Chapter 17 Ksenia's POV Sagad na sagad ang pagkakalapat ng katawan ko rito sa unan ko. Plain lang na white na punda ang napili ko dahil halos puti talaga ang mga punda namin sa mansion. Kilala ko si Lander, lahat big deal sa kaniya. Mahahalata at mahahalata niya na wala ako sa mansion ngayon kung tatayo ako rito at makikita niya kahit ilang bahagi ng background ko. Malaki at maluwang ang mansion pero kabisado niya ang bawat area doon, kasali na pati mga bodega at guest rooms. Pati bedsheet at kumot ko ay kulay-puti. Ni-request ko pa ito sa receptionist ng bahay na ito kanina. Kulay-cream ang dating kulay ng mga ito kanina pero hindi pa ako napanatag. White na white ang gusto ko kaya naman naghanap talaga ang mga ito. Isang bahay rito sa Intalaken ang tinuluyan namin ni Ramces. Sa ibaba

