“Okay naman, Architect,” sagot ng foreman sa kanya. “Ten percent na ang nauumpisahan sa construction,” dagdag pa na sagot nito. Tumango naman si Beatrice bilang sagot sa sinabi ng foreman. At sumunod namang nag-usap ay ito at si Vince, hinayaan lang naman niyang mag-usap ang mga ito. Iginala naman ni Beatrice ang tingin sa paligid at kitang-kita niya ang sampung porsiyente na sinasabi ng foreman na nasimulan na. Kitang-kita nga niya ang mga construction worker na abala sa pagta-trabaho. Humakbang naman ang mga paa niya para lumapit sa mga ito. Hindi pa nga siya nakakatatlong hakbang ng mapatigil siya ng tawagin ni Vince ang pangalan niya. “Beatrice.” Nilingon ni Beatrice si Vince. “Bakit?” “Where are you going?” tanong nito sa kanya. “Mag-iikot lang,” sagot niya. “Just take

