Chapter 6

3429 Words
"Selecta walang lasa, pangit pa nagtitinda~" Tati sang, using the tune of the selecta cart. Papunta kami roon ngayon since we both want an ice cream, para naman malamigan kami.  Super init ngayon dito sa labas, kahit nasa waiting shed kami sa tapat ng school ay para pa rin kaming sinusunog. Naririnig ko pa nga ang iba kong schoolmates na practice raw 'to sa hell. Mga assholes. "Hey what are you singing, Tati! It's too annoying, and baka marinig ka pa ng vendor o!" I scolded her. Too annoying naman kasi talaga and baka ma-offend pa ang vendor kung marinig ang kinakanta niya. Kaming dalawa lang din ang magkasama. Cleo was absent, ngayon daw kasi ito magpapalagay ng braces. Okay naman ang upper teeth niya e, sa lower 'ata may problem. "Hey, hindi mo ba alam 'yon? Me and my neighbor friends used to sing that, when we were still a kid!" She explained. Another thing na pinag-kaiba namin ni Tati. She really had an unforgettable childhood memories. Marami siyang nakakalaro na kapitbahay niya at kung ano-ano pa. While me, I didn't experience anything from that. I only stayed inside our house, and sometimes doon sa tapat ng house namin pero hindi ako lumalabas ng gate. I used to play lang with my yaya. Watering our flowers, lie down on the grass and ride the swing, halos 'yan lang ang ginagawa ko noon palagi.  We used to have one yaya in our house, but my lolo and lola decided to fire her when I left that house. "Avery, apo.. ayaw mo bang lumabas?" My lolo asked me habang nagduduyan sa swing namin. My six year old me shook her head and smiled. "Osige, tawagin mo lang kami ni lola kapag may gusto ka ha!"  My lolo said and sat on our rattan garden bench, para bantayan ako. He's just sitting there while reading a magazine and drinking his coffee. My lola's preparing our food naman. Eversince my parents died nawalan na ako ng gana sa mga ganoong bagay. I chose to live alone and hide myself in my gloomy past. Kaya rin hindi talaga malawak ang social life ko. We're now sitting here sa loob ng sasakyan nila Tati, while eating my ice cream as I reminisced those memories of mine. "Punta ako sa inyo Tati," I told Tati. I want to visit Tita Felyn naman. "Sige!! Kuya pa-deretso po sa bahay." She commanded. Her driver just nodded. "Buti naisipan mong dumalaw sa amin?" Her face was glowing due to happiness. "Wala lang, wala naman akong gagawin sa condo e." I simply answered. Kinakain pa rin ang ice cream ko. "Sabagay, you can visit naman sa house anytime you want. Kapag nalulungkot ka mag-isa sa condo mo, you can ask me to be there naman or if you want, ikaw ang mag-visit sa house namin ha." She suggested and continue eating her ice cream too. "Salamat, my Tatiana!" I emotionally said. "Your always welcome my baby!!" She smiled, sabay subo sa spoon nang ice cream kahit walang laman. I'm really thankful that God gave me Tatiana. She can be my everything, kahit nga hindi na ako mag-boyfriend ay okay lang, as long as I have Tatiana. Hindi man maganda ang unang meet up namin, atleast worth it lahat ang naging result. Hindi ko yata kakayanin kapag nawala pa si Tati sa akin.  "Tita Felyn!" Nagmano ako sa kaniya, then I hugged her. "Hello, Avery! Ang ganda ganda mo na lalo a! How are you, love?"  