Sinabi naman niya dito kung saan sila pupunta. At habang nasa daan ay nagku-kwentuhan silang dalawa ni Braxton. Malapit na sila sa pinagta-trabahuan ni Ma’am Beatrice ng biglang may nag-overtake na isang kotse sa kanila. Napasigaw na lang silang dalawa ni Braxton ng mawalan ng kontrol ang tricycle driver sa manibela. At hindi niya napigilan ang manlaki ng mga mata nang makita niyang babangga ang sinasakyan nilang tricycle sa concrete barrier. NAGTAKA si Beatrice kung bakit hindi pa tumatawag sa kanya si Ate Lorna para ipaalam kung nasundo na ba nito si Braxton o hindi. Kapag hindi kasi siya nakakatawag dito para itanong iyon ay ito mismo ang tatawag sa kanya, kung hindi ay magti-text ito na nasundo na nito ang anak. Hindi kasi siya nakatawag dahil may ginawa siya kanina. Medyo late

