Nang maipark ni Brandon ang kotse nito ay bumaba na ito para pagbuksan siya ng pinto. "Did you like it here?" Nakangiting tumingin siya sa lalaki. "Yes," sagot niya dito. Hindi niya alam kung saan lugar ang pinuntahan nila dahil unang beses lang siya nakapunta doon. Pero sa kinatatayuan ay kitang-kita niya ang city light ng Metro Manila. Umalis sa harap niya si Brandon at may kinuha ito sa backseat ng kotse. At nang bumalik na ito ay may bitbit na itong isang plastic na naglalaman ng pagkain sa isang fastfood chain. Ipinatong iyon ni Brandon sa hood ng kotse nito at inilabas nito ang mga laman niyon. Pinanuod naman niya ito sa ginagawa nito, mukhang planado nito ang pagyaya sa kanya dahil may take out na itong dala. At mukha naramdaman nito ang paninitig niya dahil nag-angat ito