Yup, she's like Tatiana, pero si Tita Felyn naman ay 'love' lang ang tawag sa akin. She's really kind, parang naging second Mom ko na rin siya. "Okay lang po Tita! You look so gorgeous din po Tita a! Parang nagdadalaga ka pa lang po!" I complimented. Well, she's really pretty. Tatiana resembles her Mom, para silang mag-ate lang tignan. "Ay ano ka ba namang bata ka! Masyado mo akong binobola," Tita lightly slapped my shoulder. "Yes Mom, binobola ka lang niyan," singit naman ni Tati while fixing her bag doon sa green couch nila. I rolled my eyes to her. Doon kami pinaderetso ni Tita Felyn sa kitchen for merienda raw. Malaki rin ang bahay nila Tati, halos green din ang kulay dito sa loob, from their couch, walls, fake plants and carpet. Gold naman ang ibang kulay, tulad ng railings ng hagdan nila at ng frames ng picture na nakasabit sa walls. "How about you hija, wala ka bang manliligaw diyan?" Tita Felyn asked me after namin mag-usap about kay Tatiana and Cleo. Sabi na e, ako na ang kasunod! "Ay w-wala po tit—" I was cut off from speaking. "Hey anong wala! Mommy meron 'yan, si Kaiden!" Tati entered.  Bruha talaga ang isang 'to! Speaking of Kaiden. We haven't seen each other ngayong araw, kahapon pa ang last namin na kita, no'ng hinatid niya ako.  I didn't say anything to him, until we reached my condo building. Dere-deretso lang din akong umakyat noon pagkababa ng sasakyan niya. Wala rin naman siyang ibang sinabi no'n. I convinced myself na lang that he was just tired that time. Tama Avery, pagod lang si Kaiden kaya nasabi niya 'yon! "No its not official pa naman po Tita. I also don't think na serious po siya sa akin." I explained myself to Tita, then glared to Tati. I saw her laughing while eating the piece of cake in front of her. Sumingit ulit si Tati at nagkuwento ng nagkuwento about sa amin ni Kaiden. Talaga naman ang bunganga! "Pero Tita, he didn't say anything about that 'like thingy' naman po e," I explained again. "I see, pero maniwala ka sa akin. Nako hija, naranasan ko na 'yang mga ganiyang bagay. May gusto sa iyo 'yan base sa mga kuwento ni Tati and she also mentioned to me na—" She was cut off, when Tati entered again. "Mommy ano ka ba!" She snorted. I didn't interfere with them anymore, baka para sa kanilang mag-ina na lang iyon kaya umangal si Tati. I know Tati naman, walang siyang sikreto sa akin. "Osige na girls, maiwan ko na kayo diyan ha! May gagawin lang ako." Tita smiled and leave us. "You're so daldal! Nakakainis ka!" I scolded Tati. "E true naman mga sinabi ko a!" She bumped my arms. I rolled my eyes and shook my head. This girl's giving me headache. "Tati can I see your work sa part na 'to?" I asked Tati. We're doing our agreement in Physics, ang daming computation! May hindi ako gaano ma-gets so I asked her. "Here's my solution. Ask me kapag hindi mo ma-gets, I'll explain it to you ha," She gave me her solution, and continue doing her agreement too. "Thank you Tati," I took the paper and tried to learn how Tati get the answer. After a few minutes na-gets ko naman na. We just did our homework there, and talk about her relationship with Cleo. "Thank you sa time Tati!" Pagpapaalam ko. "Thank you rin love!" She smiled. "Kuya hatid mo po nang maayos bestfriend ko ha!" Utos niya sa driver niya. Tumango lang iyon at inihatid na ako. Nakapagpaalam na rin ako kay Tita Felyn kanina sa room niya na may mini office. She even asked me na roon na mag-dinner, pero I refused. Nakakahiya and also, masyado na akong gagabihin, medyo malayo rin ang bahay nila Tati sa condo ko. I waved my hand to Tati and entered the car, sa shotgun seat na rin ako pinaupo ni Tati. "Salamat po, ingat po sa pag-drive!" Paalam ko roon sa driver ni Tatiana. He just smiled at me, saka umalis na. "Hey baby what are you doing here?" Patakbo akong lumapit kay Navya nang makita siya sa tapat ng door ko. She was shocked by my appearance. I saw her thinking kung pipindutin ba ang doorbell ko or not. "W-wala, nakalimutan ko na sasabihin ko." She said at pumasok na ulit sa condo nila. She's weird. I ate my dinner and took a halfbath. I was lying down on my bed and thinking about Kaiden. Was he even serious? Anong sasabihin ko sa kaniya kapag nagkita kami? Required ba talaga na sagutin ko 'yon?  Kaiden naman! Ginugulo mo masyado ang isipan ko! "So what are you going to do?" Dean asked me nandito kami sa isang cafe ngayong morning. Wala naman kasi kaming pasok ngayon, ewan ko lang 'tong si Dean dahil siya ang nag-aya sa akin dito. He's asking me about Kaiden. I told him kasi 'yong nangyari sa amin last time. "I don't know, I have no idea to be honest. Ni hindi ko nga alam kung seryoso 'yon." I answered sabay subo ng blueberry cheesecake na inorder ni Dean. "I think he's serious, hindi na siya bata para gawin pang biro ang mga ganoong bagay Avery." He said, while deeply looking at me. Kaunti na lang talaga ay maniniwala na ako na seryoso si Kaiden. Lahat ng sinabihan ko ay pare-parehas lang ang sinasabi. "S-so you mean ba. A-ano. You really think Kaiden likes me? Ako talaga?" I stuttered, hindi ko pa naman kasi alam ang pakiramdam na magustuhan ako ng isang tao nang seryoso. "Yeah, ganoon na nga. So ano nga plano mo?" He asked again. "I don't know, hindi ko talaga alam Dean e. Kilala mo ako, eversince we became friends wala pang nagkagusto sa akin ng ganito." I seriously said to Dean. Manhid lang ba talaga ako, or am I just forcing myself to be this insensible? Napatango-tango ito saka sumubo rin ng chocolate cake niya. "Yeah, I understand you Very. Ni hindi na nga rin kita ma-visualize na may kasamang boyfriend. Pero always remember whatever may happen, nandito lang ako ha." He stopped eating and said those magical words to me.  I'm too blessed to have Dean, feeling ko may shield ako. Natapos ang araw na 'to nang hindi ko pa rin nakikita si Kai. Walang texts, call, or any paramdam. Ayoko naman mag first move, mas lalong wala akong experience sa ganoon. Except doon sa grade 6 lover ko, pero this time iba kasi e. Nasa mas matured na edad na ako, mas nalalapit na rin ako sa reality. "Okay class, continue doing your chapter 2. I'll be back," Ma'am Lyn said, saka lumabas ng room. "Hey, hey, hey!!" Biglang lipat ni Tati rito sa tabi ko. "What? Ang sabi gumawa ng research, hindi chumismis!" I scolded her. "K," she rolled her eyes. Nandito kasi ako ngayon sa ka-group ko sa research, naka circle ang mga upuan by group. There's no time for chika ni Tati, we have to focus sa research. Mamaya na ang chismis sa vacant. "Avery, check this part," Chadrick said, our leader. Matalino rin 'tong si Chad. In fact, sila ang nagtatalo ni Tati sa 1st honor. Tatiana ako of course. "Okay," I simply answered and took the paper from his hand. Naiwan pa doon sa ere ang kamay niya, kaya napatingin ako sa kaniya. "W-what? Do you need something?" I asked him. "N-no, sige na. Paki-ayos 'yan ha." He commanded. He's weird. Pero kung titignan mabuti si Chad, may itinatago pa rin itong kagwapuhan. He's wearing black specs, nakababa rin ang bangs niya na tumutusok na sa thin almond eyes nito, he also has a pointed nose and red lips. Saktuhan lang din ang height niya. He has this nerdy vibes kasi kaya hindi gaano napapansin ang looks niya. I just nodded at him and proceeds on reading the paper he gave me. Everything went well during research time. Nakatapos din kami ng isang part. May in-assign pa sa akin si Chad so I need to go to the library later para mas malawak ang pagkuhaan ko ng information. The remaining time went well too, until our dismissal came. "Love, hindi ako sasabay ha. I need to go to the library for the research." I told Tati, while putting my school stuffs inside my bag. "Napaka sipag today ha! Ayaw mo sa amin na lang gumawa?" She asked. "No na, gagawin ko lang mabilis dito." I said and smiled at her. "Okay, 'wag ka pa-gabi ha!" She instructed, may paturo-turo pa sa akin ng fingers niya. "Oo, don't worry. I'll update you!" I gave her reassuring smile. Jowa ko na nga yata talaga 'to. "Sige na una na ako Av!" Tati waved her hand, saka lumabas ng room, hinintay lang pala niya sunduin siya ni Cleo sa room. Malandi!  Speaking of Cleo, hindi ko pa pala na-iinterview ang isang 'yon about doon sa meet up nila ng Daddy ni Tati. Well, mukhang naging maayos naman, dahil okay na okay sila ni Tati ngayon. Good for them. "Magandang hapon po, for research purposes po." I talked to the librarian and showed her my ID.  Kailangan kasi ay may reason ka pa kung bakit ka pupunta rito sa library. Before kasi ay ginawa itong tambayan, so naghigpit talaga ang school pagdating dito. She just nodded, without any expression.  Sungit! "Local, local, local..there you are." I talked to myself while looking for the book I need. I just read and take notes of the important details. Ang dami ko pang kailangan hanapin for this research, kaya naka-concentrate talaga ako. "Ms. Valencia, you lock this room kapag tapos ka na. I need to go already, because we still have a meeting. Until 5PM ka lang allowed dito ha." Bilin no'ng librarian, sabay patong ng keys sa tapat ko. "Okay ma'am," I answered politely. She just nodded, expressionless pa rin. Kahit no'ng nagsasalita siya sa akin ay wala pa ring expression! Sungit! (2) "Okay we're done here Avery, padilim na o, masyado mo namang sinipagan!" I said to myself while putting the books that I used back in its bookshelf. It took me almost one and a half hour, bago matapos ang kailangan kong gawin. It's already 4:46 PM na rin, I need to go home na talaga. While carefully putting back the books, an opened drawer near the bookshelf caught my attention. Maliit lang ang pagkakabukas no'n, so I pulled it even more para makita ang nasa loob. I checked it one by one, baka may makita pa akong related sa research namin at ma-very good ako ni boss Chad.  Puro old newspaper ang nandoon, as in sobrang tagal na. Baka iniipon nila rito ang mga nagiging newspaper. I tried to open the four remaining drawers, puro newspapers nga.  Isinara ko na iyong apat at pinagpatuloy ang pagtingin sa hawak kong newspapers galing doon sa unang drawer na nakita ko. "Wala naman," sabi ko habang tinitignan pa rin isa isa.  Nahinto ako roon sa pinaka last at ibabalik ko na sana nang makita ang nasa newspaper.  Nanlamig ang buong katawan ko at kinuha iyon. Inihiwalay ko iyon sa mga kasamang newspaper, saka lumabas ng room. I almost forgot to lock the room pa. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa nagbabadya na luha. All the pains and tears came back when I saw this tragic event again. Nabalita pala ito. It was our car accident. Walang pictures namin, 'yong nakataob na sasakyan lang ang nandoon pati ang details sa pangyayari. Naglalakad lang ako sa hallway habang hawak hawak iyon at tinitignan. I even touched the picture of our car. "Mom, Dad," nanginginig na sabi ko. Nabagsak ko na ang kanang braso ko na may hawak sa newspaper. I stopped on a side due to weakness. I was holding my chest dahil sa biglaang panunumbalik ng sakit ng nakaraan ko. Nanghihina at nanginginig na rin ang mga tuhod ko. Too painful, f**k! Pero I need to go home na. I was distracted when I heard voices, pasalubong sila sa akin. Humarap na lang ako sa pader na hinintuan ko habang humihikbi pa rin. Hindi ko mapigilan, sobrang sakit! Bakit naman kasi nagtatago sila ng old newspapers dito e! "A-Avery?" I heard a familiar voice. Bakit ngayon ka pa nagpakita kung kailan ganito ang itsura ko! "Ow, sige na pre una na kami doon ha sumunod ka na lang!" I heard his teammate. "Sige sige," he simply said. "Umalis ka na K-Kaiden, uuwi na 'ko!" I said in quavering voice. "B-bakit? Anong nangyari? Sabihin mo sa akin," He's stuttering, halatang nag pa-panic siya. "W-wala, umalis ka na!" I sobbed. Ako na lang ang aalis kung ayaw niya!  I was about to walk away when I felt his hand against my left arm. I just found myself being pulled by Kaiden. I know, papunta ito sa sasakyan niya. "Now tell me, what happened?" He asked, nang makapasok kami sa sasakyan. I showed him the newspaper. It will explain everything. He took it from me, tinignan niya iyon saglit saka ibinalik ang tingin sa akin. He put the newspaper at the backseat, and faced me after. "Come here," he asked me to come near him. He hugged me through my neck. Hindi ako yumakap pabalik at ibinaon ko lang ang mukha ko sa shoulder niya. "Kai, ang sakit." 'Yon na lang ang nasabi ko habang umiiyak sa shoulder niya. "Shush," he's caressing the back of my head. Iniyak ko lang lahat ng sakit na natitira sa akin doon. "W-where are we going?" I asked him while wiping my face. "May training ka pa 'di ba?" I asked him consecutively. "Priority muna, Av." He answered, without looking at me. Hindi ko na siya sinagot at hinayaan na lang siya mag-drive doon. Ang dilim na nang makarating kami rito. Hindi ako familiar sa lugar na 'to. It's an open area, full of green grasses. Sinusundan ko lang si Kaiden. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang lake. "Upo ka," tinuro niya ang space sa tabi niya. "What are we doing here?" I asked him. Pulang pula pa rin ang mukha ko dahil sa matinding pag-iyak. "Dito ako pumupunta kapag nalulungkot ako," he simply said while looking at the lake. Nakapatong ang kamay niya sa may likod para magsilbing sandalan niya. Habang nakataas naman ang isang tuhod nito. I just looked at the lake too and waited for him to speak pa. Yakap yakap ko lang ang mga tuhod ko. "I don't know how to comfort you. I cannot say na 'okay lang 'yan' nor even 'kaya mo 'yan', Alam kong wala namang magagawa 'yon." He said, sobrang calming ng voice niya. "Thank you, sorry nakita mo pa akong ganoon." I said, while looking down on my knee. "Ang sakit nga e," napatingin ako sa kaniya. "Ngayon lang kita nakita ulit, tapos ganoon pa." He continued. Natulala lang ako sa kaniya. "Pero buti, ako ang nakakita sa'yo. Ako naman talaga dapat," he said. Still not looking at me. "I'm sorry, hindi ko kasi mapigilan 'yung sakit Kaiden e." I explained. Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi. He stared back to me. "You don't have to say sorry, Avery. Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo, dahil naranasan ko rin 'yan." He sighed, sabay alis ng tingin sa akin. "Alam mo, akala kasi natin nalagpasan na natin lahat, pero ang totoo, natutulog lang 'yung sakit na 'yon sa loob natin. Pero kung iisipin, 'yong pain na 'yon ang nagsilbing lakas natin kung bakit tayo narito ngayon." He continued while looking at the lake and next to the dark sky. Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Nanlalabo nanaman ang mga mata dahil sa patulong luha. He looked at me when he heard my sob. "Tahan na Avery ko, kanina ka pa umiiyak. Baka pumangit ka na niyan sige," He threatened me, and touch my face to wipe my tears. "I'm not even yours," I said, saka tinanggal ang kamay niya sa mukha ko para ako na ang magpunas. He chuckled, at tumingin nanaman ulit sa madilim na langit. Natahimik lang kami roon parehas habang pinagmamasdan ang mga bituin.  "What's your answer?" Pagbasag niya sa katahimikan. "What answer?" I asked him back. "'Yong sinabi ko sa'yo last time," he said, sabay ayos ng upo niya. I'm just starring at him, with my mouth slightly opened. Tama nga lahat ng sinabihan ko. Seryoso siya. "To be honest hindi ko alam," I simply answered. Natawa lang siya at napailing. Totoo naman, hindi ko talaga alam! After a few more minutes we've decided to go home na. Hinatid niya lang ako ulit sa condo ko. "Pag-isipan mo Avery ha!" Pahabol niya bago umalis. I just nodded. I am thinking about it the whole night. Anong oras na nga yata ako nakatulog. Susubukan ko ba? Susugal ba talaga ako sa isang desisyong walang kasiguraduhan? Baka sakit lang ulit? Sakit kagaya sa nakaraan ko. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD