“Kung busy ka ay bakit nasa penthouse ka ni Brandon?” tanong nito sa kanya sa mahinang boses. “Ha?” tanong niya, hindi kasi niya masyadong narinig ang sinabi nito dahil mahina iyon. “Ang sabi ko ay uuwi na ako dahil wala ka naman pala dito. Sayang iyong effort ko na magpunta dito para makita ka.” Napanguso naman si Beatrice sa sinabi nito. “Pasensiya na. Next time, message me ahead of time para alam ko,” sagot niya dito. Para hindi masayang ang effort mo, gusto sana niyang idagdag pero sinarili na lang niya. Pilit na lang niyang iniintindi ito dahil kilala niya si Paula, ayaw na ayaw nito na masayang ang effort nito. At saka hindi din naman kasi niya alam na pupunta si Paula sa condo niya, kung alam lang niya ay hindi na sana siya sumama kay Brandon ng sunduin siya nito do’n. Hindi

