OSWL (BOOK 1) Chapter 32

2609 Words

Chapter 32 Ksenia’s POV “Nakita mo iyon, Ksenia?” agad itinanong ni Ramces nang medyo makalayo kami mula sa gate. “Ang alin?” patay-malisya ko namang tanong. Umangat ang kilay niya at ngumiti nang malisyoso. Kahit alam ko na ang ibig niyang tukuyin ay nagmamaang-maangan pa rin ako. Ayaw kong ipakitang apektado ako sa dalawang nakita kanina. “Si Lander at iyong kasama niyang babae. Iyon nga ang tinutukoy ko sa iyo kanina pa. Akalain mo iyon, may girlfriend na pala siya... At ganda-ganda pa. Kaya naman pala...” “Kaya naman pala alin?” “Kaya naman pala snob sa mga babae rito si Lander kasi may nagmamay-ari na ng puso niya... Ang corny ko talaga... Masyado akong natuwa sa kanilang dalawa kanina...” Naiinis akong pabalang iyon sa panrinig ko. Nagfa-flashback nang paulit-ulit ang tagpong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD