"S-SIR Brandon..."
Saglit siyang sinulyapan ni Brandon nang banggitin niya ang pangalan nito. Wala nga siyang mabasang anumang emosyon sa mga mata nito nang magtama ang mga mata nila pero sigurado siyang galit na din ito sa kanya dahil sa insidenteng nangyari. Lalo pa at pinagtitinginan na sila.
"What's happening here?" ulit na tanong ni Brandon ng alisin nito ang tingin sa kanya.
"That woman ruined my dress!" sumbong naman ng babae kay Brandon.
Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Beatrice. "P-pasensiya na po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya. Napatid lang po ako," paghingi niya ng paunmahin.
"Kung lalampa-lampa ka ay hindi ka na sana nagta-trabaho," wika pa nito.
"Angela, stop it," wika naman ni Paula. "Beatrice, already aplogize. At hindi naman niya sinasadya ang nangyari," pagtatanggol sa kanya ng kaibigan.
"Huwag mong ipagtatanggol sa akin ang bestfriend mo, Paula," wika nito kay Paula. Pagkatapos niyon ay tumingin ito kay Brandon. "Look what she did to my gown, Brandon. She ruined it! The party hasn’t even started, and I already look like a mess," sumbong nito kay Brandon. Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa kanya. "And I need to talk to your boss. Ire-report kita. Hindi dapat pinagta-trabaho ang tanga-tanga--
"Enough!"
Hindi na natapos ng babae ang ibang sasabihin nang dumagundong ang boses ni Brandon. Hindi nga din niya maiwasan ang mapaigtad dahil sa dagundong ng boses nito.
Beatrice couldn’t help but glance at Brandon. His brows were furrowed, his lips pressed tight, he looked angry in that very moment.
Kinagat naman ni Beatrice ang ibabang labi nang yumuko siya.
"B-brandon?"
"I'll compensate you for your ruined gown, Miss," wika ni Brandon sa babae sa malamig pero baritonong boses. At pagkatapos niyon ay tumingin ito sa kanya. "And you, go inside and stay there," ma-awtoridad na wika nito sa kanya.
"Y-yes, Sir," sagot niya dito sa medyo garalgal na boses. Humingi pa siya ng pasensiya sa babae bago siya umalis sa harap ng mga ito.
Kinagat naman ni Beatrice ang ibabang labi para pigilan ang luhang gustong pumatak sa mga mata niya. At halos nakayuko nga din siya dahil nahihiya siyang salubungin ang titig na pinagkakaloob sa kanya ng ilang guest.
"Beatrice!"
Mayamaya ay napatigil siya sa paglalakad nang marinig niya ang boses na iyon ni Paula na tumawag sa pangalan niya.
At nang lumingon siya ay nakita niyang humahangos ito para lapitan siya.
"Are you okay?" tanong naman ni Paula nang tuluyang itong nakalapit.
Pilit lang naman niyang ngumiti sa kaibigan niya. "Pagpasensiyahan mo na si Angela," wika nito sa kanya.
"N-naiintindihan ko naman kung nagalit siya," sagot naman niya dito.
"Pero wala siyang karapatan na--
Hindi na nito natapos ang ibang sasabihin ng hawakan niya ito sa kamay. "Okay lang, Paula," wika niya dito. "Bumalik ka na doon. Sa loob lang ako," dagdag pa niya.
Humugot naman ito ng malalim na buntong-hininta. "Sabay na lang tayo na umuwi mamaya," wika naman nito sa kanya.
Nakangiting tumango naman si Beatrice. At nang umalis na si Paula sa tabi niya ay nagpatuloy na din siya sa paglalakad.
At pagpasok pa nga lang niya ay sumalubong na sa kanya ang galit na mukha ng boss nila, mukhang nalaman na nito ang nangyari.
Pinagdikit niya ang ibabang labi nang humakbang siya palapit dito. "Boss--
"Mahigpit kong binilin na huwag kayong gagawa ng kamalian," putol nito sa sasabihin niya. "Pero pumalpak ka pa din at sa unang trabaho mo," pagpapatuloy na wika nito.
"Pasensiya na po, Ma'am. Hindi na po mauulit."
"Talagang hindi na mauulit dahil tanggal ka na sa trabaho. At gaya ng sinabi ko, hindi kita sasahuran dahil sa pagkakamali mo," wika nito sa kanya. "At dahil wala ka na din gagawin dito ay umuwi ka na," pagpapatuloy pa na wika nito.
Tumango na lang naman si Beatrice bilang sagot. Pagkatapos niyon ay umalis na siya sa harap nito, humakbang naman siya palapit kung saan niya iniwan ang bag niya. At habang sinusukbit ang bag ay hindi niya maiwasan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Mabilis namang pinunasan ni Beatrice ang luha sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay umalis na din siya do'n, sa gilid siya dumaan para walang makapansin sa kanya hanggang sa makalabas siya ng malaking gate.
Nagpalinga-linga nga din si Beatrice sa paligid, naghahanap ng taxi. Pero dahil exclusive subdivision iyon ay walang dumadaan na taxi kaya no choice siya kundi maglakad para makarating hanggang sa labasan.
Humugot nga lang din siya ng malalim na buntong-hininga dahil hindi din biro ang layo ng lalakarin niya.
Masakit na nga ang paa at pinagpapawisan na nga din si Beatrice pero patuloy pa din siya sa paglalakad. Hanggang sa mapatigil at gumilid nang makarinig siya ng busina ng isang kotse. At nang mapatingin siya doon ay halos mapasilaw siya sa headlight ng kotse.
At mayamaya ay huminto iyon sa harap niya. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nang makita kung sino ang nagmamaneho niyon ng bumaba ang bintana.
"S-sir Brandon."
"Get in," malamig ang boses na wika nito.
Umiling naman si Beatrice. "Hindi na po, Sir. Maglalakad--
"I said, get in," he interrupted her. "Wala kang masasakyan dahil walang dumadaan na taxi dito."
Tahimik lang naman si Beatrice na humakbang patungo sa front seat. Binuksan niya iyon at saka siya sumakay sa loob.
"Seatbealt," wika nito sa kanya na tahimik niyang isinuot.
"What is your address?" tanong nito sa kanya mayamaya.
"Pababa na lang po ako sa sakayan. Magko-commute na lang po ako pauwi."
"Your address, Beatrice," ulit nito sa mariin na boses.
At para matapos na ay sinabi na lang niya dito ang address niya. At nang malaman iyon ni Brandon ay pinaandar na nito ang kotse. At tumingin naman siya sa labas ng bintana habang nasa biyahe.
At hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila Beatrice sa tapat ng maliit na apartment na tinutuluyan niya.
Nilingon naman niya si Brandon at nakita niyang sinisipat nito ang maliit na apartment niya, napansin nga din niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito.
Tumikhim naman si Beatrice para kunin ang atensiyon nito. "D-dito na ako," wika niya nang magtama ang mga mata nila. "Salamat sa paghatid," dagdag pa na wika niya.
At akmang bubuksan niya ang pinto ng mapatigil siya ng may maalala.
"Sir Brandon."
"Beatrice." Halos sabay naman nilang sambit sa pangalan nila sa isa't isa.
"You go ahead," wika namna nito sa kanya.
"Tungkol...doon sa gown no'ng babae. Kapag nagka-pera ako, babayadan kita," wika niya dito. "Iyong...perang iniipon ko kasi ay para sa graduation fee ko. Pero pangako, babayadan kita kapag nagka-pera na ako," pagpapatuloy niya, itinaas nga din niya ang isang kamay na parang nanunumpa dito. Baka kasi iniisip nito ay tatakbuhan niya ito sa obligasyon niyang ito ang sumalo.
"Huwag mo nang intindihin iyon, Beatrice," wika nito sa kanya.
"Pero--
"Don't mind it, Beatrice," ulit na wika nito. "As for what Angela said earlier, just ignore it. You’re not stupid," dagdag pa na wika nito.
Napakurap-kurap naman si Beatrice ng mga mata. "And I want to apologize if I startled you by raising my voice earlier."
At hindi din siya makapaniwala na napansin nito ang pag-igtad niya ng tumaas ang boses nito sa kanya.
"O-okay lang," sagot naman niya sa lalaki. "And Sir Brandon..."
"Hmm?"
"Thank you," wika niya dito.
He didn’t say anything; instead, he just stared at her.
Beatrice smiled at him. "Bababa na po ako. Salamat at ingat po kayo sa pag-uwi," mayamaya ay paalam niya.
Hindi na nga din niya hinintay ang lalaki na magsalita dahil bumaba na siya ng kotse. Gumilid nga siya. At bago siya pumasok sa lumang gate ay hinintay muna niyang umalis si Sir Brandon.
Pero mukhang wala pa itong balak na umalis kaya no choice siya kundi humakbang para pumasok sa gate. At pagpasok ay doon lang naman pinaandar ni Sir Brandon ang kotse nito paalis.
At bago tuluyang umalis ay bumisina pa ito bilang pamamaalam.
At sa kabila ng lungkot na nararamdaman dahil wala siyang kinita ngayon gabi ay hindi pa din napigilan ni Beatrice ang mapangiti.