At nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay agad niyang nakita ang seryosong ekspresyon ng mukha nito, napansin nga din niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Hindi naman inaasahan ni Beatrice na ganoon ang makikita niyang ekspresyon ng mukha ni Brandon kapag makikita siya nito. Hindi kasi ganoon ang nakasanayan niya, kapag magtatama ang mga mata nila ay punong-puno ng pagmamahal ang mga mata nito. But now is different, habang nakatitig din kasi siya sa mga mata nito ay may nababakas siyang galit doon. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang luha na gustong pumatak sa mga mata niya. "What are you doing here, Beatrice?" tanong nito sa kanya sa malamig na boses na mas lalong ikinadurog ng puso niya. Beatrice? Hindi na Misis. Hindi na babe. At wala ng lambing sa boses nito

