KITANG-kita ni Beatrice ang panlalaki ng mga mata ni Brandon ng sabihin niya dito na buntis siya, na magiging Daddy na ito. Napansin nga din niya na bumaba ang tingin nito sa tiyan na kung saan naroon ang kamay nito na hawak niya. Saglit itong tumitig sa kanyang tiyan at kitang-kita nga din niya ang paglambot ng ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin ito do’n. Nakita nga din niya ang masuyong paghaplos nito sa tiyan niya. Mayamaya ay nag-angat ito ng tingin sa kanya at nakita niya ang kislap sa mga mata nito ng magtama ang mata nila. “You’re pregnant?” ulit na tanong nito. Nakangiting tumango naman siya bilang sagot. “I’m going to be a daddy?” “Yes. Brandon.” “Oh, god!” bulalas nito. At nagulat na lang siya ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. Gumanti nga din siya

