon. Umakyat na ako sa room at inilabas ang paper para mag-practice pa ng speech. "Ready ka na?" Tumabi sa akin si Tati. "Yeah, walang choice kung hindi maging ready." I shrugged. Natawa naman siya sa akin, at nag-practice na lang din ng speech niya. Maya-maya lang ay pinatawag na ang partido namin para mag-start na ng campaign. Medyo paguran ito dahil may anim na section kada grade level. Kaya isang araw talaga per party list. Nag-start na kami sa grade seven and eight. "Good day to each and everyone. I am Avery Farrah R. Valencia. So uhm, according to Napoleon Hill, the starting point of all achievements is desire." I paused, saka nag-smile. "And I have it, I have this desire to be of help to all of you. So if you will give me the chance to be your grade 12 representative, I promise that we will all work together to reach our dreams. Thank you and God bless us all." Simpleng pahayag ko sa speech ko, saka ngumiti ulit. I'm trying to look nice, kaya dapat ay nakangiti talaga lagi. Nagpalakpakan naman ang lahat, kaya gumaan na ang pakiramdam ko. "Ate, crush ka po nito." Tumuro 'yung grade eight na lalaki sa katabi niya. Ngumiti lang ako sa kanila. Last section muna ito at break time muna namin. "Woohh, two levels down, four to go." Tamad na approach ni Tati sa akin, sinandal niya pa ang ulo niya sa balikat ko habang naglalakad kami. "Yup, at matatapos na rin."  Dito kami sa room na vacant na ginagamit namin every meeting pumunta. Maghapon kasing magkakasama lang ang mga magkaka-partido kapag campaign day nila. "Tati, I'll buy drinks lang ha." Tumayo ako at nag paalam sa kaniya. Sinenyas niya lang ang kamay niya, dahil busy itong nakaupo sa tapat ng aircon. Doon inilalabas ang pagod niya. Kakalabas ko pa lang ng room nang may tumapat na tubig sa harapan ko. "Water," abot ni Kai ng three bottles ng tubig. "K-kai, ang dami naman." Gulat na sabi ko. "Para hanggang mamaya." He smiled. "Hoy bilisan mo diyan malanding leon, hinahanap na tayo." Sigaw sa kaniya ni Latrell. Umalis na rin tuloy kaagad si Kai. "Tati oh," inabot ko kay Tatiana ang isang bottle. "Bilis mo naman," nagtatakang sabi niya habang binubuksan 'yung bottle. "May nag-deliver e." Binuksan ko na rin 'yung akin at itinabi muna 'yung isa doon sa bag ko. She chuckled and shook her head. Natapos na rin ang campaign namin sa grade 9, 10, 11, at 'yung ibang section ng grade 12. Last na rito sa section namin, finally! "That would be all. Please vote straight, vote for Prime Party," pagtatapos ni Tatiana.  Siya na rin ang last na nagsalita kaya nagpalakpakan at naghiyawan naman ang mga baliw naming kaklase. "Vote niyo sila guys. Lalo si Avery! Avery very nice 'yan promise!" Sigaw pa ni Shaun doon. Nakakahiya siya, wtf. "Tapos na Tati!!" I hugged Tatiana. "'Wag ka masyadong magpakasaya we have meeting de avance pa sa Friday before votings." Natatawang sabi niya. Hindi ko na gaanong iniisip 'yon dahil usually, higher positions lang ang tinatanong doon. "Babe, Avery. Halika kayo sa baba," pag-aya sa amin ni Cleo. Hingal na hingal pa siya. Pagbaba namin nakita namin ang kumpulan ng mga estudyante doon sa isang gilid. Nakisingit kami ni Tati at nagulat ako sa nakita ko doon... Si Kaiden at Latrell, may poster pa sila sa ibaba. 'Vote for Avery Farrah R. Valencia = Free hug to Captain Latrell' "What the hell, Avery." Tawang tawa na sabi ni Tati. Natatawa rin ako doon sa dalawa. Si Kaiden ang nakikipag-usap at nagpapamigay ng flyers sa mga estudyante, nasa gilid naman si Latrell at nakaupo, halatang naiinis na kay Kaiden.  