Humakbang naman si Paula sa harap ng salamin. Inilapag nito ang bag nito at kinuha doon ang pulang lipstick nito. "Ano iyong sinasabi ni Vince kanina, Paula? Anong imbitasyon niya na pinaunlakan ko?" tanong niya dito. "Just don't mind him, Beatrice," wika nito habang pinagpatuloy nito ang pagli-lipstick. "Anyway, sinabi mo ba kay Brandon na kasama natin si Vince?" mayamaya ay tanong ni Paula sa kanya. "Tinanong niya kung ano ang ginagawa ko. At binanggit ko na nasa bar tayo," sagot niya dito. "At tinanong ulit niya kung sino ang kasama natin. Kaya sinabi ko na kasama natin si Vince." “Did he ask you which bar we’re going to?” Tumango naman si Beatrice bilang sagot. "Nagulat nga ako nang makita ko siya dito. At sabi kasi niya busy siya kasi madami daw siyang trabaho sa opisina," dag

