"THE help is there, Beatrice. I’m on my way too. Stay inside. Don’t open the door unless it's me knocking," wika ni Brandon habang sakay siya ng kanyang kotse patungo sa apartment ni Beatrice para puntahan ito. Bago nga siya umalis ng condo pagkatapos niyang malaman kung ano ang nangyayari dito ay mabilis siyang tumawag ng pulis para i-report ang nangyayari. Sinabi nga din niya ang address kung saan matatagpuan ang apartment nito. Sinabi naman ng kausap niya na pupuntahan agad ng mga ito ang address. Pero kahit na sinabi ng pulis na pupuntahan ng mga ito ang address ni Beatrice ay hindi pa din nababawasan ang takot at pag-aalala na nararamdaman sa isiping baka mahuli na ang lahat. Nang tawagan siya ni Beatrice sa malalim na ng gabi para humingi ng tulong dahil pinasok ito ng masamang loo

