HINDI maalis-alis ni Beatrice ang tingin kay Brandon ng bumaba ito sa kotse nito. Hindi kasi niya inaasahan na makikita niya ang lalaki ngayon. Pilit nga niyang inaalis si Brandon sa isip niya dahil ayaw niyang maalala ang nabasa niya sa social media dahi hindi niya nagugustuhan ang nararamdaman ng puso niya. Pero mapaglaro ang tadhana dahil mukhang pagtatagpuin pa ang landas nilang dalawa. Akala ni Beatrice ay nasa Manila ito pero anong ginagawa nito doon? Anong ginagawa nito sa site. At hindi din siya na-inform ni Sir Robin na pupunta din doon si Brandon. Kung na-inform lang siya ay sana hindi na lang siya nagpunta sa site para hindi sila magkita na dalawa. At dahil nakatingin si Beatrice kay Brandon ay napansin niya ang paglinga nito sa paligid na para bang may hinahanap ito. Si

