Chapter 26 Ksenia's POV "Hinga nang malalim, Ksenia... Ito lang ang sasabihin ko sa iyo, lilipas din ito... Magiging maayos din ang lahat..." ani Ramces pagkatigil ng sasakyang minamaneho nito sa harapan ng gate nila Kivenne. Nabitin ang gagawin ko sanang pagsuyod sa lugar nang hawakan niyang mahigpit ang isang kamay ko, iyong pinakamalapit sa kaniya. Sa kaniya napunta ang paningin ko. Wala akong makita sa anyo kundi kumpiyansa at pang-unawa. At katulad nang dati, gumagaan na naman ang pakiramdam ko. Hindi pa pala nagbabago ang palagay ko sa kaibigan kong ito, mabilis niya lang akong mapakalma at mapasunod. "Thank you so much, Ramces... Hindi na yata ako matatapos sa kapapasalamat sa iyo... Ako pa naman si Queen of pasasalamat..." "Alam mong mahal kita at mahalaga ka sa akin..." Medy

