Chapter 28 Lander's POV Alas dos nang madaling araw nang dumating ako sa hotel na inirekumenda sa akin ni Fred na tutuluyan. Actually, marami siyang ni-recommend na mga prestigious and famous hotel dito sa kabisera ng Switzerland pero wala naman akong pakialam sa hotel na dapat kong tuluyan. Ang nasa utak ko ay ang asawa ko. Buong buhay ko ay asawa ko na lang yata ang iniisip ko. Bukas pa ang biyahe ko papunta sa probisiya kung nasaan ngayon ang asawa ko at si Fred. Kahit pala ang makita ito ang pinakagusto kong gawin ngayon, hindi pa rin kaya. Gusto ng puso at isip pero parang bibigay na itong katawan. Kaya hindi ko na pinilit na tumuloy-tuloy sa flight dahil baka makarating pa ako nang walang malay roon. At ayaw kong mangyari iyon. Sa totoo lang, kaya naman talaga nating tantiyahin k