Si Latrell pala ang Captainball nila. Gwapo rin naman talaga 'tong si Latrell. Natatawa lang ako, dahil ang kinababaliwan nilang Captain ay sunud-sunuran lang kay Kaiden. Nagtama ang tingin namin ni Kai kaya kininditan niya ako. Natawa naman ako sa kaniya at napailing. Maya-maya lang ay kumonti na rin ang students dahil uwian na. Nagligpit na rin 'yung dalawa doon. "Ayos ba," tumakbo sa akin si Kaiden at nakangiti. "Lakas niyo naman," natatawa kong sabi sa kaniya.  "Ewan ko na lang Avery kung matalo ka pa," sumunod din sa amin si Latrell. Natawa lang ako sa kaniya. "Thank you sa inyo ha." I sincerely said. "Basta para sa 'yo," banat ni Kaiden. "Basta para sa 'yo, 'kala mo talaga siya 'yung naghirap doon e," singhal naman ni Latrell. Pinagtawanan lang siya ni Kai. "Palit lang ako damit malanding leon, asim ko na. Asim nang mga yumakap sa 'kin." Reklamo ni Latrell saka tumakbo. "Wala namang bago tol," sigaw ni Kaiden sa kaniya. Hinatid lang ulit ako ni Kaiden kay Tati at bumalik na sa training niya. Hindi ko siya mahihintay dahil napagod ako kanina. "Look," tawang-tawa na ipinakita sa akin ni Tati 'yung picture nila Kaiden kanina. Kinuha ko 'yon at zinoom sa mukha ni Kai, halatang halata na inaamo niya 'yung mga estudyante. Cute. Tawang-tawa kami doon ni Tati sa sasakyan habang tinitignan 'yong iba pang mga litrato. Pagdating sa condo ay namahinga lang ako sandali at nag-halfbath na, saka ibinagsak ang katawan sa kama ko. Lumipas ang dalawang araw. Patuloy lang ang panliligaw ni Kai, magdadala food sa akin at hahatid ako kay Tati. Minsan naman ay dinadala niya ulit ako sa cafeteria ng building nila. "Goodluck mamaya Tatiana, sure na ikaw ang gigisahin doon pati 'yong mga katapat mo na President." Paalala ko kay Tati, dahil mamaya ay meeting de avance na at votings after. "Leave this to me, love" Kumindat naman si Tati. Well, tiwala naman akong kayang-kaya niya 'yon.  Nag-ayos na kami ni Tati at nag-proceed na sa may quadrangle, doon gaganapin ang meeting de avance. "So this question is for the grade 12 representatives." Sabi no'ng SC moderator. Nandito kaming tatlong partido sa stage, habang nanonood ang mga high school at college students. Nandito rin ang college dahil SC naman nila ang mag-gaganito after namin. Nanlamig ang katawan ko nang marinig ang position ko mula sa moderator. Pero isa lang naman ito dahil hindi naman mataas ang position namin, kanina sila Tatiana ang nakareceive ng maraming tanong. "So you guys said that all of you are loyal to our beloved institution, right?" Panimula ni Ma'am Estelita, the moderator. "So the question is, if you were given the opportunity to change one rule of our school, what would it be and why?"  Naunang sumagot ang dalawang partido, puro about sa pagdadala ng phone at sa pagsuot ng uniform ang isinagot nila. Nawala na rin ang kaba ko nang makaisip na ako ng isasagot ko. "Now, let's hear the answer of grade 12 representative from Prime Party," tumingin sa akin si Ma'am Estelita. Bago sumagot ay nakita ko pa si Tati na sumenyas ng go, nagtama din ang mga mata namin ni Kai. "Kaya mo 'yan," he mouthed. Ngumiti ako saka sumagot. "If I were given the opportunity to change one rule of our school, I would change nothing," lahat sila ay nagulat sa sagot ko, even Tati. Napasapo pa siya sa noo niya dahil akala niya ay ipapahiya ko ang partido namin. Kalma Tatiana. "As you mentioned earlier, Ma'am Estelita." Tumingin ako kay Ma'am. "All of us said that we are loyal to our beloved school, right?" Tanong ko sa kaniya, at tumango naman ito. "So kung loyal po talaga kami, wala po dapat kaming baguhin. Kahit anong rule mayroon ang ating paaralan, nararapat lamang na sundin at mahalin namin iyon" Huminto ako sandali. "As a show of loyalty that we're saying, as well as respect to the founder of this school. That's all thank you." Pagtatapos ko, saka umupo.  