Chapter 27 Lander's POV It was two in the afternoon when I got myself here in the airport. Nahirapan akong hilahin ang sarili papunta rito dahil sa malakas a magnet ng emosyon ko. Hindi pa ako handang iwan ang kambal. Hindi pa ako handang isipin na milya-milya na naman ang magiging pagitan ko sa mga ito. Big deal sa akin ang katotohanang hindi ko sila magawang puntahan kaagad kapag gusto ko. Kung maaari lang ay one drive away lang mula sa mansion ang lugar. Habang nagpapahinga mula sa matagal na pagliligpit ng mga gamit sa maleta at pag-aayos ng mga gamit sa tinuluyang suit, pumapasok sa isip ko ang ideyang ilipat ang mga labi ng mga ito sa France pero agad kong naisip si Kath at ang magiging dating niyon sa kaniya kapag nakarating sa kaniya. Hanggang ngayon ay wala pa siyang alam na al

