bc

The Abandoned Wife

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
family
second chance
dominant
heir/heiress
blue collar
drama
bxg
campus
office/work place
secrets
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Beatrice was married to the man she had always dreamed of—Brandon Alvarez, the owner of the Alvarez Group of Companies.She gave him her all, her love, her loyalty, and herself.At walang pinagsisihan si Beatrice sa pagpapakasal kay Brandon, dahil ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya sa mga araw na magkasama sila. Or was everything she believed… a lie?Brandon became cold and distant all of a sudden.At isang araw, tuluyan nang gumuho ang mundo ni Beatrice nang kausapin siya ni Brandon.“Let’s end our marriage, Beatrice.”She was willing to fight for their love, their family, and every dream they had built together. But how could she fight for a marriage when her husband had already surrendered? Brandon didn’t just give up—he abandoned her. At mas masakit pa, pinadalhan siya nito ng annulment papers, may pirma na nito.With her heart in pieces, she signed the papers, letting go of everything they once dreamed of.Makalipas ang ilang taon, ipinagdasal niyang sana’y hindi na muling magtagpo ang landas nila. Pero masyadong mapaglaro ang tadhana.Fate brought Brandon and Beatrice together once again.And when he discovers the truth, he will do everything to win her back.But can an abandoned wife forgive the man who shattered her world?

chap-preview
Free preview
Prologue
BEATRICE was deeply focused on reviewing her 3D design. Approved na iyon ng boss niya pero gusto pa din niyang i-check iyon mabuti baka kasi may nakaligtaan siyang importanteng detalye at maging dahilan pa iyon para hindi nila makuha ang project sa isang malaking kompanya mula sa Manila. Nakasalalay kasi sa design ni Beatrice kung makukuha ba nila ang project o hindi. At nakasalalay din sa design niya kung mapo-promote siyang Head Architect sa kompanya o hindi. At gusto din niyang patunayan sa ibang ka-trabaho niya ang kakayahan niya bilang isang architect. Gusto niyag patunayan sa ibang katrabaho na kaya ang design niya ang napili ng boss ay dahil nakitaan nito iyon ng potensiyal, hindi dahil pinapaboran siya ng boss dahil may relasyon sila. To be honest, she wanted to laugh at how negatively her co-workers thought of her. Iniisip kasi ng ka-trabaho niya, lalo na si Gesille na kapwa niya Architect, na mas nauna ng tatlong taon sa kanya sa kompanya ay kaya siya pinapaboran ng boss ay dahil may lihim daw silang relasyon na dalawa. Nang malaman nga ni Beatrice iyon ay agad niya itong kinonpronta, dahil wala namang katotohanan ang pinapakalat nito sa kompanya. At kinonpronta niya ito para tumigil ito sa pagpapakalat ng fake news dahil kahit na walang katotohanan ay baka umabot pa iyon sa asawa ng boss niya. For Pete’s sake, her boss was married and he was already a senior citizen! Para ngang ama na ni Beatrice ang boss niya dahil sa edad nito, tapos pagbibintangan pa siya nito na may relasyon sila? May ideya naman na si Beatrice kung bakit pinapakalat iyon ni Gesille, simula kasi noong pinuri ng boss niya ang design na ginawa niya ay doon na nagsimula ang inis na nararamdaman nito para sa kanya. Especially when her boss kept choosing the designs she had made and submitting them to the company’s clients. Una ay sinasabihan siya nitong pabibo, hinayaan niya ito dahil ayaw niya ng gulo, ayaw niyang may kaaway. Sa tuwing nagpaparinig nga ito ay hindi na lang niya ito kikikibo. Pero ngayon ay hindi na siya nakatiis, talagang kinonpronta niya ang babae para pagsabihan ito na tumigil na ito sa pagpapakalat nito ng fake new. At kung hindi ito titigil ay isusumbong na niya ito sa HR. Hindi niya alam kung papakinggan siya nito, pero kung sakaling hindi ay ire-report na talaga niya ito. At mayamaya ay inalis ni Beatrice ang tingin sa laptop ng marinig niya ang pagtunog ng telepono. Inangat naman niya iyon para sagutin. “Design Team, good morning. This is Beatrice. How may I help you?” “Ma’am Beatrice," wika naman ng pamilyar na boses. "This is Lyn. Pinapasabi ni Sir Robin na mag-ready na kayo dahil mamaya ay aalis na," imporma nito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Bestrice ang makaramdam ng kaba sa sinabi nito sa kanya. Hindi naman iyon ang una na isinama siya ni Sir Robin kapag may imi-meet itong kliyente. Isinasama kasi siya talaga ni Sir Robin dahil kapag may gustong itanong ang kliyente tungkol sa design na ginawa niya ay siya ang pinapasagot nito. Hindi iyon ang una pero hindi niya maiwasan na makaramdam ng kaba. Siguro dahil nabanggit ni Sir Robin na hindi basta-bastang tao ang magiging kliyente nila. Their client was from Manila, and he was the president of a prestigious company. Hindi nabanggit ni Sir Robin kung ano ang pangalan ng kliyente o kung ano ang pangalan ng kompanya nito. All he told her was that their client was extremely meticulous. "Okay," sagot naman niya. At nang magpaalam ang secretary ni Sir Robin sa kanya na si Lyn ay agad niyang inayos ang sarili. Binuksan niya ang bag para kunin ang hairbrush niya. Sinuklay niya ang mahabang buhok at pagkatapos ay pinusod niya iyon in a neat style. Kinuha din niya ang lipstick at saka niya nilagyan ang labi. Natural na mapula ang labi niya pero gusto pa din niya iyon lagyan. Nilagyan nga din niya ng kulay ang pisngi para naman maging presentable siyang haharap sa kliyente. Hinintay naman niya ang tawag muli ng secretary ni Sir Robin. At nang sabihin nitong aalis na sila ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair. Dinampot niya ang bag at saka na niya iyon sinukbit sa balikat niya. Niyakap nga din niya ang laptop at folder na naglalaman ng print out ng design niya bago siya humakbang palabas ng kwarto. Nakita nga din ni Beatrice ang pag-irap sa kanya ni Gisille nang madaanan niya ito sa cubicle nito. Nakita pa nga niya ang pag-usog nito sa kinauupuang swivel chair para lumapit sa kasamahan nila sa trabaho. "Nagpaganda pa para maakit niya ang kiliyente," bulong nito sa kasamahan. Hindi naman niya alam kung bulong ba iyon o sadya nitong ipinarinig sa kanya. Pero sa halip na patulan ay nagpatuloy na lang siya sa paglalakad hanggang sa tuluyang nakalabas. Ayas niyang ma-stress dahil mau importante siyang gagawin. Hinintay naman niya si Sir Robin sa lobby, hanggang sa makita niya ito, kasama nito ang secretary nito. Sabay-sabay naman na silang umalis. Sa kotse ni Sir Robin sila sumakay na dalawa ni Lyn, katabi niya si Sir Robin sa backseat, samantalang nakaupo naman si Lyn sa front seat. At hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa restaurant kung saan nila katatagpuin ang kliyente. Pumasok na sila sa loob. Agad naman silamg sinalubong ng staff at sinamahan sila nito sa isang VIP room. At dahil wala pa naman ang kliyente ay nag-excuse muna siya saglit kay Sir Robin para pumunta ng restroom. Naiihi kasi siya, ganoon si Beatrice kapag kinakabahan. At nang matapos si Beatrice umihi ay lumabas na siya ng restroom at humakbang na pabalik. Akmang bubuksan niya ang pinto ng may marinig siyang boses mula sa VIP room. Mukhang dumating na ang kliyente. Mas lalo naman siyang kinabahan. Beatrice took a deep breath before opening the door and stepping inside. "Good morning po," magalang na bati niya ng pumasok siya. Napansin naman niya na sabay-sabay na lumingon sa kanya ang nakaupo sa mesa. “Take a seat, Beatrice, so we can begin,” wika ni Sir Robin sa kanya. "Yes, Sir," sagot niya. Akmang maglalakad siya palapit ng mapatigil si Beatrice ng mag-angat siya ng tingin ng maramdaman niyang parang may nakatitig sa kanya. And she could almost feel the intense gaze locked onto her. At hindi napigilan ni Beatrice ang mapatigil sa paglalakad nang magtama ang mga mata nila ng lalaking nakatitig sa kanya. At habang nakatitig siya sa walang emosyon na mga mata nito ay nakaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot. “Are you going to stand there, Miss?" wika nito sa kanya sa malamig na boses nang hindi pa siya kumikilos. Hindi naman napigilan ni Beatrice ang mapakuyom ng kamao ng sandaling iyon. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga para kalmahin ang sarili. At kahit na nanginginig ang mga binti niya ay walang imik na nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa maupo siya sa harap nito. Halos hindi na nga siya tumitingin sa lalaki. “Let’s get this meeting started," matigas ang boses na wika nito. "Sure, Mr. Alvarez," wika naman ni Sir Robin, Nag-umpisa naman magsalita ni Sir Robin, nanatili naman siyang tahimik. Pero ang kamay niya ay nakakuyom sa ilalim ng mesa. Beatrice never expected to see him again. She certainly hadn’t imagined encountering Brandon Alvarez—her ex-husband. Again. Nang matapos magsalita si Sir Robin ay nag-umpisa nang magtanong si Brandon, sinasagot naman ng boss nila ang katanungan nito. “But I want to ask the architect who did the design,” mayamaya ay narinig niyang wika nito. At nang mag-angat si Beatrice ng tingin ay nakita niyang nakatitig ang walang emosyon na mga mata nito. “So, tell me, what was your inspiration for this design?” Beatrice licked her lower lip before opening her mouth to answer Brandon’s question. At dahil ayaw niyang titigan ito ay bumaba ang tingin niya sa mesa habang nagsasalita. "The design sprang from her fascination with nature—" “Who are you talking to?" Naputol ang sasabihin ni Beatrice ng magsalita si Brandon. At nang mag-angat siya ng tingin ay agad muling nagtama ang mga mata nila. At napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. “Are you talking to the table, Miss?” Beatrice gritted her teeth, staring him down. “Face me when you speak,” malamig ang boses nito. "Yes, Sir," sagot niya, binigyan diin ang salitang 'sir' dito. Wala na siyang pakialam kung may nakatingin na iba sa kanila o mapansin ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa ni Brandon. At gaya ng gusto nitong mangyari ay hindi niya inalis ang tingin dito, hindi siya kumurap habang nagsasalita siya. At nilabanan din niya ang lamig ng tingin na pinagkakaloob nito. Gusto nga ni Beatrice na palakpakan ang sarili dahil kahit na binabalot ang puso niya ng galit at kirot ay nagawa pa din niyang magsalita at sumagot ng maayos. Beatrice braced herself, expecting Brandon to fire questions at her, but to her relief, he remained silent, shifting his gaze from her to Sir Robin. Pansin nga din niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang kausap ang boss niya. At habang nag-uusap ang dalawa ay nag-excuse siya na pupunta ulit ng restroom. Hindi na nga din niya hinintay na may magsalita ang mga ito dahil tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya. At habang naglalakad ay ramdam niya na may nakatitig sa kanya. At hindi naman na niya kailangan lumingon dahil kilala na niya kung sino ang nakatitig sa kanya. At nang tuluyan siyang nakalabas ay doon lang niya pinakawalan ang kanina pa niya pinipigilan na hininga. Kinagat nga din ni Beatrice ang ibabang labi nang maramdaman niya ang pamamasa ng magkabilang mata. Mabilis naman siyang nagtungo sa loob ng banyo. At pagpasok na pagpasok niya ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Mabilis naman niya iyong pinunasan. Anim na taon na ang lumipas. Akala ni Beatrice ay hindi na niya mararamdaman muli ang sakit sa puso niya. Pero nang muli niyang makita si Brandon ay muling bumalik ang sakit sa puso na inakalang hindi na niya mararamdaman pa. Muling bumalik sa alala niya ang mga ginawa nito sa kanya. Beatrice took a deep breath to steady her racing heart. Ilang minuto nga din siyang nanatili doon. At siniguro muna ni Beatrice na walang bakas ng luha sa pisngi niya bago siya lumabas ng banyo. At ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya si Brandon sa labas ng restroom. And it seemed that he was waiting for someone. Sa halip naman na pansinin ay nagsimula siyang lagpasan ito. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang mapatigil ng magsalita si Brandon. "How is your son?" tanong nito sa kanya sa malamig na boses. Her hand curled into a tight fist the moment he brought up her child. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya ng lingunin niya si Brandon. "My son is fine," sagot niya dito. “And he’s with the man you say is his father.” At sa naging sagot ay napansin niya ang pag-igting ng mga panga nito. His brows furrowed even more. Pero hindi na niya iyon pinansin, hindi na nga din niya ito hinintay na makapagbigay ito ng komento dahil tumalikod na siya para iwan ito doon. Just like he did to her six years ago… He abandoned her.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.1K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.6M
bc

MY HEARTLESS EX-HUSBAND'S OFFER (SPG)

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook