“Good morning, sir,” bati niya dito ng makalapit. “Kunin ko po iyong naiwan ko na sketch book,” wika niya sa pakay kung bakit sila nagkita na dalawa. Sa halip naman na magsalita ay napansin niya ang pagsulyap nito sa wristwatch na suot. "Why don’t you sit first and let’s grab something to eat?" wika ni Brandon. “Pasensiya na po. Pero iyong sketchbook ko po ang pakay kung bakit nandito ako,” sagot niya dito. “Aalis din po ako agad dahil iniwan ko lang saglit ang anak ko sa kasama namin sa bahay,” pagpapatuloy pa niya. “He's not with Vince?” tanong nito sa kanya. Hindi naman niya alam kung bakit tinatananong nito iyon sa kanya pero sinagot na lang naman niya ito. "Hindi," sagot niya. Napansin naman niya ang pagtaas ng isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. “I thought he was

