At simula noong naging mag-asawa silang dalawa ni Brandon ay ngayon lang siya kumain na mag-isa. At hindi na siya sanay. Halos hindi nga niya naubos ang kinakain niya dahil nawalan siya ng gana. Mabilis nga siyang natapos. Hinugasan naman niya ang pinagkainan at saka na siya bumalik sa kwarto. Nagtungo naman siya ng banyo para mag-halfbath at saka nag-toothbrush. At nang matapos siya sa evening rituals niya ay pinuntahan niya si Braxton sa nursery room. Mahimbing pa nga din itong natutulog. Tumabi naman siya dito. Gusto sana niyang hintayin si Brandon pero inaantok na siya. Sunod-sunod na nga ang paghikab na ginawa niya. At nang hindi na niya makayanan ang antok ay ipinikit na niya ang mga mata at agad na naman siyang nakatulog. At naalimpungatan muli si Beatrice ng marinig niya an

