At kasabay ng kirot ay naramdaman din niya ang likidong nanggaling sa ibabang bahagi ng binti niya. At nang bumaba ang tingin ni Beatrice doon ay napaawang ang labi niya nang makita niya ang tubig na dumadaloy sa kanyang binti. Pumutok na ang panubigan niya! At muli siyang napangiwi nang muling sumirit ang sakit sa kanyang tiyan. “Brandon!” tawag niya sa asawa. Mayamaya ay lumabas ito ng walk in closet, nakabihis na ito. At nang makita nito ang ekspresyon ng mukha niya ay mabilis itong lumapit sa kanya. “What’s wrong?” tanong nito sa kanya, hinawakan nga din siya nito sa kamay. “Pumutok na ang panubigan ko. Manganganak na ako,” wika niya kay Brandon. Napansin naman niya ang panlalaki ng mga mata nito ng marinig nito ang sinabi niya. Napansin nga din niya ang pagbaba ng ting