Narinig ko ang malakas na sigawan at palakpakan, humarap din sa akin si Tati na pumapalakpak. Sumilip naman ako sa gawi ni Kai at nakita kong binabatukan na siya doon ni Latrell. "OMG, my baby!! You're so good kanina!! Kahit ako ay hindi ko naisip 'yon!" Tuwang tuwa na sabi ni Tati, nakayakap pa siya sa waist ko. Marami ring kaklase namin ang bumati sa akin dahil doon. Hindi ko pa nakikita si Kai hanggang sa mag-announce na ng mga nanalo. Halos lahat kami sa partido namin ay nanalo. And yes, si Tati ang President of course.  Pinakilala lang kaming newly elected officers doon sa stage, saka nag-dismiss ng klase. "Congrats," salubong sa akin ni Kai sabay abot ng snacks na isang plastic. "Thank you," I smiled. "Oy Very, congrats!" Hingal na bati ni Latrell dahil galing pa siya sa kung saan. "Thank you Latrell!" Masayang sabi ko. "Wala bang hug diyan, 'yon 'ata nagpanalo sa 'yo." Pabirong sabi niya. Tinutukoy niya 'yung ginawa nila ni Kai last time. "Tangina mo, umalis ka na nga." Inis na sabi naman ni Kai. "Kalmahan mo lang leon," natatawang sagot ni Latrell. He waved his hand to us, saka umalis. "Hatid kita sa condo mo," sabi ni Kai. "Huh? Wala ka bang training," nagtatakang tanong ko. "Sunod na lang ako." He seriously said. I texted Tati na lang dahil nakaladkad nanaman ako ni Kai rito sa car niya. "Galing mo kanina," sabi ni Kai sa likod ko, habang binubuksan ko ang door ng condo. "Syempre," I boasted. Inilapag niya 'yung bag ko doon sa sofa, dahil siya ang nag-presentang magbitbit no'n kanina. Dumiretso naman ako sa kusina para uminom ng tubig.  "Ganda mo talaga 'no?" Kai seriously said while deeply looking at my eyes. Napangiti lang ako at lumapit sa kaniya, sinusundan niya lang ako ng mga tingin niya. Nagulat ako ng bigla niya akong iatras sa may pader, matagal kaming nakatingin sa isa't isa doon. Ramdam ko ang paghinga niya sa may tapat ng mukha ko dahil sa sobrang lapit nito. "Damn, stop it already Avery," wika nito sabay baon ng mukha niya sa may balikat ko. "H-hey, alin ang i-stop ko?" Nagtatakang tanong ko, habang dahan dahan siyang nilalayo sa akin. He stared at me and shook his head saka tuluyang lumayo. "Nag-gigitara ka pala?" Pag-iba niya sa topic namin.  "M-medyo," I stuttered, dahil hindi pa ako naka get over sa nangyari kanina!  He ignored me at kinuha na lang 'yung gitara na nandoon sa gilid. He sat on my single couch and started to strum, samantalang ako ay na-stuck na doon sa pader habang pinapakinggan siya. Naka-focus lang siya roon sa gitara habang kumakanta. To be honest, ang ganda ng boses niya! "I won't let these little things slip out of my mouth, But if I do, it's you, Oh, it's you, they add up to~" He paused saka inilipat sa akin ang tingin. "I'm in love with you~" pagkanta niya habang malalim na nakatingin sa akin.  After no'n ay muli niyang binalik ang tingin sa gitara. "And all these little things." He strummed as he ended the song. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD