Chapter 9

3307 Words
Papungas-pungas akong bumangon, when I heard my doorbell rang consecutively. I looked at the wall clock, and for heaven's sake, it's just 5:00 in the morning. "Knock, knock" I heard Navi's voice no'ng nasa tapat ng ako ng pintuan. Ano naman ang ginagawa niya rito ng ganito kaaga? "H-hi, did I disturb your sleep ba?" She asked, holding her pillow, kinukusot pa ang mata. Mukhang kahit siya ay antok na antok pa rin. "No Navs, come in," pinapasok ko siya at dumiretso na ako sa loob. Siya na ang nagsara ng pinto. "Sorry, maaga kasi umalis si ate. Hindi na ako makatulog kaya pumunta ako rito." She explained. She's hugging her pillow, while sitting on my egg chair. "It's fine, saan daw punta si ate Naya?" I asked. "Outing with her co-workers," she answered, nakapikit na ang mga mata nito. "Okay, you sleep na doon sa bedroom ko."  Hinatid ko siya doon at inayos ang pagkaka-kumot sa kaniya. Naupo lang ako sa tabi niya hanggang sa makatulog na siya ulit. Hindi na ako natulog dahil inaya ako ngayon mag-jogging ni Dean. I drink coffee lang and took a halfbath. I wore cream spaghetti strap tank crop top, and a black nike leggings. I also wore black jacket, leaving it unzipped. Malamig pa naman kasi. Sinuot ko na rin ang black and white running shoes ko. "Baby, you want to come with me ba?" I gently wake Navya. She just shook her head at tumalikod sa akin. "I'll leave muna ha, may jogging kami ni Dean." Pagpapaalam ko. She just nodded, and raised her hand, gesturing me to leave. "Okay, sleeptight. I'll be back." Hindi na siya sumagot kaya umalis na ako. I cooked fried rice, scrambled egg and hotdog earlier. Tinakpan ko 'yon doon sa counter table ko. Nag-iwan din ako ng note. 'eat this my baby </3' "Saan ka na ba?" I asked Dean on my phone. "Kanina pa ako rito sa labas, sabi mo 6AM!" Inis na sabi ko. "Sorry na boss, na-traffic lang sandali." Bakas sa tono niya ang pag-aalala. I ended the call at naghintay na lang doon sandali. "He's really into you ha," Hingal na sabi ni Dean, dahil kakatapos lang namin ng tatlong run. "Think so," I answered and drink my water. I told him what happened kasi doon sa celebration nina Tati and Cleo. Inabutan ko rin siya ng isang bottle dahil sa akin pa siya nagpadala. Parang bata talaga. "Thanks," ininom niya 'yong tubig, halos maubos niya agad 'yon sa sobrang uhaw. Nag-jogging pa kami ng ilang ikot doon bago pumunta sa isang cafe para mag-breakfast. I also removed my jacket, revealing too much skin of mine dahil sa suot kong panloob. Nagulat ako nang kunin ni Dean sa akin ang jacket ko at isinuot ulit sa akin. "Suot mo," he glared at me. "Mainit na e!" Ngumuso ako sa kaniya. He sighed, saka tumango na lang. Accepting his defeat. "I'll tell everything muna kila lolo at lola, bago ako magdecide about Kaiden." I said, sabay subo sa pancake ko. "Okay good. Dalaga na talaga Avery ko," he sighed. I rolled my eyes on him. Natawa naman kami parehas after. "Kumusta nga pala si lola Lina," he asked. Nandito kami sa elevator, he'll visit muna raw sa condo ko. "Okay naman na siya, I'll visit her tomorrow. You want to come?" I said, saka naunang luamabas ng elevator. "Sorry pass muna ulit," he said, nakabuntot lang siya sa likod ko habang binubuksan ko ang condo ko. "Okay, malapit na magtampo niyan sa 'yo sila Lola sige ka," I squinted. I saw how worried his face is. Natawa naman ako sa kaniya. "Joke lang." "Kuya Dean!!!" Masiglang bati ni Navi kay Dean, ngayon lang din kasi sila nagkita nito ulit. "Hello Navya, kumusta?" Nakangiting bati naman ni Dean kay Navi. "Oks lang," she simply answered. Naghuhugas siya doon ng pinag-kainan niya. "Good, how 'bout Dennise. Okay lang ba siya sa school?" Dean asked, saka pinatong sa center table ko ang dala niyang bag at naupo ulit doon sa egg chair ko. Favorite spot niya. I was confused about his question naman. "Classmate ba sila?" I asked Dean. "Yes," he simply answered. "Nakakatampo ka naman Kuya Dean, ako ang nandito pero iba ang hinahanap mo." Malungkot na sabi ni Navya habang nagpupunas ng kamay at naupo naman doon sa single couch na katapat lang no'ng egg chair. I laughed at her jealous face. "Sorry na. 'Wag ka mag-alala ikaw lang ang baby namin ni ate Avery mo." He gave Navya a reassuring smile. "Sure 'yan ha," Lumiwanag naman sa tuwa ang mukha niya. "Anyways Dennise is good naman. Laging active, halatang inspired." She winked at Dean. "Magaling kasi mag-care ang jowa kaya siguro ganoon 'yon." Pag-sapaw ko sa kanila. "Syempre, baka Dean 'to!" Mayabang na sabi ni Dean at humampas pa sa may dibdib niya. Navya and I laughed at him.  After umalis ni Dean, saka lang ako nakaligo. Bumalik muna si Navya sa condo nila para maligo na rin, may date raw sila mamaya ni Gab. "Nasa baba na ba si Gab?" I asked Navi, nagpapaalam na kasi sa akin ito na aalis na siya. "Ah, o-oo n-nandoon na siya," she looks nervous. "Wait, hatid kita." I was about to close my door, when Navi stopped me. "A-ano, hindi na ate Farrah, nandoon naman na si Gab," she smiled, pero halatang forced lang iyon. She gently pushed me inside my condo. Siya na rin ang nagsara ng door, para hindi na ako makapagsalita. Narinig ko na rin na tumakbo na siya papuntang elevator. Wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lang. I just cleaned my condo, wala naman kasi akong ibang gagawin. "How's Gian kaya?" I asked myself habang nakatingin sa vanity mirror ko. Why am I even thinking about that bastard? I'm just a little bit worried, mukhang hanggang ngayon ay tulog pa 'yon dahil sa sobrang lasing. Kung ano kasing ipinula ng mukha ni Kaiden ay doble ang sa kaniya. Napailing na lang ako at lumabas na ng kwarto. I stared at my counter table, remembering our scene there kagabi. 'Gustong-gusto na kita, tangina' paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang mga katagang 'yon habang nakatitig pa rin ako doon sa counter table. Natigil lang ako ng may mag-doorbell. "H-hey love love," nagulat ako sa biglaang pagpunta ni Tatiana. Kasama niya rin Cleo, na nagtatago sa likod niya. "Hey, tuloy kayo," sakto kakatapos ko lang maglinis kanina. Naupo sila doon sa may sofa, tahimik pa rin si Cleo. "Juice," I placed two glasses of juice doon sa center table, saka naupo sa single couch. They are not talking, nagsisikuhan lang sila doon. "So, ano meron?" Ako na ang bumasag sa katahimikan. "Ano kasi, Cleo wants to tell you something," Tati answered. Siniko pa siya ni Cleo at bumubulong na si Tati na lang ang magsabi. "What's that Cleo?" I directly asked him. Sabi ni Tati siya ang may gusto sabihin, so siya dapat ang magsalita. Napaayos ito ng upo nang marinig ang pangalan niya. "Ano kasi, sorry sa nangyari kagabi. 'Yong kay Gian, hindi ko naman kasi alam na gaganunin ka niya. Akala ko gusto niya lang talaga makipag-kaibigan." He explained. "Ah, 'yon ba. Wala sa akin 'yon, 'wag ka na mag-sorry. Paano niyo nga pala nalaman." I asked, hindi ko naman kasi sinabi sa kanila iyon. "Kaiden texted me." Tatiana simply answered. I nodded. Sabi ko 'wag niya na sabihin e, kulit! "Sorry ulit Avery ha," Cleo said habang nakayuko. "Don't worry hindi mo naman kasalanan. Just tell him to learn how to have some respect ha," I simply said. Ayoko na rin kasi lumaki ang issue na 'yon. Mabilis na tumango si Cleo. "Isa pa, tapos naman na 'yon. Napatumba naman siya ni Kai," natatawang sabi ko sa kanila. "How's Kaiden nga pala kagabi?" Tatiana asked. "Okay naman, tipsy lang." I answered, sabay inom din sa juice ko. "Really? OMG!" She looks amazed, at dere-deretsong ininom 'yong juice. "How about Gian?" I asked. "He f*****g passed out," natatawang sagot naman ni Cleo.  "Yeah, everyone's trying to wake him up, pero tulog na tulog na siya. Sinasampal sampal na rin siya ng mga kaibigan niya pero wala pa rin," tawang-tawa na sabi ni Tati. "For real?" I was shocked. I saw Cleo nodded. "OmyGod!" Gulat na sabi ko, napatakip pa sa bibig. "Your man was strong huh," Tatiana meaningfully looked at me. I just shook my head while laughing. Maya-maya lang ay umalis na rin 'yong dalawa. I did my usual night routine at nahiga na. Matutulog ako ng maaga para maaga rin ako makauwi kila lola. A message popped up at the lock screen of my phone. It was from Kai. From: Kaiden Fuentes  'goodnight </3' Napatitig lang ako doon at hindi na nag-reply. Bakit bigla-bigla nanamang napapa-text 'yon? I just wore a white ripped shorts and blue fitted polo crop top, partnered also with my blue flat sandals. Nagbook lang ulit ako sa grab papuntang Bulacan. "Hey, kuya Jayden," nagulat ako nang biglang tumawag ang pinsan ko via FaceTime. Madalang ko lang kasi itong makausap. "Wazzup Av, nabalitaan ko kasi nangyari kay lola. Papunta ka ba doon ngayon?" He asked nang mapansing nasa sasakyan ako. "Uhm, yeah." I casually answered. "That's good, ikumusta mo na lang ako ha!" Bilin niya. "Yeah, sure." I smiled. "Sige na, ingat ka ha!" Bilin pa ulit nito. I just nodded and ended the call. It took me almost one and a half hour bago makarating kila Lola, mabilis na 'yon compare sa ibang byahe. "Avery apo, mabuti naman at nakarating ka na." Sinalubong ako ni lolo sa pinto at niyakap. "Opo lolo, mabilis lang din po kasi talaga ang naging byahe," I smilingly answered. "Ah, mabuti pala kung ganoon, halika rito sa kusina saktong-sakto at patapos na magluto ang lola mo." I smiled when I heard that Lola was cooking, it only means that she's doing good. "Hello lola," I hugged her from the back, may hinahalo kasi siya doon sa isang cooking pot. "Ay, nandito na pala ang apo ko. Alis ka muna apo, pawis pa si lola," she happily said while mixing pa rin. "Ayaw ko nga po!" I tightened my hug on her. "Ikaw talaga," she laughed. Tumulong na rin ako sa kanila sa pag-aahin. I'm so happy, kasi sabay-sabay ulit kaming kakain. "Kumusta ka po lola? Ano na pong nararamdaman niyo? May masakit pa po ba sa inyo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. "Ayos lang ako apo, siguro nahilo lang ako no'ng nakaraan dahil a sobrang init," she smiled. "Ahh, pinapa-kumusta ka rin po pala ni Kuya Jayden," I said, sabay subo ng rice. "Kayo talagang mga apo ko! Sabihin mo kay Jayden maayos na maayos ang lola niya," she laughed. "Makakarating po lola," I smiled. "Pero lola, ayaw mo po bang mag pa-check up?" Tanong ko ulit. "Nako apo hindi na, simpleng hilo lang 'yun dahil sa init ng panahon." Umiiling-iling pa siya. "Sure po kayo lola ha? Kapag po naulit 'yon, hindi na po ako magdadalawang isip na dalhin ka po sa hospital." I worriedly said. She just nodded. "Naku apo, kung alam mo lang gaano kakulit 'yan. Ilang beses ko rin siyang pinilit na magpa-check up, pero ayaw niya." My lolo said. "Nako lola ha. Basta deal po tayo roon ha, kapag po naulit 'yon papa-check up ka na po." Bilin ko sa kaniya. She just nodded and laughed. We're just peacefully eating. Gusto ko na sabihin sa kanila. "Lolo, lola," panimula ko. Parehas naman silang napahinto sa pagkain at tumingin sa akin. "A-ano po kasi," s**t, hindi ko alam paano sisimulan. "Ano 'yun apo?" My lolo curiously asked. Lola's waiting too. "Last time, about two months ago, specifically. I met a guy," I paused, waiting for their reaction but they're just waiting for me too to talk. I sighed and continue talking, "si Kaiden po, 'yung nagpunta po here last time." "Anong meron sa kaniya apo?" Lola asked, dahil sa sobrang bagal ko magsalita. "Mabait ang batang 'yon, halata ko sa kaniya." Singit naman ni lolo. "Really po?" I asked him. He just nodded, so I have no choice but to continue what I've started to say. "He wants to ano po, to court me. Manligaw po ganoon, manligaw," I don't know alam kong paulit-ulit na ang sinasabi ko sa kanila. Both of them laughed at me. So I looked confused. "Bakit po kayo tumatawa?" I curiously asked them. "Noong nakaraang linggo kasi ay pumunta siya rito, mga bandang gabi na nga iyon." My lolo said. "Oo, saka doon niya sinabi sa amin na gusto ka niyang ligawan. Sa amin siya unang nagsabi, hinihintay ka na lang namin ng lolo mo kung kailan mo sasabihin sa amin." Nakangiting dugtong naman ni lola. I just stared at them, slack-jawed. "T-talaga po, g-ginawa ni Kaiden 'yon?" Nagtatakang tanong ko. I never expect that man to do such thing.  Isa lang ang masasabi ko. He is a man, indeed. They just both laughed at me. "Lolo, lola, ano pong gagawin ko?" I asked them. Ngayon ko pa lang kasi na-experience ang ganitong bagay, kahit isang knowledge tungkol sa ganito ay wala akong alam. "Apo, nasa iyo ang desisyon. Ang masasabi ko lang ay sundin mo ang nararamdaman mo, pero siguraduhin mong 'wag puro puso ang paiiralin. Gumamit ka rin nito," inilagay ni lola ang index finger niya sa forehead ko. I just nodded. I totally have nothing to say. "Apo, alam namin nahihirapan ka dahil wala ka pang karanasan sa ganiyang bagay. Pero alam mo, kita ko ang sinseridad ni Kaiden, bihira na sa panahon ngayon ang lalaking magpapaalam muna bago manligaw dahil iba na ang henerasyon ninyo ngayon kaysa noon sa amin." Sabi naman ng lolo ko, nakikinig lang akong mabuti sa kaniya. "Isa pa, hindi ka na bata Avery. Malapit ka na rin naman mag-18 hindi ba? Kaya wala kaming nakikitang mali ng lola mo tungkol sa bagay na 'yon." Dugtong pa ni lolo. I just sighed and looked down on my food. "Hay, ang apo naman dati iyakin lang, ngayon ay may manliligaw na. Tandaan mo lang ang sinabi namin ng lolo mo ha, nasa iyo ang huling salita apo." Bilin pa ni lola. "'Wag ka na matakot at mangamba Avery, papakulong natin si Kaiden kapag sinaktan ka niya." Natatawang sabi pa ni lolo. I stood up and hugged both of them. Pagkatapos ng dramahan namin doon ay ngpatuloy na kami sa pagkain. Umakyat muna rin ako sa room ko to take a nap bago umuwi. I sighed as I lay on my bed. Pinikit ko na lang din ang mga mata ko. Desidido na ako, wala naman sigurong masama kung susubok ako, hindi ba? Nagising ako dahil sa ring ng cellphone ko na nasa tabi ko lang. Sinagot ko na lang iyon nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag, dahil inaantok pa ako. "Sunduin kita, kanina pa kita tine-text pero hindi ka sumasagot," Kaiden said. Napaupo ako dahil sa gulat. "H-ha? Nasaan ka na ba?" I stuttered. "Nandito sa sala niyo," he laughingly said. "W-what?"  Agad-agad akong tumayo at inend na ang call. I went straight to bathroom to wash my face. Inayos ko na rin ang suot ko. Dahan-dahan akong bumaba, natanawan ko naman silang tatlo doon na nag-uusap.  