Chapter 8 Ksenia's POV "Paano napunta sa iyo iyan, Ksenia?" tanong niya sa naguguluhimanang mga mata ngunit sa kontroladong tinig. Siguro ay may higit pa sa reaksiyon nito pero hindi lang niya ipinakita. Gusto na naman niyang daanin sa maayos na pag-uusap ito at hindi sa paraang mababahala ako. He go straight to my eyes. Iyan ay madalas din niyang gawin noon para mabantayan niya nang maayos ang bawat epekto nang bawat sasabihin niya. "We both know that..." nanlulumo kong muling ibinagsak ang mga mata sa picture. "... t-that... that's not our son, Supreme... May nunal at iba ang kaniyang mga mata, Ramces..." Lumakas na ang tinig ko sa bandang dulo. Nais ko nang kompletuhin ang sarili. Na ginugulo na naman ako ng natuklasan kong ito. Pero hindi pa siya nagsasalita kaya nabibitin ako. "

