At sa sumunod na sandali ay tanging ungol at pagsasalpukan ng katawan nila ang naririnig sa kusina. NAPAKAPIT si Beatrice mula sa pader nang biglang umikot ang paningin niya dahil sa nararamdamang pagkahilo. Nanatili nga siya sa ganoong posisyon hanggang sa hindi pa din bumabalik sa normal ang kanyang pakiramdam. At nang medyo okay na ang pakiramdam niya ay nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makita niya ang asawa na naghihintay sa kanya sa may sala. At nang makita siya nito ay awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi nito. “Tara na?” yakag naman nito sa kanya. Nakangiting lumapit naman siya dito, humawak naman siya sa braso nito at saka na sila humakbang palabas ng penthouse nito. Ihahatid kasi siya ni Brandon sa pinagta-trabahuan. Iyon kasi ang routine nilang dalawa tuwi

