Chapter 25 Lander's POV "This is not my last visit... Daddy will come back here and see you both again, my twin..." Ngumiti ako sa mga ito kahit na nasasaktan pa rin. Sa pinagdadaanan ko sa asawa ko ngayon, parang mas lalo akong naging emosyonal. Ang mga ito pa lang ang nasasabi ko pero bumubuhos na ang emosyon ko. Pumunta ako rito para bisitahin sila sa huling pagkakataon, sa unang punta ko rito sa New York na sila ang mga pakay. Huminga muna ako nang malalim bago muling nagpatuloy. "Pasensiya na kayo kung kailangan kong umalis agad... May nasabi yata ako sa inyo na ilang araw akong mag-i-stay rito, na magiging madalas ang pagbisi-bisita ko sa inyo... I apologize, sons... May kailangan lang akong dapat asikasuhin at alam naman na siguro ninyo kung ano iyon... Huwag ninyong isipin na m

