KINUHA ni Beatrice ang cellphone para i-check ang email kung may message ba ang Daxton Engineering and Architectural firm sa kanya.
It’s been three days since they applied there. Kasama nga niya si Paula na nag-apply do'n. Dahil gaya ng sinabi ng kaibigan ay gusto nitong sabay silang mag-apply doon kaya sabay silang nagpasa ng resume. Sabay na nag-exam at na-interview. At sinabi ng HR Manager sa kanila na maghintay sila ng email kung matatanggap ba sila sa pinag-apply-an o hindi.
They decided to apply for jobs while they were still waiting to take the licensure exam.
Pagbukas ni Beatrice sa kanyang email ay mabilis siyang napaayos muli ng pagkakaupo nang may matanggap siyang email galing sa kompayang pinag-apply-an.
Hindi nga din niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso. At sa nanginginig na kamay ay binuksan niya ang email. At halos mapaiyak siya sa saya sa nabasa.
Dear Beatrice,
We are pleased to inform you that you have been selected for the position of Junior Architect at Daxton Engineering and Architectural Firm.
Hindi na binasa ang buong email dahil sa sayang nararamdaman. She was hired. At sobrang saya ang nararamdaman ni Beatrice dahil iyon na ang unti-unting pagbuo ni Beatrice sa pangarap niya.
At nang sandaling iyon ay hindi niya maipaliwanag kung bakit gusto niyang i-share ang magandang balita na iyon kay Brandon. At iyon ang ginawa niya dahil mayamaya ay kinuha niya ang numero nito para tawagan ito.
Naka-tatlong ring bago naman nito sinagot ang tawag niya. "What's wrong, Beatrice?" narinig niyang tanong ni Brandon sa kanya mula sa kabilang linya. "You okay?" tanong nito, mababakas sa boses nito ang panic. Mukhang inaakala nito na may problema kung bakit tumawag siya. Simula kasi ng ligawan siya nito ay ito ang unang beses na siya ang nag-initiate na tumawag dito.
It’s been months since Brandon started courting her, and so far, Beatrice hasn’t had any problems with his courtship. To be honest, being courted by him made her feel like she was on cloud nine.
"Okay lang ako, Brandon," wika niya dito. Narinig naman niya ang relief sa buntong-hininga nito mula sa kabilang linya.
"Napatawag ka?" mayamaya ay tanong nito sa kanya.
At nang itanong iyon sa kanya ni Brandon ay bigla siyang nakaramdam ng hiya. At mabuti na lang at wala ito sa harap dahil hindi nito nakikita ang pamumula ng magkabilang pisngi niya.
"Beatrice?" untag nito nang hindi pa siya nagsasalita.
Tumikhim naman siya. "May...gusto lang kasi akong ibalita sa 'yo," wika niya sa mahinang boses.
"What is it?"
"May trabaho na ako, Brandon," pamamalita niya dito, bigla na ding nawala iyong hiya na nararamdaman niya.
"Really?"
"Yes," sagot niya.
"Congratulations, Beatrice. You deserve it," wika ni Brandon sa kanya. “Let’s celebrate," dagdag pa na wika nito.
Napanguso naman siya. "Pwedeng sa unang sahod ko na lang?" wika niya dito.
Narinig naman niya ang paghalakhak nito mula sa kabilang linya. “You said that, huh? You’ll treat me with your first salary," wika nito.
Nakangiting tumango naman siya. "I promise," sagot naman niya kay Brandon.
"Aasahan ko iyan," wika nito sa kanya. "Beatrice," mayamaya ay sambit nito sa pangalan niya.
"Bakit?"
"Thank you."
Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Ha?"
“Thank you for calling me first to share your new milestone," wika nito sa kanya.
Pinagdikit naman ni Beatrice ang ibabang labi nang nang marinig niya ang sinabi nito. Gaya ng sinabi niya ay hindi niya maipaliwang kung bakit gusto niyang ishare kay Brandon ang tungkol doon. Siguro dahil komportable siya sa lalaki.
Ilang minuto pa nga din silang nag-usap na dalawa hanggang sa nagpaalam na siya dito. Nahihiya na din kasi siya kay Brandon dahil baka na-i-istorbo na niya ito.
At nang matapos niya itong makausap ay tumayo na din siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa at saka humakbang patungo sa kusina para magluto ng kakainin niya ng lunch.
Nakabili siya ng gulay kanina na lulutuin niya. At may binili din siya ng konting karne na isasahog sa iluluto.
At sa sumunod na sandali ay abala na si Beatrice sa paghiwa sa mga gulay na binili. At nang matapos niyang hiwain ang lahat ng gulay na kailangan ay nag-umpisa na siya sa pagluluto.
At habang hinihintay na maluto ang niluluto ay naisipan niyang hugasan muna ang ibang ginamit sa pagluluto para kunti na lang ang huhugasan niya. Nang matapos sabunin ay ay binanlawan niya iyon.
At hindi napigilan ni Beatrice ang mapamura nang biglang bumulusok ang tubig sa sink. Mabilis naman niya iyong pinihit para isara pero mukhang nasira iyon dahil patuloy pa sa pagbulusok.
Parang may dance fountain sa kusina niya. At basang-basa na nga din ang damit niya at ang sahig.
Mabilis naman niyang isanara ang tubig dahil iyon lang ang nakikita niyang solusyon para tumigil ang pagdaloy ng tubig sa may faucet niya. Mukhang nabutas na ng tuluyang ang tubo ng faucet.
At dahil sa nangyari ay hindi lang ang damit ang nabasa, pati na din ang sahig.
Kaya kinuha ni Beatrice ang mop para i-mop ang sahig. Nasa ganoon nga siyang posisyon ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto ng apartment niya.
Napakunot naman si Beatrice ng noo dahil wala siyang inaasahang bisita ng sandaling iyon. Pero naisip niyang baka ang landlady niya ang nasa labas.
Kaya ibinaba niya ang hawak at saka siya humakbang patungo sa pinto para pagbuksan ang landlady niya.
Pero pagbukas ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Beatrice nang makita kung sino ang nasa labas ng apartment niya. Na nakatayo do'n habang titig na titig sa kanya.
Si Brandon.
At mayamaya ay napansin ni Beatrice ang pagbaba ng tingin nito sa suot niya. Napansin niya ang pagtingkayad ng itim na mga mata nito pero mayamaya ay nakita niya ang pag-iwas nito ng tingin do’n.
At dahil nakatingin siya kay Brandon ay kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi nito, hindi nga lang sa pisngi, pati na din sa tainga nito.
At nang bumaba ang tingin sa suot ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nang makita ni Beatrice ang itim na bra na bumabakat sa suot niyang puting t-shirt na basa. At nang makabawi mula sa pagkabigla ay mabilis niyang pinagsarahan ng pinto si Brandon.