Bubuka sana ang bibig ni Beatrice para magsalita nang mapatigil siya ng hinila na siyang muli ni Paula palapit sa kinaroroonan ng lalaki. At mukhang naramdaman naman nito ang presensiya nila dahil nag-angat ito ng tingin sa kanila. At nang makita silang palapit ay awtomatiko na ngumiti ito, tumayo nga din ito mula sa pagkakaupo nito. "Vince," wika ni Paula nang makalapit. "Paula," nakangiting wika naman ng lalaki sa kaibigan. Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa kanya. At nang makita siya ay mas lalong sumilay ang ngiti sa labi nito. "Hi," bati nito sa kanya. At dahil ayaw niyang magmukhang suplada ay gumanti din siya ng ngiti. “We’ve already met before at the party. I was with Brandon.” mayamaya ay wika nito sa kanya. “I didn’t have the chance to properly introduce myself to you bac

