Chapter 18 Lander's POV Madrama ang sumunod na nanyari. Halos si Ksenia lang ang nagsasalita sa dalawang oras naming pag-uusap. Pinatatahimik ako ng emosyon ko. Kung iimik man ako, iyon ay kung iilabas ko ang hikbi ko o sasagutin ang ilang mga tanong nito. "Maaga kang bumisita sa kanila kung ganoon, Lander... Mabuti naman... At least hindi mo na pinatagal ang lahat. Mas mahirap yata kasi kapag ganoon..." Patuloy ito sa pagsasalita. Kung minsan ay nagkukuwento na lang bigla ng mga naging karanasan niya sa buhay. Kasama na rin doon ang mga ibang nanging highlights sa buhay niya sa Italy. Kung saan-saan na nakarating ang mga lumalabas sa bibig niya. Tinupad niya ang pangako niya sa akin na hindi magkakaroon ng dead air sa pag-uusap naming ito. Hindi na talaga siya bumangon sa higaan niy

