BUMABA ang tingin ni Beatrice sa kamay ni Brandon ng ilahad nito iyon sa harap niya ng buksan nito ang pinto sa penthouse nito ng makarating sila. Saglit naman niyang pinagmasdan ang kamay nitong nakalahad bago niyq iyon inabot. At nang maabot ay agad nito iyong pinagsalikop hanggang sa marahan na siyang hinila papasok sa loob ng penthouse nito. "Feel at home, babe," wika nito ng tuluyan itong nakapasok. "Take a seat first. I get you water." Hindi na nga din siya nito hinintay na magsalita dahil binitiwan nito ang kamay niya at saka ito humakbang patungo sa kusina para kumuha ng tubig para sa kanya. Naupo naman si Beatrice sa sofa habang hinihintay niya ang pagbalik ni Brandon. Hindi naman ito masyado nagtagal dahil mayamaya ay binalikan siya ito. May hawak itong baso na may lamang tub

