Napansin naman ni Beatrice ang paglambot ng ekspresyon ng mata ni Brandon habang nakatitig sa kanya. “Hindi ba talaga kita mahahawaan ng sakit ko?” tanong nito sa kanya. Umiling naman siya. “Malakas ang resestensiya ko kaya hindi mo ako mahahawaan,” sagot niya kay Brandon. “Kaya huwag kang mag-alala sa akin,” dagdag pa niya. Saglit namang hindi sumagot si Brandon, nanatili lang itong nakatingin sa kanya. “Can you lie down beside me, babe?” wika nito sabay tapik sa espasyo sa tabi nito. “I want to hug you,” dagdag pa na wika nito. Hindi naman na nito kailangan na ulitin ang sinabi dahil humiga siya sa tabi nito. Agad ngang pumaikot ang isang kamay niya sa baywang nito para yakapin ito. “Magpahinga ka na. Hindi ako aalis sa tabi mo,” malambing ang boses na wika niya dito. Saglit

