"BRANDON.” Inalis ni Brandon ang tingin sa papalabas na likod ni Beatrice nang marinig niya ang pagtawag ni Mr. Robin sa kanya. At nang ilipat niya ang tingin dito ay nakita niya ang paninitig nito sa kanya na para bang may binabasa ito sa ekspresyon ng mukha niya. Pero pilit naman niyang pinapa-blanko ang ekspresyon ng mukha dahil ayaw niyang malaman nito ang ugnayan nilang dalawa ni Beatrice. Ayaw niyang malaman nito ang tungkol sa ginawang panloloko sa kanya ni Beatrice noon, kung paano nito bilugin ang ulo niya. He loved her so much. But what did she give him in return? She betrayed him. She cheated on him. Worst of all, she made him believe that another man's child was his. At nang maalala na naman iyon ni Brandon ay hindi niya napigilan ang mapakuyom ng kamao dahil sa nararamdam