Tahimik akong lumiliko sa kusina namin para sana uminom muna ng tubig. Halos lakad magnanakaw na ako para hindi na nila ako mapansin. "Nandyan ka na pala," Kaiden noticed me. Napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa may sala. Lahat sila ngayon ay nakatingin na sa akin. "A-ano, inom lang ako tubig." I nervously said, saka tumakbo na papunta sa kusina. Narinig ko pa ang tawa nina lolo at lola. Nagsalin ako ng isang basong tubig at deretsong ininom 'yon. I also checked my phone, nakita ko nga doon ang 10 unread messages at 2 missed calls ni Kaiden. "Apo, Avery, hahatid ka na raw ni Kaiden pauwi," lola said, bakas sa mukha niya ang pang-aasar. "A-ah, o-opo," utal pa Avery! "Ano Kai, kunin ko lang gamit ko ha." Umakyat ulit ako para kuhanin ang bag ko sa taas, naiwan ko 'yon kanina dahil sa sobrang panic sa pagdating ni Kaiden. "Sige na po lolo, lola, una na po kami!" I waved my hands to them. Namumula at nagsisikuhan pa silang dalawa doon dahil sa kilig. "Ih, lolo at lola naman e!" Pabulong na sabi ko sa kanila. "O sige na sige na," ginaya ni lola ang pagbulong ko sa kanila. "Ingat kayo ha," malakas na sabi naman ni lolo. "Ingatan mo apo namin ha," makahulugang bilin nito kay Kaiden. Ngumiti naman si Kai saka tumango, umalis na kami doon at sumakay na sa sasakyan niya. "How are you?" I asked, while looking at him. "Okay lang, ikaw?" He answered without looking at me, naka-focus sa pagda-drive. "Tulad sa 'yo," I answered and turned my gaze in front of me. I heard him chuckled. Tahimik lang kami roon, paminsan-minsan ay tumitingin ako kay Kaiden, kapag naman titingin ito ay aalisin ko naman ang tingin ko, kaya natatawa ito sa akin. I glanced at him again. "Crush mo siguro ako," he playfully said. I just rolled my eyes, kaya tawang-tawa siya lalo. Naabutan kami ng red traffic light, kaya nakahinto pa ang sasakyan. Nakapangalumbaba si Kaiden doon sa may gilid habang nakatingin din doon sa bintana. I took my phone out of my bag, saka inopen ang camera. Pasimple kong pinicturan si Kaiden. "Ano 'yun?" He asked nang marinig ang sound ng camera ko. Ipapahamak pa ako ng phone na 'to! "A-ano, pinicturan ko lang 'yung view." Palusot ko. He just nodded and chuckled. Buti naman. I dropped my body on my sofa, saka kinuha ang phone ko. 'BEAU </3'  I typed my caption. I'll put Kaiden's photo on my IG story, naka motion blurred iyon. I closed my eyes, matagal ko ring pinag-isipan ang lahat ng 'to. I heard a lot of notifications, from my IG. Tatiana Fay 'yon naman pala, pakipot pa' 'tanggi tanggi pa, mahuhulog din naman pala' Dean Jayce 'congrats bebe ko :))' 'sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka ha, katayin ko etits niyan' Obviously, I have the most paranoid and abnormal friends. Kung mga makapagsalita, e manliligaw pa lang naman. I ignored them muna. I went straight to my bedroom to turn on the aircon, para malamig na mamaya pagpasok ko. I took a halfbath and simply wore a white tube and red dolphin shorts, sobrang ikli at fit no'n sa akin, dahil dito ako comfortable matulog. I was about to enter my room when my doorbell rang. Maybe it's Navi. "Nav—" "K-Kai, w-what are you doing here?" Bigla na lang siyang sumulpot dito. Hindi ito nakapagsalita at tinignan lang ako mula ulo hanggang paa, kaya napatingin rin ako sa sarili ko. "s**t, c-come in. I'll change lang, wai—" Nagulat ako nang sumunod ito at hinatak ako. Narinig ko rin ang malakas na pagsara ng pinto, saka niya ako isinandal doon. "W-what are you doing, Kai?" Sobrang lapit niya sa akin kaya naman tinutulak ko siya, kaso masyado siyang malakas para maitulak ko. Yumuko ito ng nakapikit at lumayo. "Sorry, Av," wika nito. "'Yung s-story mo...." Nakayuko pa ring sabi nito. "W-what about my story?" Hindi na rin ako makatingin ng deretso sa kaniya. "Gusto kong marinig ng personal sa 'yo," tumingin ito sa akin, pero nakaiwas pa rin ako. Ano ba 'to, hindi lang pala friends ko ang paranoid. Ganito ba talaga? Kailangan ba talagang i-announce mismo sa suitor mo na pumapayag ka na magpaligaw? I gave hint naman na a! Matic na sa kaniya dapat 'yon! Lumapit ako sa kaniya, at tinignan siya ng deretso sa mga mata niya. Nagulat naman siya ginawa ko. "Mr. Fuentes, I am allowing you to court me." **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD