AT dahil sinabi niya kay Sir Robin na kaya niyang paghiwalayin ang trabaho at saka personal na buhay ay humugot si Beatrice ng malalim na buntong-hininga habang nakatingin siya kay Brandon nang makabawi mula sa pagkabigla ay napansin niya ang pagseryoso ng ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya. Gusto nga niya itong irapan pero siyempre hindi niya ginagwa dahil kasasabi lang niya kay Sir Robin na paghiwalayin niya ang trabaho at saka personal na buhay kaya sa halip na irapan si Brandon ay nginitian niya ito na dahilan para mas lalong magsalubong ang mga kilay nito habang ang tingin ay nakatuon pa din sa kanya. “Good morning, Sir Brandon,” bati niya dito, pero hindi pa din niya napigilan na idiin ang 'Sir' dito. Pagkatapos niyon ay humabang na siya palabas ng opisina nang m

